Chapter 15

13.1K 199 11
                                    

Third person POV

Nanlalaki ang mga mata ni Maxine nang makita nya na naglabas ng baril ang isa sa mga lalaki na nangharang sa kanila.

Nakita nya kung paano makipagbuno si Titus sa mga lalaki kaya nagmamadali syang lumabas ng sasakyan.

Sa kabutihang palad at napatumba ni Titus ang mga lalaki.Pero Hindi nito naalis ang takot at pag aalala na sumibol sa puso ng dalaga.

Ayaw nya na may masamang mangyari sa lalaking minamahal nya.

Pero mukhang mali ang desisyon nyang lumabas dahil sa pagbaba nya ay agad nyang naramdaman ang isang malamig na bagay nakadikit sa sintido nya at mahigpit na pagpaikot ng isang braso sa leeg nya.

'Baril!'

Nahintatakutang sabi nya sa kanyang isipan nang makita nya ang hawak ng lalaki sa gilid ng mata nya.

Sa sobrang takot ay napasigaw sya.Isinigaw nya ang pangalan ng binata na agad namang lumingon sa kinaroroonan nya.

Nagpalipatlipat ang tingin ni Titus sa lalaking nasa likod nya at ang baril na nakadikit sa kanyang sintido.Kitang kita ni Maxine ang pagdaan ng takot at galit sa mata ni Titus.

Takot para sa kalagayan nya at galit para sa lapastangang nagtutok ng baril sa sintido nya.

"Ano ba a-ang kailangan mo samin." Kinakabahang tanong nya habang hindi inaalis ang kanyang tingin Kay Titus.

"Pasensya ka na miss.Napag utusan lang kami." Sagot ng nakahawak sa kaniya na agad nyang ipinagtaka.

Sino ang nag utos sa kanila?

Bago pa nya maitanong iyon ay naramdaman nya ang paghigpit ng kapit ng lalaki sa kanya.

Lumingon sya at nakita nya ang pag amba ni Titus na lumapit sa kinalalagyan nya.

"Sige!" Sigaw ng lalaking nakahawak Kay Maxine."Lumapit ka at pasasabugin ko ang ulo ng babaeng ito!"

Nakita nya ang frustration na dumaan sa mukha ni Titus.Gustuhin man lumapit ni Titus kay Maxine ay Hindi nya magawa dahil nag aalala sya na may mangyaring masama Kay Maxine.

"What do you need from us?" Matigas na tanong ni Titus.

"Hindi ka naman talaga namin kailangan eh.Etong Babae lang na'to ang iniutos samin." Sagot ng lalaking nakahawak Kay Maxine.

"Sino ang nag utos sa inyo?"Tanong ni Titus sa lalaki.

"Fucking answer me dimwit!"galit na bulyaw ni Titus nang Hindi ito sumagot.

Sa kabilang banda ay nanlaki ang mata ni Maxine nang nakita nya ang pagbangon ng lalaki na kanina ay naka away ni Titus.

" Titus sa likod mo!"sigaw ni Maxine ngunit huli na ang lahat.

Biglang hinampas ng lalaki so Titus sa batok ng baril.Kasunod niyon ay ang pagbagsak ng Matawan nito.

"T-titus..." Gumagaralgal na Bose's ni Maxine habang nakatingin sa walang Malay na katawan ni Titus.Kasabay din nito ang pagtakip ng lalaki ng isang panyo sa ilong ni Maxine.

Hindi rin nagtagal ay nawalan ng Malay si Maxine dahil sa nalanghap nyang Amoy na nagmumula sa panyo.

"Halika na." Nagmamadaling sabi ng is a sa mga lalaki at mabilis nilang isinakay ang walang Malay na katawan ni Maxine sa kanilang sasakyan.

Iniwan nila ang wala ring Malay na katawan ni Titus sa gilid ng daan dahil tanging ang babae lang ang iniutos sa kanila.

Hindi rin nagtagal ay dumating sila sa isang lumang bodega na masasabi mong malayo sa syudad.Tanging mga punk lang ang nakapaligid dito.

Sa loob naman ng bodega ay naka upo ang isang Babae habang nililinis ang isang baril sa kanyang kamay.

Narinig nito ang pagbukas ng pinto kaya agad na tumayo ang babae.Mula sa pinto ay pumasok ang ilang kalalakihan kasama ang isang walang Malay na di Maxine.

Ngumiti ang babae sa mga lalaki."Good job boys."

"Ma'am sino po ba ang baba-" bago pa matuloy ng lalaki ang kanyang sasabihin ay pumailanlang na ang tunog ng baril sa loob ng lumang bodega.

Kasabay nito ang pagtumba ng walang buhay na katawan ng lalaki at pag agos ng dugo nito.

Nahintatakutang natahimik ang mga kasamahan nito.

May takot na dumaan sa kanilang mga mata habang nakatingin sa babaeng nag utos sa kanila.

"Siguraduhin nyong di makakatakas ang bruhang yan.I will deal with that bitch later when she's already awake." Sabi ng babae at nagsimula nang lisanin ang lugar na iyon.

"Masusunod po....Ms.Cherry."

The Possession of the Obsess (Completed)(season 1 and 2)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن