Chapter 1

290 14 0
                                    

This is a work of a fiction names, characters, businesses, places, incidents and events are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative work or exploit the contents of this story in any way. Please obtain PERMISSION!

NO SOFT COPIES!!!!!!!

-----------------------------------
-----------------------

*beep beep*

Lumingon ako sa likod at nakita ko ang aking kaibigan.

"Oy Ali, kanina ka pa jan ah" Puna sa akin ni Ayin.

"Oo nga eh. Wala kasi akong masakyan puro may sakay na yung taxi" Sabe ko. Naulan ngayon kaya naman traffic at walang masakyan na taxi.

"Halika. Ihahatid na kita" Alok niya.

"Talaga?" Tanong ko. Ngumiti siya sa akin.

"Oo. Sabay kana sa akin madadaanan ko naman yung condo mo. Tsaka naulan hindi ka makakasakay" Sabe niya.

"Sige" Umikot ako para makasakay sa passenger seat. Pagkapasok ko agad akong nagsuot ng seatbelt.

"Malaki naman ang sweldo natin ah. Dapat kasi bumili kana ng sarile mong kotse para hindi ka na hassle pag pauwi tsaka papunta sa company natin" Sabe niya.

"Nako ayoko. Gagastos din naman ako pag nagkotse ako" Sabe ko. Napailing lang siya habang naka tingin sa daan.

"Malamang haha. At least sarile mo ng sasakyan" Sabe niya.

"Pag-iisipan ko muna tsaka madami akong dapat pag gastusan. Kulang pa nga yung sweldo ko" Sabe ko.

"Ha? Bakit hindi ka ba binibigyan ng allowance ng parents mo?" Tanong niya. Hindi agad ako naka sagot. Simula first year college umalis na ako sa bahay namin hanggang sa makagraduate ako.

"Hindi ako humihingi ng kahit ano sa kanila" Matabang kong sabe. Naka tingin lang ako sa labas ng bintana at kita ko yung mga taong naglalakad at yung mga kotseng stuck sa traffic dahil sa pesteng ulan.

"By the way, balita ko yung anak ng CEO ang mamamahala for the mean time sa company" Bigla niyang sabe.

"Ah talaga? Bakit daw?" Tanong ko. Buti nalang binago niya yung topic. Hindi talaga ako komportable pag pamilya ko ang pinag-uusapan.

"Ah kase magb-bakasyon si Mr. Lee" Sabe niya.

"Teka paano ako? Diba secretary ako ni Mr. Lee?" Nanlaki ang mata ko. Ibig sabihin babalik muna ako sa interior designing?

"Ewan ko. Wala bang sinasabe sayo?" Umiling ako sa kanya.

"Wala naman. Teka may anak pala si Mr. Lee? Akala ko walang asawa yon?" Mag-iisang taon na akong secretary pero ni isang beses hindi ko nakitang dumalaw ang asawa niya sa opisina.

"Meron. Sa pagkakaalam ko kasing edad lang yon ni Toby. At ang chismis ay sobrang gwapo! Kahawig daw ni boss" humagikhik si Ayin kaya napa-iling ako. Gwapo naman si Mr. Lee! As in. Siguro kung hindi lang siya mas matanda sa akin ay magpapacute ako sa kanya hahaha. I'm curious kung anong itsura ng anak niya.

"Oh talaga?" tumango sa akin si Ayin.

"Kaso hindi kasal yung Mommy niya pati si Mr. Lee. Iba daw kase ang pinakasalan noon" tumaas ang kilay ko.

"At saan mo naman napulot ang balitang yan?" bakit kaya hindi?

"Edi sa office mate din. Jusko alam mo naman sa kumpanya. Chika dito, chika doon!" Natawa kami pareho.

"Thanks for the ride, Ayin! I love you girl" Nagbeso kaming dalawa.

"No problem. Basta ikaw haha" Bumaba na ako nang kotse. Kinatok ko ang salamin at bumaba naman ito agad. Yumuko ako para makita siya.

"Ingat ka sa pagmamaneho. Madulas ang daan. See you tomorrow!" Tumango lang siya bago tuluyang umalis.

"Good evening po, Ma'am Ali" bati sa akin ng guard.

"Good evening din po, kuya John" Dumiretso ako sa elevator at pinindot ang button para sa twenty-six floor. Nang bumukas ang pinto agad akong pumasok.

Hindi ko agad napansin na may kasabay pala akong lalake dito sa loob. Bigla siyang tumingin sa akin kaya pinaling ko ang tingin ko sa sahig. Shit! Muli ko siyang sinulyapan and the fuck. He is looking at me.

"Hi" bati niya sa akin sabay ngiti. I bet may lahi ang isang to. Green ang kulay ng mata eh.

"H-hello" bati ko pabalik. Ang gwapo naman ng isang to.

"I'm Steven" malapad na ngiti ang pinakita niya sa akin sabay lahad ng kamay.

"Aliyah" nakipagkamayan ako sa kanya. 

"So... Do you live here? Or just visiting a friend or what?" nako mapapalaban ako ng English kay pogi. Pero okay lang! Hindi naman ako engot sa English.

"I live here. How about you?" tanong ko.

"Really? Well, I live here too. Actually this building belongs to me so... " nagkibit balikat siya habang ako naman muntikan ng malaglag ang
panga.

"That's g-great ha-ha" Naiilang kong sabe. Shit naka sabay ko pa ang may ari ng buong building. Lucky me! Plus ang gwapo talaga.

Tumunog ang elevator para sa aking floor. Lalabas na sana ako pero hinawakan ni Steven ang aking braso. Pinigilan ko naman ang pagsara ng pinto.

"There's a party at the penthouse. Wanna come?" Kumurap ako nang ilang beses. Inimbitahan niya ako. Oh my gosh.

"Sorry, Steven. I'm already tired. Maybe next time" ngumuso siya sabay  kamot sa batok.

"O-okay. Take a rest. Goodnight" ngumiti ako sa kanya sabay tango. Pinakawalan niya na ako kaya nagmadali akong lumabas.

Isang buntong hininga ang ginawa ko.  Damn what was that? Does he invite girls like me? Come on, I am not even that pretty.

Pagod na pagod akong humiga sa kama. Napatitig naman ako sa kisame ko na may glowing in the dark na stars. This is why I love my bedroom.

Suddenly, Steven crossed in my mind again. That perfect smile of his was so captivating. And the way his eyes sparkled. So damn attracting! That guy is really interesting.

*********************
A/n: Welcome to Zheimere's story guys. For more information follow my FB, TWITTER AND WATTY ACCOUNT Y'ALL!!!

VOTE AND COMMENT!

All About UsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang