Twenty Four

78 3 0
                                    


Rey Evan Cadwell

"Hmm. Ugh." Mahina kong ungol habang nag-uunat ako. Naalimpungatan ako sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko ngayon. Inangat ko ang ulo ko at medyo kumirot nanaman ang bandang likod nito. Hays! Dinilat ko ang mga mata ko at tinignan kung sino ang nakayakap sa'kin.

Hindi ko na napigilang hindi mapangiti nang makita ko na ang mukha niya. It's her. My one and only Lilliana. Nahulog 'yung kumot niya na nakatakip sakanya kagabi kaya inabot ko agad 'yun at kinumutan ko ulit siya habang kayakap ko pa 'rin.

Dahan dahan akong umusog sa bingit ng sofa at doon ko siya inusog sa loob. Inayos ko na ang kumot na nakalagay sa bandang legs niya at hinalikan siya sa ulo niya. This is life.

"Good morning, My Beautiful Lilliana." I whispered to her right ear. But as I expected, hindi pa 'rin siya nagising. Mabuti na din 'yun. At least, may time pa ako para titigan siya. Umusog ako ng onti palapit sakanya at tinitigan ko lang siya habang nakatungkod ang kaliwang siko ko sa bandang uluhan niya.

Napapaisip ako kung totoo ba talaga 'to eh. I mean kung totoo ba talagang katabi ko siya ngayon at 'yung nangyaring kiss samin kagabi. Well, aksidente lang naman talaga 'yun. Napahawak tuloy ako bigla sa mga labi ko at napatingin din sa labi niya.

Damn! Nate-tempt nanaman akong halikan siya. Ang pula kasi ng mga labi niya eh. Kahit wala naman siyang lipstick. Hays! Nakakaakit naman kasi masyado eh. Hassle naman. Para bang sinasabi nito sa'kin na lumapit ka at halikan mo'ko. Mga ganon.

Iniling iling ko nalang ang ulo ko at hinanap kung nasaan ang phone ko. Nasa center table 'yun kaya inabot ko 'yun para tignan kung anong oras na.

It's already 7:05 am in the morning. Ang pasok ko ngayon ay 10:30 am pa. Habang si Lilli naman 9:30 am. Gustuhin ko man mag tagal kami sa ganitong posisyon ay hindi na pwede. Kailangan ko na munang mag ayos dito at magluto para sakanya.

Niyakap ko ulit siya ng isang mahigpit na yakap. God! Sobrang gaan sa pakiramdam ng ganito. Yung pag gising ko palang sa umaga mukha niya na agad yung makikita ko. It feels like heaven! Damn. Napangiti nalang ako habang nakapikit.

Kahit medyo makirot pa 'rin ang untog ko kagabi okay lang. Kaya ko naman tiisin 'to dahil kasama ko naman siya ngayon. Hindi lang 'yun, kayakap ko pa magdamag. Swerte ko nga naman talaga, oh!

"I love you so much, My Lillita." Bulong ko ulit sakanya. At pagkatapos no'n, dahan dahan na'kong tumayo ng maayos. Inayos ko na din ang damit niya na tumaas hanggang tyan niya dahil sa pag alis ko. Kinumutan ko muna siya ulit ng maayos bago nilagyan ng isang unan sa uluhan niya at tabi niya.

Pinagmasdan ko lang muna siya ng ilang saglit at tinanggal ang ilang hibla ng buhok niyang nakaharang sa mukha niya. Hay. Ang sarap talaga ng ganitong pakiramdam. 'Yun bang sobrang peaceful niya lang tignan habang natutulog dito sa tabi ko. Kaya napangiti nanaman ako.

"Haynako, Lilli. Ba't ba ang ganda ganda mo?" Hinawakan ko ang pisngi niya at hinalikan ko siya sa noo. I know this is wrong but I can't help it.

"I'm sorry kung ninakawan nanaman kita ng halik. I just can't stop myself from doing it. I know this is wrong but you're just so damn irresistible, My Lilliana."

*

Kakatapos ko lang magluto at maligo. Tsaka kakatapos ko lang din magbihis sa kwarto ni Ricson. Pababa na'ko ng hagdan habang inaayos ang botones ng polo ko. Ang sarap talaga sa feeling lagi ng bagong ligo. Hooo! So refreshing! Medyo basa pa 'rin ang buhok ko kaya natutuluan ang polo kong white pero ayos lang. Matutuyo din naman 'yun mamaya.

I'm Crazy In Love With My Best FriendWo Geschichten leben. Entdecke jetzt