Chapter 1

19.5K 447 34
                                    

Maxine's POV

"My decision is final!"sabi nya sakin kaya lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay nya.

"Please!Gusto ko talagang magtrabaho!"sabi ko.

Lagi na lang kasi akong nasa loob nang bahay tapos kung papayagan nya kong mamasyal ay dapat sa malapit lang.

"I've allready told you!No!"sabi nya kaya nagtatampong umupo ako sa upuan at naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko.

"M-maxine…"

"Lagi na lang akong nasa loob ng bahay!Pakiramdam ko ay kinukulong mo ko dito!G-gusto ko lang namang makatulong sayo eh."umiiyak na sabi ko.

Napahawak sya sa sintido nya at napabuntong hininga."Okay."

Napaangat ako ng tingin sa kanya."A-Anong okay?"

"Pumapayag na ko basta magpromise ka sakin na kapag may taong lumapit sayo at tinawag ka sa ibang pangalan ay sabihin mo na maxine ang pangalan mo,maliwanag?"tanong nya kaya mabilis kong itinango-tango ang ulo ko.

Hindi kami mayaman.Si zeke lang kasi ang nagtratrabaho kaya gusto ko tumulong.Nang magising ako na walang maalala ay sya ang una kong nakita.Sinabi nya na maxine ang pangalan ko at matagal na kaming magkasintahan.

Kahit nagsasama na kami ay hindi nya pa ko nahahawakan sa maseselang parte ko.Malaki kasi ang respeto nya sakin.Minsan nalilito ako dahil parang sinasabi ng puso ko na hindi ako ang maxine na sinasabi nya.

At nagtataka din ako kung bakit hindi bumubilis ang tibok ng puso ko katulad sa napapanood ko sa mga romance movie.Pero kahit na ganon ay hindi ako nagtanong manlang sa kanya.

Napakalaki ng tiwala ko sa kanya.

"Maxy!Are you there?Yuhoo!"narinig kong sigaw ni Tanya sa labas ng bahay.

Si tanya ay kapitbahay namin at malapit kong kaibigan.Magkasing edad lang kami.

Binuksan ni zeke ang pinto at pumasok si tanya.

"Ano friend? Pinayagan kaba ni kumpadre?"bulong nya sakin  kaya tumango ako.

Humarap sya kay zeke at inirapan ito."Mabuti naman at pinayagan mo ang kaibigan ko.Aba!Maawa ka naman sa kanya laging nasa loob ng bahay!"bulyaw nya dito.

Hindi kasi magaan ang loob ni tanya kay zeke.Ang sabi nya kasi ay masama ang kutob nya dito na hindi ko maintindihan kung bakit.

Humarap sakin si tanya habang nakapameywang pa."O'sya aalis muna ko friendlalu.Bukas na tayo magpunta doon sa aaplyan natin."sabi nya at lumabas ng pinto matapos irapan si zeke.

Natawa tuloy ako ng mahina.

————————

Maingay na mga kotse.Maraming tao at naglalakihang building.

Yan ang sumalubong samin ni tanya pagpunta namin sa maynila.

"Hayy,napakahaba pala ng byahe mula Cabanatuan hanggang dito.Di manlang tayo nainform!"rinig kong sabi ni tanya.

"Saan nga pala tayo tutuloy?"tanong ko dito.

Humarap sya sakin at binitawan saglit ang bag."Sa papasukan natin ay mayroon silang apartment para sa mga empleyado nila.Kaya ang proproblemahin na lang natin ay pagkain."

Sumakay kami ni Tanya sa isang taxi.Ang sabi nya dederetso muna kami sa kompanya para magpakilala.Tapos sila na ang mag aasign samin kung ano ang trabaho namin.

Magkasama din kami ni tanya sa iisang apartment dahil may kalakihan din daw yon.

Maya-maya ay huminto kami sa isang napakataas na gusali.Kapansin-pansin ang kulay ginto na logo nito.

M.V. Chains Of Company

Hindi ko alam pero bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko.

Ipinagsawalang bahala ko yon at bumaba na ng taxi.Pagpasok namin doon ay sinalubong kami ng mga security guard.

"Mga miss may maipaglilingkod po ba kami?"tanong nito habang nakatingin sakin.

"Mag a apply po sana kami."magalang na sabi ko.

"Magtanong na lang kayo dyan sa lalaki."sabi nya at itinuro yung lalaki na nakahawak ng cellphone.

Tumango kami at lumapit na doon sa lalaki.Pansin ko rin na parang natulala si Tanya.Hindi ko sya masisisi dahil gwapo talaga ang lalaki.

"Ahm excuse me mag aaply sana kami."tawag pansin ni tanya dito.Hindi nag angat ng tingin ang lalaki at nanatiling tutok ang mata sa cellphone nya.

"Wait lang mga atey.Itetext ko lang tong si papalu."sabi nya at nanlaki ang mata namin ni Tanya.Isa pala syang lalakwe.

"Any way I'm katy and I—"bigla nitong nabitawan ang cellphone nito nang mag angat sya ng tingin sakin.

"K-Kryzelle?"sabi nya at hinawakan ang braso ko.

Bakit pakiramdam ko matagal ko na syamg kilala?Ipinilig ko ang ulo ko at iwinaksi ang ideyang yon.

"Maxine po ang pangalan ko."matigas na sabi ko.

"P-Pero—"hindi nya na natuloy ang sinasabi nya at bumuntong hininga na lang.

Humarap sya kay tanya."Pumunta ka sa second floor at kausapin mo yung babae doon.And you come with me."sabi nya at naglakad papunta sa isang elevator na may nakasulat na V.I.P.

Sumunod ako doon at kumaway na lang kay tanya.

Pinindot nya ang isang button na kulay gold at umandar na ang elevator.

Nang matunton na namin ang floor na yon ay lamabas kami at naglakad sa napakahabang hallway.

Hanggang marating namin ang isang pinto na may nakatatak na mga letra.

The C.E.O   T.K.Monteverde

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan.

Unti unting binuksan ni katy yung pinto at nakita ko ang isang lalaki na nakaupo sa swivel chair nya habang nakayuko at hawak ang sintido nya.

Mukhang napansin nya kami kaya nagsalita sya."I f*cking told you to knock the door first!And I allready told you tha—"hindi nya na natuloy ang sinasabi nya nang makita nya ko.

Pakiramdam ko ay nahigit ko ang hininga ko nang makita ko ang berde nyang mga mata sa likod ng salamin nya.

Mula sa hugis ng mukha nya,sa bahagyang mapupulang labi,matangos na ilong,maputing balat at napakagandang mata ay sumisigaw ng kaperpektuhan.

"Kryzelle..."mahinang bulong nya na nagpakabog ng dibdib ko

,

The Possession of the Obsess (Completed)(season 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon