18.

12K 444 82
                                    

i lost my dedication list. so sorry dahil hindi ko na mabibigyan ng dedication yung ibang nagrequest. i'm not accepting requests na rin. however, i'm going to dedicate the upcoming chapters to those readers who will give a wonderful comment.

   eighteen.

   
     

"Ah, h-hyung. . ." nauutal na sabi ko habang kinakamot ko 'yung batok ko. Namamasa na 'yung mga kamay ko tapos nakangisi lang sa akin si Baekhyun hyung. "Ka-kanina ka pa dyan, hyung?"

  
Tumango si Baekhyun hyung at hindi pa rin nawawala yung mga ngiti niya sa labi. "Yup. Didn't miss a word."

  
Nanuyo yung lalamunan ko sa narinig. Pinilit kong lumunok kahit na wala naman na akong lulunukin. "Seryoso ka, hyung?" Nanginginig na tanong ko at tumango lang ulit si Baekhyun hyung.

   
Pinagpapawisan na 'ko. Eh sino ba naman ang hindi?! Narinig kaya ni hyung yung mga ka-cornyhan ko, nakakahiya! Tsaka. . . alam na ni hyung! Paano 'pag sinabi niya sa iba 'to?! Bakit ba naman kasi ang tanga ni Sehun at hindi napansin na may tao sa likod niya!

   
"Ano? Hindi mo pa ba siya ipapa-kausap sa'kin?" Naka-ngiting tanong ni Baekhyun hyung.

   
Nagtataka pero nahihiyang tinignan ko naman siya. "Hindi ka. . . galit?"

   
"Bakit ako magagalit?" Natatawang tanong niya habang naglalakad palapit sa'kin. Pakiramdam ko sobrang pula ko na. Nahihiya ako. Ang corny ko kaya! Kahit pa sabihin ko na proud akong mahal na mahal kita at patay na patay ako sa'yo, nakakahiya pa rin 'no!

   
Pero natahimik ako sa sinabi ni hyung. Hindi siya galit? Bakit siya hindi galit?

   
Inagaw niya sa kamay ko yung cellphone ko at napansin niya na binaba ko na yung tawag. Sumimangot siya, "Bakit mo binaba? Gusto ko siyang makausap, e."

  
Hindi ko pinansin yung sinabi ni hyung. Bagkus ay nagtanong ako sa kanya. "Bakit ka nandito, hyung? Bakit hindi ka galit?"

   
Tinaasan naman ako ni Baek hyung ng kilay na para bang sinasabing seryoso ba 'ko sa sinasabi ko. "Sinundan kita para malaman ko kung tama ba yung hinala ko," sagot niya. "Hindi ako galit kasi naiintindihan ko."

  
"Hinala. . ?" Mabagal na tanong ko.

   
Tumango naman si hyung habang kinakalikot yung cellphone ko. Wala naman akong magawa dahil in shock pa rin ata ako.

   
"Oo," sagot niya ulit. "Naalala mo nung kinausap mo 'ko? Bago tayo kausapin ni Sajangnim?" Paalala niya. Inisip ko naman ng mabuti. Oo nga, kinausap ko siya nun. Oh tapos? "Kung bigyan mo 'ko ng payo nung araw na yun, para bang expert ka at inlove na inlove ka. Ibang Sehun din 'yung nakita ko nun. Naisip ko, baka may laman na 'yan," dagdag pa niya tsaka tinuro yung dibdib ko.

  
Ang tanga nga ni Sehun. Hindi nag-iingat. Matagal na palang may hinala si hyung, hindi ko man lang napansin? Masyado na 'kong inlove sa'yo, hindi ko na napapansin 'yung iba, masama na 'to.

  
Inalis ni hyung sandali yung tingin niya sa cellphone ko tsaka nginisian ako. "'Wag kang mag-alala, hindi naman kita pagbabawalan. Mahirap talagang iwasan 'di ba?" Tanong niya at napangiti ako. Oo nga. Mahirap iwasan na magka-gusto sa isang tao.

  
Tumango at binalik na ni hyung 'yung tingin niya sa screen. "Eto ba yun?" Tanong ulit niya na ipinagtaka ko. Binasa niya yung nakalagay, "'Jagiya' tapos may heart? Siya ba 'to?" Napatakip naman ako ng mukha ko nang basahin ni hyung yung contact name mo sa cellphone ko. Ahh! Nakakahiya talaga!

Oh Sehun's ChildWhere stories live. Discover now