"My Secret Affection Turn Into Mess"

41 2 2
                                    


Authors Note
Ang kwentong ito ay hindi hango sa tunay na buhay. Ito ay kathang isip lamang at kung may pagkakatulad man ng mga tauhan, lugar o pangyayari sa tunay na buhay ay pasensya na po dahil hindi ito sinasadya. Kung nagtataka man kayo kung may mga japanese words sa kwentong ito ay sadyang mahilig lang po talaga ako sa anime. Yung ibang tauhan at lugar ay kinuha ko sa anime o manga. Maraming salamat po at Happy Day sa lahat ng mag babasa nito. . . Yung iba ay names ng mga friends ko kasi tribute ko 'to for them.

-Hopeless Romantic

"My Secret Affection Turn Into Mess"

I never expected na ma fa-fall ako sa isang taong minahal ng kapatid ko. Hindi ko inakalang mahuhulog din pala ang loob ko sa kanya. Sino ba naman ang hindi ma iinlove sa babaeng matalino na eh mabait pa. Pero hindi ko siya pwedeng mahalin o dapat mahalin. Kasi mahal na mahal siya ng kapatid ko at all this time ay hindi niya pa rin kayang eh let go. Paano ko nga ba siya ipauubaya kung ang babaeng minamahal ko ay hindi na masaya sa piling ng kapatid ko. Ang hindi ko alam ay ang nararamdaman kung ito ang siyang magiging dahilan sa isang masalimuot na trahedya.

Ako nga pala si Roen Lord Ellarina, isang senior students sa Mugen Academy. Ako yung president ng aming club at vice president ko naman si Jethro Aban. Assistant niya naman si Rodjiel Sabac para sa mga event na magaganap or gaganapin sa school. Ang pangalan ng club namin ay Photography and Decorative Club. Kami ang nakatukang magpaganda ng buong school namin kapag may event. So as a president ng club ay sobrang nakaka stress talaga. Wala na nga akong panahon ma-inlove eh. Hahaha pero okay na rin. Atleast andyan si crush at siya ang dahilan kung bakit inspired ako.

- - -

Chapter One

Month of March na at malapit na rin akong magtapos, syempre kasama kong ga-graduate si Rodjiel at Jethro. Habang abala ako sa loob ng club room namin ay napatingin ako sa labas ng bintana. Napangiti ako habang pinagmamasdan ko ang kalangitan. Nasa second floor kasi ang club room namin. Tumayo ako sa aking kina-uupuan at tinungo ang bintana. Dumungaw ako doon at ipinikit ang mga mata habang ninanamnam ang init at mahinang samyo ng hangin. Mga bandang hapon na kasi kaya hindi na masyadong mahapdi sa balat ang init na ng galing sa araw. Nararamdaman ko na rin 'yung alinsangan ng panahon kasi malapit ng mag summer. Hindi ko namalayan na napasarap na pala ang pag titig ko sa kalangitan. Kaya paglingon ko ay muntik pa akong mahulog sa pagkakadungaw ko sa bintana. Yung club room namin ay puno ng mga naka-folder na mga papel, mga pictures na galing sa mga events at idinikit sa mga bulletin boards at iilang paintings na bigay ng art club president na si Justine Daisuke. Sa gitna naman ay may pare-habang mesa na ginagamit para sa meeting na gagawin ng aming club. Ang president at vice president ay may kanya-kanyang mesa at upuan. Napabalik ako sa aking gunita ng magsalita si Jethro.

"President, mukhang ang lalim ng iniisip mo ah? Sino ba yung iniisip mo, babae ba?" ang nakangising ngiti ni Jethro.

"Ha? Eh hindi no! Iniisip ko yung outing natin ngayong bakasyon. Syanga pala Jethro may napili ka na bang papalit sa pwesto mo?" pag-iiba ko ng topic sa kanya. Sumandal ako sa pader malapit sa may bintana. Kaya kita ko pa rin yung mga dumadaan sa pathway.

"Hmm hindi pa nga eh. Pinagpipilian ko pa si Raven o Clayne kasi pareho silang qualified sa pwesto bilang vice president. Eh ikaw ba tol, nakapili ka na o hindi na kailangang itanong pa." nakangisi niyang sabi habang nanunudyo 'yung mata niya sa akin.

Sa sinabi niyang iyon ay bigla akong nag blush. Tinitigan ko si Jethro at saktong paglingon ko sa pathway ay biglang nanlaki ang aking mga mata saka sabay bawi ng tingin doon. Dali-daling akong pumunta sa aking mesa at kinuha ang folder na nakalatag doon. Bigla namang nagtaka si Jethro sa ikinilos ko at mataman niya akong pinagmamasdan habang nakakunot ang kanyang noo. Binuklat ko muna ang folder at pinasadahan ng tingin ang profile ng taong nandoon para maging kapalit ko sa club. Iniabot ko ito kay Jethro saka napayuko sa mesa. Pulang-pula ang mukha ko kasi siya yung nakita ko, yung taong tinatangi ng aking puso. Napapitlag ako ng bigla akong tapikin ni Jethro saka ngumiti ng pagka tamis-tamis. Tapos na niya palang tignan ang laman ng folder at ibinabalik na niya sa akin. Si Jethro at Rodjiel ang bestfriends ko, kasanggang-dikit na talaga kaming tatlo since nag-aral kami dito sa Mugen. Si Raven naman ay junior namin, naging malapit na rin siya sa akin ng minsang makausap ko siya sa loob ng cafeteria. Tinulungan ko kasi siya sa problema niya at na ing-ganyo na rin siyang sumali sa club. At siya ang dahilan kung bakit dumami ang members ng club namin at isa na doon si crush. At hindi lang siya basta kaibigan, little brother ang turing ko sa kanya. Tee hee. . .

My Secret Affection Turn Into MessOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz