09.

21.7K 711 294
                                    

nine.


"Chanyeol hyung!" Tawag ko kay Chanyeol hyung na kasalukuyang nasa may basketball court at nakikipaglaro kay Kris hyung.

    
Nandito ulit ako kila hyung. Nasa school pa kasi si Sett at wala akong lakad ngayon kaya mambubwisit muna ako sa kanila. Sanay naman na sila eh. Tsaka bonding din naming dose 'to. Minsan ko na lang silang makitang lahat dahil nagtatrabaho ako at ganun din naman sila.

    
Tumakbo ako papalapit kila hyung at nang tuluyan na akong makarating ng court ay binato sa'kin ni Kris hyung yung bola na agad ko namang nasalo.

   
"Tara laro!" Pag-aya niya. Tinaasan ko siya ng kilay tsaka ngumiti bago ako nagdribble at tumakbo.

   
Habang naglalaro kami ay nagusap kaming tatlo, "Ba't nandito ka na naman? Hindi mo ba alam na sobrang sawang sawa na kami sa pagmumukha mo?" sambit ni Kris hyung.

    
Ay wow. May sobra na, may sawang-sawa pa? Parang kelan lang, pilit pa sila ng pilit sa'kin na bumalik na dito sa bahay nila.

  
Shinoot ko yung bola at pagkatapos ay nagsalita ako, "Naaawa kasi ako sa inyo, hyung. Lungkot na lungkot kayo kapag hindi niyo nakikita yung mukha ko."

  
Sabay na napatigil si Kris hyung at Chanyeol hyung. Kagat labi na tinitigan ako ni Chanyeol hyung ng seryoso, "Ginagago mo ba kami?"

   
"Ngayon mo lang nalaman?" Tanong ko pabalik tsaka ako tumawa ng malakas.

   
Binato sa'kin ni Chanyeol hyung yung bola. "Badtrip 'to, tara uwi!" Aniya na lalong nagpatawa sa akin ng mas malakas.

    
Aakbayan na sana ni Chanyeol hyung si Kris hyung na kanina pa naka-stuck sa pwesto niya kaso biglang nagsalita si hyung, "'Wag kang mayabang. Gayahin mo 'ko, Sehun. . . hindi ko pinagkakalat na pogi ako."

   
Napa-upo ako sa kakatawa at nalaglag yung balikat ni Chanyeol hyung. Pffft. Lakas ng trip! "Tanginang 'yan," ang tanging nasabi na lang niya bago siya magsimulang mag-walk out.

   
Nagkatinginan kami ni Kris hyung tsaka kami napatawa ng sobra pero walang tunog. Naglakad na rin kami at nag-high five tsaka namin sinundan si Chanyeol hyung. Nang maabutan na namin siya ay sabay namin siyang inakbayan ni Kris hyung.

   
"'Wag ka magalala, hyung. Dadating ka rin sa puntong ganito." Sabi ko na sinang-ayunan ni Kris hyung.

   
Napa-pft si Chanyeol hyung, "Ano'ng ganito? Yung kasing hambog niyo?!" aniya.

   
Tinaasan ko siya ng kilay, "Hindi. Yung kasing gwapo ko."

   
Ayun, binatukan ako ni hyung. Tumawa kaming tatlo tsaka inakbayan na rin kami ni Chanyeol hyung. Kaming tatlo lang naman yung pinaka nagkaka-intindihan sa grupo. Kami yung mga matatangkad eh. Si Tao? Yaan mo na yun, matangkad lang yun, bading naman.

  
Sanay ka naman na sa ganitong ugali ko, diba? Alam mo naman na nahawaan lang ako nila hyung eh.

   
Habang papalapit kami ng papalapit sa bahay, nakita namin sila hyung na nakakalat sa buong bahay. Narinig kong bumuntong hininga si Kris hyung,

   
"Sa wakas! Kumpleto na naman tayo. . ."

  
Napangiti ako sa narinig ko. Ang sarap talaga pakinggan yung dalawang salitang 'kumpleto tayo'.

   
Tinignan ko si Kris hyung na kasalukuyang nakangiti at diretsong nakatingin sa bahay.

    
Naalala mo pa nung mga panahon na biglaang umalis si Kris hyung sa grupo?

Oh Sehun's ChildWhere stories live. Discover now