11k Special

886 40 24
                                    

Tamara

"Musta ka na dyan, bebe ko?"

"Sus. Ok lang naman. Ikaw?"

"Eto, hindi ako okay lalo na wala ka sa tabi ko. Miss na kita."

"Ako rin, Jisung. Wag ka mag-alala, babalik rin kami dyan."

"Hihintayin kita, Tamara. Miss na kita sobra.."

"Miss na rin kita Jisung..."

"Mag-iingat ka lagi dyan, ah? Tandaan mong mahal na mahal kita.."

"Ikaw rin. Mahal na mahal rin kita.."

"Tsaka pagbalik mo gagawan ulit kita ng paborito mong caramel macchiato."

"Sige, gusto ko yan."

"I love you very much. Sige na, magpahinga ka na dyan. Mukhang inaantok ka na.."

"Hm. I love you too, Jisung..."

"Sleep well. Tatawag ulit ako sayo bukas."

video call ended
05:15

• • •

Ilang linggo na ang nakakalipas simula nung nagvideo-call kami. Sabi ni Jisung na tatawagan nya ulit ako, pero naghintay ako sa kanya at di naman nya ako tinawagan. Araw-araw akong nakatutok sa cellphone ko kung sakaling tumawag sya. Pero, wala. Ano kayang nangyari sa kanya?

Chinachat ko naman sya, pero sineseen lang nya ako. Naisip ko na baka busy sya dahil nagtratrabaho pa rin sya dun sa cafe lagi pagtapos ng kanyang klase. At syempre baka napapagod rin sya.

Napabuntong hininga nalang ako at nahiga sa kama ko at saglit na napatitig sa kisame. Bigla ko naman naalala yung mga araw na magkasama kami ni Jisung bago kami umalis nun papunta dito sa America. Di ko maiwasan mapangiti habang inaalala yung mga masasayang alaalang iyon.

Maya-maya ay natauhan ako ng marinig kong tumunog cellphone ko. Pagtingin ko ay mas lalo akong napangiti kasabay nun ang pagbilis ng tibok ng puso ko ng makita kong tumatawag na ulit sa akin si Jisung. Agad ako napaupo at sinagot yung tawag nya.

Ng makita ko na ang mukha nya sa screen ay binati ko agad sya.

"Hi Jisung!"

Sabi ko at nginitian nya lang ako. Napansin ko na medyo pagod yung tsura nya tsaka ang gulo pa ng buhok nya.

"Tamara pasensya na kung ngayon lang ako nakatawag ulit sayo. Medyo naging busy ako eh.."

"Ok lang. Naiintindihan ko naman."

"Hinintay mo ba akong tawagan ka?"

Tanong nya at saglit naman ako di nakapagsalita. Maya-maya ay ngumiti ako sa kanya.

"Hindi naman."

Pagsisinungaling ko. Baka magalit pa sya sa sarili nya at ayokong mangyari iyon. Napangiti nalang sya sa akin.

"Kamusta ka na dyan?"

COFFEE BOY. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon