Kabanata 1

221 11 2
                                    

MALALIM na ang gabi nang makauwi si Estellar sa kanilang munti at simpleng bahay. Padabog itong pumasok sa isa sa mga kwarto at isinara nang malakas ang pintuan na ikinapanting ng tenga ng matandang lalake.

Dahan-dahang bumukas ang pintuan. Sa gulat ay napasigaw si Estellar. "Daddy naman! Nagbibihis ang maganda ninyong anak, e, basta-basta na lang kayo umeentrada. Tulog ka ba at namumula pa ang mga mata ninyo?" pasigaw ngunit malambing na sabi nito sa ama.

Mabuti na lang at hindi pa nito nahuhubad ang suot na blouse. Kundi ay nasilayan sana ng kaniyang amang hubad siya. Hindi na lang nagsalita ang matandang lalaki. Hanggang sa unti-unting narinig ni Estellar ang papalayong yabag ng kaniyang ama.

Nakabihis na siya nang dumiretso siya sa kusina at kumuha ng malamig na tubig. "Hmmm. . . Gumaan ang pakiramdam ko nang makainom ng tubig," pakli ni Estellar. Nang magdaan siya sa sala ng bahay ay nadatnan niya ang amang nakaupo sa may tumba-tumba na matamang nakapikit habang ang dalawang palad ay nakadantay sa pocketbook na alam niyang tapos na nitong mabasa.

Dahan-dahan siyang umupo sa tabi nito. Gugulatin na sana ni Estellar ang ama nang kusang dumilat ang mga mata nitong malalamlam. Kung titingnan ang ama nito ay may asim pa ito. Ngunit kahit na kailan ay hindi man lang niya nakitang ngumiti sa kaniya ang ama.

Iniwas ni Estellar ang paningin at tumingin sa bilog na buwan. "Bakit ka ba ginabi nang uwi? May problema ba sa paaralang pinapasukan mo?" tanong ng kaniyang amang hindi inaalis ang pagkakatitig sa kaniya. Iniwas ni Estellar ang panigin sa ama. "Kasi Daddy yong dalawa kong bestfriend na co-teacher ko ay nag-aaway na naman. Kawawa naman si friend kong girl, may hika pa naman tapos inaway pa ng mayabang ko namang best na boy! Iyon tuloy, hinika kaya na-hospital. Tapos itong si boy na friend ko nagsisi. Inaaway lang naman niya si friend kong girl dahil may lihim pala siyang pagmamahal sa friend kong girl na nandoon sa hospital at nagdidiliryo sa sakit. Nang sinabi ko sa friend kong girl, namula siya at inamin sa aking may espesyal din itong pagtingin sa friend kong guy.
Pero nang sinabihan kong iparamdam na ni friend kong guy kay friend kong girl ay inurungan yata ng dila si guy. Nasabi niya tuloy sa akin ang lihim ng cousin niya na co-teacher din namin. In love din pala ito sa friend kong girl. Siyempre, na-shock ako! Pero Daddy, ang talagang mahal ni friend kong girl ay si friend kong boy at hindi si sawsawerong pinsan niya!" mahabang himutok ni Estellar.

"Estellar, ano bang pangalan ng mga bestfriend mo? Para naman maintindihan ko ang mga pinagsasabi mo," mahinahong tanong ng ama niya.

"Ahh, yong friend kong girl ay si Maelyn at yong friend kong boy ay si Chaoran. Iyong sawsawerong pinsan niya naman ay si Leon," paliwanag ni Estellar. "Daddy, what can you advice to those lovers?" tanong pa niya.

"Dapat ay hindi nila sinasayang ang pagkakataong ibinibigay sa kanila ng Panginoon. Bawat oras ay napakahalaga at hindi sinasayang. Sundin nila ang isinigaw ng kanilang mga damdamin. Alam mo bang iyan ang naging problema namin ng iyong ina? Dahil sa kawalan namin ng time sa isa't isa, hindi ko tuloy siya nakasama pa nang mas matagal. Sana noon pa lang una kong nakita at nakausap siya. . . sana. . . sana mas matagal ko pa siyang nakapiling ngayon," malungkot na pahayag ng kaniyang ama.

"Daddy, ano bang naging lovelife mo with mommy? Si mommy ba ang una mong girlfriend? Daddy, huwag kang magsinungaling! Alam ko ang nagsisinungaling," nakangising sagot ni Estellar.

"Hindi ko lang first girlfriend ang mommy mo, anak. Pati first kiss at first hug. Napagdidiskitahan ko rin ang mommy mo sa campus noon. Pero ang mga panahon ding iyon ang lubos kong pinagsisisihan. At ang pinakamasarap kong first sa kaniya. . . siya ang first love ko.

Naaalala ko pa habang binabanggit ko ang mga salitang mahal na mahal ko siya nang gabing iyon. . . hindi ko maiwasang titigan ang maamo niyang mga mata kahit natatakpan iyon ng malapad niyang salamin. . ." Sa pagtatapos ng mga salita ng kaniyang ama ay mataman siyang tinitigan nito.

"Alam mo ba, Estellar, nakikita ko sa pares ng iyong mga mata ang iyong namayapang ina," malungkot na pahayag ng kaniyang ama.

Napaisip tuloy siya sa sinabi nito. Kaya pala sa tuwing kakausapin siya ng ama ay titig na titig ito sa kaniya. Never niya kasing nakita ang mama niya. Wala raw itong hilig sa pagpapakuha ng picture. Pero parang nakita na rin niya ito dahil lahat naman ng kakilala ng mama niya ay sinasabihan siyang kamukha niya ito, maliban na lang sa buhok niyang maitim at tuwid na tuwid. Ang sa mama niya kasi ay blonde at pakurba-kurba na parang tulad sa alon ng dagat.

Napasulyap si Estellar sa kaniyang ama nang magsimula itong magsalita. "Anak, ikwekwento ko sa iyo ang naging buhay namin ng iyong mommy," seryosong sabi nito kasabay ng pagtingin nito sa maaliwalas na langit na binabalutan ng dilim na ang tanging tanglaw lamang ay ang liwanag ng buwan.

Tumahimik na lang si Estellar at matamang nakinig sa ama.
Ito lang kasi ang unang pagkakataong maririnig niya ang love story ng kaniyang Mommy at Daddy.

"Parang napakaordinaryo lang ng araw na iyon sa akin. Pero nagbago ang lahat nang makita ko ang mommy mo. Para siyang isang anghel na bumaba sa langit noon. Ang mga mata niyang kay amo, makinis niyang balat at ang paalon-alon niyang buhok na kasing-nipis ng buhok ng mais ang nagpatingkad sa kaniyang karikitan. Parang anak siya ng araw sa kaputian at biniyayaan din siya ng manipis at mapupulang labi.

Ngunit ang pinakamasarap at pinakamagandang makikita sa iyong ina ay ang mga mata niyang nakaakit sa akin. Subalit, nalungkot ako at nalumbay dahil sa salaming nag-uugnay sa kaniyang mga mata. Nakaka-distract ito. Lalo na't nahaharangan ng salaming iyon ang magagandang mata ng iyong mommy. Pero syempre, hindi ito naging hadlang sa paghanga ko sa iyong ina. Lalo ko pa siyang inibig dahil sa sobra niyang kasimplehan at kahit sinasabi nina Novice at Rudny na jologs at baduy siya ay mahal na mahal ko pa rin siya."

"Daddy naman! Alam kong napakaganda ni mommy! Pero ang gusto kong ikwento mo, e, ang love story ninyo. If it's enjoyable, happy, or sad?" nakangiting hirit ni Estellar sa ama.

Mataman siyang tinitigan ng ama at bumuntong hininga bago inumpisahan ang pagkwento.

✔️Alaala Ng Kahapon(COMPLETE)Onde histórias criam vida. Descubra agora