Kabanata 10

44 12 0
                                    



It's the time of the month. Kaya pala tamad na tamad na naman akong kumilos at nananakit pa ang kasu-kasuhan ko. Kung wala lang importanteng gagawin ngayon ay hindi na ako papasok.

Naglalakad ako papuntang building namin nang may tumawag sa akin, sinabi niya na kailangan kong dumaan sa OSA. Tsk! Oo nga pala, siguradong may panibagong violation slip na naman ako nito dahil sa nangyari kagabi.

At kagabi, akala ko tuluyan na akong mawawala sa sarili. Ilang taon na ang nakalilipas ngunit hindi pa rin nawawala ang takot sa dibdib ko. Hindi ko pa rin malimutan ang katangahang ginawa ko dati. Takot na takot ako at hindi ko alam ang gagawin ko. Pero nang dahil kay Yvo, mabilis napawi ang lahat ng takot at kaba na naramdaman ko. Hindi ko alam kung paano niya nagawa iyon. 

Pagkarating sa OSA, sinamahan ako nu'ng babaeng student assistant papunta sa Guidance Office. Pagpasok, nandito lahat ang mga kasama ko kagabi at napatingin sila sa akin, napangisi naman ako nang magtama ang paningin namin nu'ng councilor.

"Wala silang kasalanan. Ako ang may kagagawan sa nangyari kagabi." Kinuha ko ang violation slip na sinusulatan ng mga kaibigan ko. "Ano'ng pagagawa mo?" tanong ko saka inilapag ang hawak na papel sa lamesa niya.

Ilang minuto siyang nakatitig sa akin, mukhang nagulat sa iniasta ko. "Bakit gan'yan ka magsalita? Hindi mo ba kilala ang kausap mo?" Nagsimula ng tumaas ang boses niya.

Nginisian ko siya bago ako sumagot. "Kilala kita, sir," mariing sabi ko. "Professor Felipe Ramos, Guidance Counselor," basa ko sa pangalan niyang nakaukit sa marmol na nameplate.

"Wala kang respeto!"

Tumango ako. "Alam ko 'yon. Ikaw? Mayroon ka ba nu'n?" may pang-uuyam na tanong ko, ipinasok ko ang kanan kong kamay sa bulsa ng palda saka tinitigan siya.

"Hindi ka ba tinuruan ng magulang mo kung paano gumalang? At, sino ka para pagsalitaan ako ng gan'yan?"

Tumayo si Yvo para pigilan ako, ngunit tinabig ko siya. Malakas kong ipinatong ang dalawa kong kamay sa lamesa nu'ng counselor nang makalapit ako. "Wala ako sa mood magpakilala pero nasa mood akong magkuwento. Gusto mo ba simulan ko na?" Hindi siya sumagot, nanlilisik ang mata niyang tinitigan ako. "Ibigay mo 'yung gusto mong ibigay na parusa pero alalahanin mo kung sino ba sa ating dalawa ang dapat tumanggap nito," mariing sabi ko saka tinalikuran siya.

Palabas na sana ako nang muli akong humarap sa kaniya. "Isa pa pala, kung gusto mong respetuhin kita, simulan mo sa sarili mo at... tigilan mo na siya," sabi ko at tuluyang lumabas sa opisina niya.

Nagmamadali akong maglakad papuntang CR para mag-ayos dahil naaalibadbaran ako sa nararamdaman ko ngayon. Pagkatapos, dumeretso na ako sa classroom namin. Wala pa ang mga kaklase ko kaya tumungo muna ako sa lamesa para umidlib.

Mayamaya lang ay may narinig na akong iba't ibang boses at kay Shey ang pinakamalakas. "Aina! Saan ka galing?" tanong niya pagkaupo sa tabi ko. "Ano'ng eksena mo kanina? Tungkol saan 'yung pinagsasabi mo? Bakit wala na tayong disciplinary action? Paano nangyari 'yon?"

Mariin akong pumikit saka siya nilingon. "Putang ina naman, Sheyanne! Kailangan ba sunod-sunod ka magtanong? Itikom mo mga 'yang bunganga dahil nakakarindi!" galit na sigaw ko sa kaniya.

Masamang-masama niya akong tinitigan at pumamewang . "Putang ina mo rin! Kung ayaw mong sagutin 'yung mga tanong ko, hindi mo ako kailangang murahin!" sigaw niya rin pabalik.

Bago pa tumaas ang tensyon ay inawat kami ni Patrick, "Chill girls, umagang-umaga ay nagsisigawan kayo." Hinila patayo ni Kerwin si Shey at pinagpalit ang puwesto nila. Hindi ko na pinansin ang iba nilang sinabi at ang pag-upo ni Yvo sa tabi ko pati na rin ang iba kong kaklase na tumingin sa gawi ko. Kinuha ko na lang ang mp3 sa bag at tinodo ang volume nito.

PIS #2: Our Perfect Chemistry Where stories live. Discover now