13. Victim

8.7K 168 2
                                    

NAGPUNTA na si Karen sa comfort room. Umihi lang siya at sandaling nag-ayos ng sarili at lumabas na muli. Pero sa paglabas niya ay nagulat siya nang may isang lalaking nakaabang mula doon. And it was not Stock.

"Eric," maraming bisita ang mag-asawa kaya naman siguro hindi niya agad nakitang nandoon pala ito sa party na iyon. Bigla siyang hinila nito sa madilim na parte ng reception na malapit sa may comfort room pero malayo sa mga tao.

"Karen, finally! Na-solo rin kita. Ang akala ko ay hindi na ako makakasingit sa inyo ng Torres na 'yun," madilim ang mukha nito nang sinabi nito iyon. And suddenly, nakaramdam siya ng kaba dahil doon.

"What do you want?" tinarayan niya ang tono niya para mapalayo ito sa kanya.

"Hmmm... What do I want? Paano kung sabihin kong ikaw ang gusto ko? Pagbibigyan mo ba ako?" sabi nito saka unti-unting inilapit ang sarili nito sa sarili niya hanggang sa ma-corner siya nito sa puno at mapasandal siya roon.

"Damn you, Eric! Anong gagawin mo sa akin?" Naningkit ang mga mata niya sa inis.

Hinawakan ng isang kamay nito ang baba nito samantalang ang isa ay nakahawak sa puno para harang kung sakaling magtangka siyang umalis. "Ano ba ang maganda? Ang harass-in ka dito? Ipahiya sa reception na ito? O di kaya ay patulugin at paggising mo ay nasa police station ka na katulad ng ginawa mo sa akin?"

"Hindi mo puwedeng gawin iyon sa akin dahil wala naman akong kasalanan!"

"Really? How about breaking many guys' hearts? Isn't that a crime?" sabi nito at unti-unti pang inilapit ang mukha sa mukha niya. Titili na sana siya nang maramdaman niyang may humila dito palayo sa kanya. Nakahinga siya nang maluwag nang makita niya si Stock.

"Don't you dare touch her again or you'll be sorry!" dumagundong ang boses nito habang nakaduro kay Eric.

"Ah, the knight in shining armor and the playgirl's new flavor for the month? I pity you, Mr. Stock Torres, for being this girl's another victim,"

Kumunot ang noo ni Stock dahil sa sinabi nito. "What do you mean?"

"Bakit? Hindi ka ba flavor of the month ni Karen? Sabagay, lampas isang buwan na nga pala kayong nagde-date. Wow! Ang suwerte mo naman! Samantalang ako, flavor of the week lang niya? Hah! Hindi mo ba alam kung anong klaseng babae itong napapabalitang sineseryoso mo? She's the town's playgirl! She's a heartbreaker. She will date you and when she thinks you are falling so hard for her, she will left you like a useless teddybear! Just like what she did to me! And I feel that soon you're going to be one of her victims too! Kaya sinasabi ko na sa 'yo, Mr. Torres, layuan mo na ang babaeng 'yan kung ayaw mong magaya sa akin...sa mga nabiktima niya!"

Dumilim ang mukha ni Stock sa sinabi ni Eric. Sandaling hindi ito nagsalita at tumingin sa kanya. Bigla siyang kinabahan. Maniniwala ba ito sa sinabi ni Eric sa kanya? Na kagaya ng mga pinaglalaruan niya noon ay ganoon rin ang gagawin niya dito? Pero hindi pa man niya nasasalubong ang tingin nito sa kanya ay tumingin muli ito kay Eric. "You said your piece. You can now leave,"

"Hah! Huwag mong sabihing hindi kita pinagbantaan, Mr. Torres. Siguro ay kaya nagtagal ang babaeng 'yan sa 'yo ay dahil mas malaki ang value mo kaysa nga naman sa aming mga binasura lamang niya. Pero 'di magtatagal ay iiwan ka rin niya! Sinasabi ko sa 'yo!" sabi nito pero umalis rin naman pagkatapos. Sumisikip ang dibdib niya dahil sa ginawa ni Eric pero mabuti na lamang talaga at nasa tagong lugar sila at walang taong nakakita sa ginawa nitong paglalahad ng mga masasamang qualities niya. For the past few weeks, hindi na niya naisip ang mga iyon. Nakalimutan na niya kung ano siya bago siya nakilala ni Stock at kung ano ang dapat ay ipaplano niya kay Stock dahil na rin sa mga kakaibang pinaparamdam nito sa kanya. Kaya naman ngayong ipinamukha iyon sa kanya ni Eric ay nasaktan siya. She felt like she was not the one for Stock because of what she was doing before.

Pero parehas lang din naman kayo, ah?

But I'm a girl...I should act as a decent one...not a...

Na-realize niya nang mga sandaling iyon ang mga masasamang pinaggawa niya and she's facing the consequences right now. Parang isinampal sa kanya ang mga salita ni Eric. Marami siyang pinaglaruan noon and he was one of those. She had been a bad girl and she feels so bad feeling it right now.

But I just did that for revenge. At hindi lang naman para sa akin ang paghihiganting iyon. Mas nakakalamang ang porsiyento na para sa best friend ko ang paghihiganting iyon. For Manel... katwiran ng isip niya.

"A-are you all right?" wika ni Stock nang makaalis si Eric.

"I-I'm fine. I'm just glad you came," maikling sabi niya.

Niyakap siya nito. "I was worried about you. Ang tagal mo kasing bumalik kaya pinuntahan na kita. And I'm glad I did. Ano bang ginawa niya sa 'yo bukod sa---"

"Wala naman," putol niya sa sinabi nito dahil ayaw na niyang balikan pa iyon.

"Karen---"

"What?"

Matagal na pinag-aralan nito ang mukha niya bago ito nagsalita. "I'm not one of the flavor of the months right?"

Tinitigan niya ito nang mataman. "Bakit? Iyon ba ang nasa isip mo?"

Umiling ito. "Of course not. Naisip ko lang iyon dahil sa sinabi ng lalaking iyon kanina. But can you care to tell me why are you like that be---"

"I don't want to talk about it right now, Stock,"

"Karen..."

Bumuntong-hininga siya. "Please. Hindi pa ako handa—"

Bumuntong-hininga rin ito. "All right. If that's what you want. We'll talk about it if you're ready. Kung anuman ang dahilan mo kung bakit mo ginagawa ang mga bagay na iyon. I knew you have reasons because I feel it the way you react right now. But please, tell me I'm not one of the---"

"Don't worry," sabi na lamang niya dito para tumigil na ito. Pinisil niya pa ang kamay nito. Mukhang nagustuhan naman nito ang sagot niyan iyon dahil na-relieve na huminga ito. And she was glad that na kahit makulit si Stock kapag may sakit, kapag alam nitong ayaw niya ay hindi ito nagpupumilit. Hindi pa talaga siya handang sabihin dito ang lahat ng tungkol sa nakaraan niya. Kung bakit siya naging isang babaeng kagaya ng sinabi ni Eric kanina. Natatakot kasi siyang baka mag-iba ang tingin nito sa kanya at hindi nito maintindihan at matanggap ang mga dahilan niya katulad na lamang ng trato ng Daddy niya sa kanya.

Pero kahit ganoon, alam niya sa puso niya na ready na siyang iwanan ang mga activities niyang nagawa noon. Dahil nabiktima na ni Stock ang puso niya.

The Playboy Millionaires Book 2: Playing With StockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon