Kabanata 3

105 5 0
                                    

MULI kong tinitigan ang iyong ina na kanina pa pala nakatitig sa akin nang buong pagsuyo . . . hanggang sa nabitiwan ko ang mga salitang iyon. "P'wede, Miss? Get out of here! Ayaw kong may babaeng napapahamak nang dahil sa akin." Matalim ang pagkakatitig ko kay Esteffany at wariy nagulat siya sa pag-iiba ng aking aura.

Dahan-dahang tumayo ang babaeng tila nasaktan at nabigo dahil lang sa akin."Why, pare? Ba't mo naman pinigilan si Rudny? He deserves to do that!" mariing sagot ng aking kaibigang si Novice.

"Pati nga ako nagulat. Dati-rati naman ay mas malala pa roon ang ginagawa natin dito sa campus. Ba't doon ka lang natibo? Porke't pangit lang ba? Inatrasan mo na dahil ayaw mong marumihan ang mga kamay namin ni Novice? Pare, dapat sa lahat ng oras ay hindi ka dapat nagdadalawang-isip," pahayag ni Rudny sa akin.

"Pare, ipinanganak nga tayo sa mundong ito para magsaya at paglaruan ang buhay ng mga walang kwentang bagay. Ipinanganak tayong mataas at walang kinatatakutan pero sa ipinakita mo ay nabawasan ang pagkakakilala ko sa 'yo bilang 'no fear'," mahabang pahayag ni Novice na nag-umpisa na ring umupo sa aking likuran.

"Basta, pare, hinding-hindi kami titigil hanggang hindi umaalis ang pangit na iyan sa ating campus. Huwag na huwag mo kaming pipigilan sa anumang gagawin namin sa kaniya dahil gagawin naming impyerno ang buhay niya rito sa campus!" matalim na sagot ni Rudny sa akin.

Sa pinakahuli nilang salita na tumatagos sa aking isipan ay lalo akong nangamba para kay Esteffany. "Lawrence, lahat ng gagawin naming masasamang balak sa Esteffany na iyan ay ikaw ang gagawa at tatapos para sa amin," naninigurong banta ni Novice sa akin mula sa likuran.

"Hindi mo pwedeng tanggihan ang bawat sasabihin namin sa 'yo dahil ikaw ang tumatayong leader namin. Kung ayaw mong mawalan kami ng tiwala sa iyo o alisin sa grupong ito. . . p'wes mag-isip-isip ka at gisingin mo ang isipan mong iyan. Matagal na tayong nasa itaas at lalo pa tayong nagiging maayos dito dahil na rin sa mga ginagawa natin. Walang kalulugaran sa atin ang awa. Tandaan mo 'yan. . ." tiim-bagang pagtatapos ng salita ng aking kaibigang si Rudny.

Mula sa pagkakatitig ko sa dalawa kong kaibigan ay mababakas ko roon ang sobra nilang pagkadismaya sa aking tinuran para kay Esteffany.
"Ako ang gagawa ng gusto ninyong mangyari sa babaeng iyan para hindi na kayo magalit sa akin. Para maalis na rin ang pagkalito ninyo bilang kaibigan ninyo ay tungkulin kong makiisa sa bawat naisin ninyo at ikasisiya nating tatlo," pahayag ko habang tumititig ako sa babaeng iniibig ko. Tiyak kong narinig niya ang lahat ng napag-usapan naming tatlo.

"Iyan ang kilala naming Lawrence!" natutuwang sagot ni Rudny habang ginugulo ang maayos kong buhok. Iniwas ni Esteffany ang pagkakatitig sa akin at matamang ipinukol sa isang bagay ang kaniyang paningin.
"Ito ang aking mundo, ang mang-api, ang magpaiyak at magpasakit ng damdamin ng iba. Ngunit magagawan ko ba ng masama ang unang nagpatibok sa mura kong puso?"

"Esteffany, patawad," bulong na lang ng aking puso't isipan pati na rin ng aking pagkatao. Sa araw na iyon ay naayos naman namin nina Novice at Rudny ang lahat ng dapat ayusin at tapusin.

Bago kami umuwi sa aming kaniya-kaniyang bahay ay dumaan muna kami sa isang bar. Kaniya-kaniya kaming tagay nang gabing iyon at hindi pinapansin ang oras. Tiyak kong lumalalim na ang gabi. Sa aking pag-uwi ay nadatnan ko sa may pool ang aking kaisa-isang kapatid.

"Kuya, naglasing ka na naman ba? Bakit hindi mo man lang ako tinawagan o itinext man lang para naman may kasama ka. Uhaw na uhaw na kasi ako at hindi man lang ako makapuslit dito sa bahay para makipag-inuman," salubong sa akin ng aking kapatid.

✔️Alaala Ng Kahapon(COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon