Chances
Hindi niya sinabi ng diretsa kung ano talaga ang dahilan at kung saan siya nagpunta kahapon. Ang sabi lang niya, may emergency daw kaya siya umalis. Ang labo niya kasi. Gagawa-gawa siya ng rule tapos ako lang lagi ang sumusunod.
Naghahanda ako para pumasok na sa klase. Aalis na sana ako buti nalang napadaan ako sa may salamin. Nakapatong pa kasi ang tuwalya sa ulo ko. Haha. Reyna ka talaga ng katangahan, day. Nagsusuklay ako nang buhok nang pumasok si Zacc ng kwarto. Nagtaka ako nang makitang naka-beastmode ang pagmumukha niya.
"Let's go."walang kaemo-emosyong sabi niya.
"Okay."sagot ko nalang kahit di pa ako tapos sa pagsusuklay. Tinali ko nalang 'yong buhok ko into a bun para di mahalatang di talaga ako nakapagsuklay. Haha.
"Susunduin kita mamaya."he announced when we got in the car. "Ako lang ang susundo sa'yo, narinig mo?"
"Zacc, wala namang ibang sumusundo sa'kin e."depensa ko.
Hindi siya sumagot. Tahimik lang kaming bumibiyahe. Para nga akong mababaliw sa sobrang tahimik e. Idagdag mo pa ang takteng traffic na nagpapahaba lalo ng katahimikan.
"Ilang ulit ka ng hinatid ni Arlo sa university?"tanong niyang hindi tumitingin sa'kin.
"Ha?"
Hindi niya inulit ang tanong kaya nag-isip ako ng pagkakataon na hinatid ako ng kaibigan niya-Hala. Last week lang pala 'yon. No'ng nagpapagaling si Zacc ng paso niya. Nag-aabang ako ng taxi tapos biglang dumating si Arlo.
"It was unexpected. Last week lang 'yon. Magtataxi naman talaga kasi ako kaya lang malapit na akong ma-late tapos dumating 'yong pinsan mo. Nag-alok siyang ihatid ako kaya—"
"Kaya sumama ka naman. Tss."
"Zacc, 'yan ba'ng ikinagagalit mo?"
"Marami. Napakarami, Chances."pasigaw na sagot niya na nagpabigla sa'kin.
Tumahimik na lamang ako para 'di lumala nag sitwasyon. Malapit na kami sa campus nang magsalita siya ulit.
"Yong painting na nasa bahay, siya din ba'ng bumili no'n? Alam mo bibilhan kita ng maraming gano'n kung gusto mo—"
"No!"tutol ko kaagad. "Ako'ng bumili no'n. Binili ko 'yon para sa'yo—"
"Binili mo? So? Umalis ka ng hindi ko alam? Umalis ka at sumama sa pinsan ko ng hindi ko alam!?? You know what, I think you need to reread the contract. Mukhang nakakalimutan mo na eh."
"Zacc, makinig ka muna. Sumama lang naman ako kasi ang sabi niya, kasama naman namin si Mirana—"
"Yeah. That's because you're stupid. Ang bilis mong maniwala. Kasama ko buong araw si Nana."
"Ba't ka ba nagagalit ng ganyan? Wala naman kaming ginawang masama e—"
"Wala? There is, Chances. From that very moment that Arlo lied about Mirana going with you and that moment you believed his lie, may ginawa kayong masama. Chances, makinig ka. Binabakuran kita dahil pinoproteksiyonan lang kita. Kung nabo-bore ka sa condo, pwede mo ko'ng tawagan. Sasamahan kita kahit saang art fair mo pa gustong magpunta."
"Hindi nga kita ma-contact diba? Tinawagan naman kita kasi gusto kong magpaalam—"
"Quit it. Stop crying. Ba't ba dinadaan mo nalang lagi sa pag-iyak? Kasi alam mong hindi kita matitiis? Chances, ayoko ng iyakin."sermon niya nang magsimulang tumulo ang luha sa mata ko.
"Sorry. Hindi na ako aalis ng hindi mo alam. Pipilitin kong 'wag ng maging tanga at gagawin ko ang lahat para pigilang lumabas ang mga luha ko! At sana naman Zacc, subukan mo ring maging malinaw. Subukan mo ring magpigil niyang nararamdaman mo dahil kahit di mo aminin, nagseselos ka lang naman e!"galit na singhal ko saka lumabas ng kotse. Tumakbo ako agad papalayo sa kanya.

YOU ARE READING
The Stranger's Charade | ✓COMPLETE
Fanfiction[Book I:] What would you do if a complete stranger suddenly proposed to you? No prior connection, no explanation-just a proposal that shakes your world. The Stranger's Charade takes you on a suspenseful journey where trust, mystery, and unexpected...