Chapter 1:Exam Week

20 6 1
                                    

THIRD PERSON'S POV

IGINALA NI Luise ang kaniyang mga mata sa loob ng library.Hindi na siya nagtaka na madami ang estudyante na nasa loob at ang karaniwan pa sa mga ito ay mga senior students.

'Palibhasa ay exam week kaya nandito lahat ng estudyante.'Iiling-iling na sabi niya sa kaniyang isipan.

Tinignan niya ang oras sa kaniyang suot na wristwatch.Mag-aalasdose na at may dalawang oras siya para mag-review sa exam nila sa Chemistry at English.

Nanghihinayang siyang umupo sa tabi ng isang grupo ng mga babaeng  freshmen students nang makitang may nakaupo na sa lahat ng pang-isahang cubicle seats sa library.Wala na siyang pagpipilian kundi maki-share ng table.


"Hello po,Ms.Luise."Bati sa kaniya ng mga ito ngunit hindi na niya ito binigyang pansin.Hindi na siya nagulat nang batiin siya ng mga ito.
Nakasanayan niya na din namaraming nakakakilala sa kaniya dahil kasapi siya sa pamilya Schmitt,Isa sa top ten richest family.


'Sinong hindi makakakilala sa Schmitt Heiress .Tss..'Naiiritang sabi niya sa kaniyang isipan.

Binuklat na lamang niya ang dalang libro at nagsimulang mag-review.Nag-aral na siya para sa exam nila sa dalawang subject na iyon ngunit gusto niya lang makasiguro na na natatandaan niya pa ang mga pinag-aralan.Dahil gusto niyang makakuha ng mataas na marka para exam.

Mag -aalasdos na ang oras sa kaniyang wristwatch nang matapos siyang mag-review sa dalawang subjects kaya napagpasyahan niya nang tumayo at maglakad patungo sa kaniyang classroom para sa susunod na klase.






(A/N):Guys patulong naman sa cover ng story kasi hindi ko pa siya napapalitan at hindi ko din naman siya maasikaso dahil busy ako sa study sinisingit ko lang itong update ko .Thank you and don't forget to vote/comment or any suggestion about my story.

07/10/2018


Glow In The DarkWhere stories live. Discover now