FF#4: Crimes : unknown (Zae)

121 27 89
                                    

3rd Person's Pov

Ani Zae ay mabuti na lang nai-dismiss sila ng professor nang maaga. May oras pa para balikan niya ang naiwang pagkain. Gawa iyon ni Lav at masarap iyon pagsaluhan mamaya sa field. Sakto namang nagring ang phone ni Zae. Tumingin muna sa paligid ang dalaga bago pindutin ang ruby sa hikaw, mahirap ng paghinalaan. Kapag nasa publiko ay normal naman nilang sinasagot ang tawag.

"Yow saan ka na?"Anas ni Kely.

"Marui."

Nakatira sila sa iisang condo (Marui residential) presidential suite ang laki dahil lima silang umuukupa hindi kakayanin ang regular rate na unit.

"Narito kami sa field ikaw at si Sof na lang wala,"talak ni Kely.

"20 minutes."

Pinihit ni Zae ang end button. Hindi talaga niya matagalan ang pakipag usap. Kilala nila si Zae bilang tamad magsalita...kung bakit? Well, simple lang tinatamad itong ibuka ang bibig.

Habang nakasakay sa motor pabalik sa Mirai ay nakasaksi ng krimen ang dalaga. Tumba sa sementadong daan ang lalaking nakasuot ng uniporme ng Mirai matapos itong asintahin sa noo. Walang ingay ang umalingawngaw dahil gumamit ang riding n' tandem ng silencer pistol.

Nagkagulo ang iilang nakasaksi sa krimen samantalang ang naging tugon ni Zae ay habulin ang tarantadong hitman. Nakilala niya ang isa sa riding n' tandem dahil sa suot tattoo nito sa kamay. Hindi siya maaring magkamali, ang mga iyong ang pinamanmanan sa kanila nitong nakaraan lamang. Mabilis nitong pinaharurot ang motorbike. Nagpasirko sirko ang mga animal sa pagitan ng naglalakihang truck hindi siya pwedeng magpahuli sinabayan ng dalaga ang sayaw ng trapiko.

Malapit na niya silang mahabol ...

Naabutan na sana niya kung hindi lang dahil sa sasakyang nakasanggi ng motorsiklo niya dahilan para mawalan siya ng balanse. Nagdulot ng pagsikip sa daloy ng trapiko ang naganap. Nakatanggap siya at ang Chevrolet xperia na nakabunggo sa kanya nang sunod-sunod na busina ng mga sasakyan na nakasunod.

Galit at paika-ikang itinayo ni Zae ang motorsiklo. Aalis na siya bago pa lumaki ang isyu lalo na kung papasok ang media.

Hindi man nahuli ang suspek ay nakuha niya naman ang plate number nito. Ngunit tiyak si Zae na hindi tunay ang rehistro ng plaka ng mga ito.

Matatanggap niya kung sasabunin siya ng may ari ng Chevrolet. Kasalanan naman niya, siya ang biglang sumulpot sa gilid kaya siya nadanggil ng kotse. Sa isip ni Zae ay babayaran niya na lang kung ano man ang nasira sa kotse. Bahagyang nakabukas ang bintana ng kotse, naghagis siya ng nakalukot na papel. Nakapaloob doon ang contact number niya, sabay bwelta ng takbo pabalik sa Mirai.

Inabutan niya na nakasimangot si Kely. Nagbubunot naman ng damo sina Clyde at Sof, as usual tulog na naman si Lav. Inilapag niya ang pagkain sa damo sinunggaban kaagad ito ni Lavender.

"Tulog ka hindi ba?"Anas ni Kely.

"Gising na uli ako,"sagot naman ni Lav.

"Basta pagkain nawawala antok ni Lav 'wag na kayong magtaka,"sabat naman ni Clyde.

Tumango lang si Zae aniya nakakatamad magbuka ng bibig.

"Saan ka ba galing at mukhang tae itong graham?"Panlalait ni Sof sa dalang graham.

'Kasalanan ko ba na naalog iyan kanina?'

"Malamang may away na naman siguro, para namang 'di niyo kilala itong si Zae," ani Lav.

"Siya nga pala be ready mamaya. Wear something daring we're going to hunt wild animals inside Lamcey bar,"paalala ni Sof.

Maya-maya sabay silang apat na nakatingin kay Zae. Ibig sabihin lang natanggap na nila ang message kanina habang naguusap sila.

Fearless flowers (Mafia S1)Where stories live. Discover now