Chapter 21

1.5K 21 0
                                    

Tripp Marco Palma (POV)

Nandito ako sa shop ni Dans at Zy. I talked to them to help me prepare the surprised that I have planned for her. Gusto ko kasi na pasiyahin siya, 1 month din akong nawala. Namiss ko siya at sigurado akong namiss niya din ako. That's how it goes right?

Dala ko yung DSLR Cam ko. Gustong gusto ko kasi kumuha ng mga pictures. Naisip ko lang na sa tatlong buwan namin ni Zy hindi ko pa siya nakukunan ng picture. Kaya heto nagaantay ako.. And finally she's here.

Nakatago ako dito sa likod ng puno sa garden ng shop habang pinapanuod ko siyang uminom ng strawberry frappe. Lumapit yung staff at inabot yung not na pinapabigay ko. That's my cue. Dahan dahan akong naglakad sa likod niya.

"Miss me?"

--

Alyah Zynneth Cortez (POV)

Dans and I were talking about our business when someone approached me and gave me a note. Binasa ko yun and it says, "I love you Zy, always and forever."

Nagbabuffer pa sa utak ko kung sino yung nagpabigay nung note tapos bigalang may nagsalita sa likod ko. And my heartbeat became uncontrollable when I heard his voice. He's here.

"Miss me?" he said

Walang sabi sabing tumayo ako at sinuggaban ko siya ng halik. That kiss was full of love. God, I missed this guy so much! After breaking the kiss I immediately hugged him as tight as I could. His smell, I love it.

"Uhm.. Ahem.. Excuse me, baka nakakaistorbo na ako sa inyo."

Tumawa kami parehas ni Tripp tapos umalis na si Dans. Umupo kami sa bench tapos nilagay ko yung ulo ko sa balikat niya. I was busy staring at the beauty of the sky when Tripp gave me a white box.

"What's this for?" I asked

"Happy 3rd monthsary."

OMG! I almost forgot! Masyado akong naging busy hindi ako nakabili ng gift para sa kanya! I'm such a bad girlfriend..

"Tripp.. Wala akong gift sayo. I'm sorry."

He looked at my eyes and smiled. Then he kissed my on my forehead.

"It's okay. Nandito ka naman ngayon kaya okay na sakin."

I smiled. Hindi ako nagsisisi na minahal kita Tripp. Wala na akong mahihiling pa. Ikaw lang, sana forever na tayo!

Sinandal ko ulit yung ulo ko sa balikat niya at pumikit. I want to cherish this moment but it was ruined nung magsalita si Tripp.

"Kilala mo yung fiancé ni Drake? Si Alys Zyril?"

I froze. Hindi ako makapagsalita. How did he knew? Akala ko ba napagusapan na ni Tita Diane at ni Drake ito. Hindi niya dapat makita si Alys! Not now na masaya na kami!

"W-why?" I whispered. Hindi ko kayang magsalita

"I just met them earlier sa mall while buying this for you."

Tinuro niya yung necklace at cake. Pero I didn't care. Mas gusto ko malaman yung nangyari kanina. He just saw her with his cousin!!!

"What did she say?"

"Sabi niya siya daw si Alys Zyril at kung nakalimutan ko na daw ba siya." he just shrugged

Hindi na ako sumagot, instead pumikit na lang ako para pigilang tumulo yung mga luha ko. Ito na yung kinakatakot kong mangyari, yung makita ni Tripp si Alys. Tapos kapag bumalik yung alaala niya ay iwan niya ako. Pero just like what I said.. Kapag nangyari yon, I'll have to make him fall for me again.

--

(A/N:) Short update lang guys. Sorry kung medyo sabaw. Wala akong inspiration eh! HAHA! Anyways.. Enjoy and vote po! :)

Please read din yung new story ko na My Unexpected Love! Thank you so much! I would really appreciate kung babasahin niyo siya! :)

xoxo

OPERATION: Make TRIPP MARCO Fall Inlove! (SDP and DAP FANFIC)Where stories live. Discover now