Chapter 35: Kaplastikan Overload | Revised

1.8K 100 52
                                    

Chapter 35: Kaplastikan Overload
Yvanna's POV

"Bye dad I'll see you later." kiniss ko si dad sa cheeks bago ako bumaba sa kotse niya at pinagmasdan siyang makaalis.

Nang hindi ko na nakita pa ang kotse niya, pumasok na ako sa loob ng campus. Asusual, madaming studyante at umaga palang, sobrang ingay na agad sa buong campus. Typical highschool students.

"Yna!" napatigil ako sa paglalakad at agad na napangiti nang marinig ko ang boses na yun. Lumingon ako sa likod ko at nakita ko siyang nakatayo dun habang winawagayway ang kamay niya. Napansin ko ring may hawak siyang dalawang box.

"Dylan!" sigaw ko. Tumakbo siya papunta sakin na may kasamang malaking ngiti. May bigla rin siyang itinapat sa mukha ko.

"Ano yan?" tanong ko.

"Chocolates! For you." he really is such a sweet guy and yes, he's now courting me. I realized that I also have feelings for him so I let him court me.

"Aww thank you. Mukhang good mood ka ngayon ah, cotton candy ko hahaha." I ruffled his pink hair at mas sumingkit naman ang mata niya dahil sa pagngiti niya.

"Siyempre naman. Masyadong malaki ang allowance ko, I decided to buy you two boxes of Ferrero chocolates. And wala lang, gusto lang kita isurprise haha."

"Really? Thank you ulit!"

"No problem. Tara na." sabay na kaming naglakad papunta sa room pero bigla kong nakita si Yuan at Maddison. "Hey Dy, si Yuan at Maddison ba?" tanong ko kay Dylan.

"Well, I also am asking that question to myself. Nakakapagtaka nga at parang bumabalik na ulit sila sa dati ngayon. Dati kasi galit na galit si Yu kay Madds kasi nga ginamit lang siya ni Madds pero ngayon.. hindi ko alam kung bakit tinanggap niya ulit." I saw how happy the both of them are. Grabe makangiti sa isa't-isa akala mo naman wala ng bukas.

"Hm.. I once thought that your friend likes my friend, Ashley. I guess I'm wrong." sabi ko. Akala ko talaga gusto ni Yuan si Ash pero hindi pala hays. Grabe kasi. Real quick.

"Oo nga isa pa yang iniisip ko. Actually kaming tatlo nila Kyran napapaisip din. Akala rin kasi namin wala na siyang pakeelam kay Maddie at akala rin namin may gusto talaga siya kay Ashley na baka dinedeny niya lang pero hindi pala. Pero alam mo hindi eh.. pakiramdam ko yang ngiti ni Yu na yan, hindi yan totoo. He sometimes smile but his eyes are the opposite. Matagal ko ng kilala yan kaya kabisado ko ng expressions at actions niya." oh well.. maybe my expectations on Yuan are all wrong. How disappointing.

Nakarating kami sa room at umupo na sa sarili naming upuan. Ipinatong ko ang braso ko sa table ko at inihiga ang ulo ko dito habang nakaharap kay Dylan na kasalukuyang nakangiti sakin.

"Cutie." sabi niya habang pinipisil ang pisngi ko. Nginitian ko lang siya at ngayon naman ay sinusuklay niya ang buhok ko gamit ang kamay niya. Ipinikit ko ang mga mata ko dahil nakakaantok naman talaga ang ginagawa niya haha.

"I found a love, for me. Darling just dive right in, and follow my lead. I found a girl, beautiful and sweet. I never knew you were the someone waiting for me~" mahinang pagkanta niya, enough for me to hear habang sinusuklay parin ang buhok ko gamit ang kamay niya. Mas lalo akong napangiti dahil ramdam na ramdam ko kung gaano niya ko kamahal kahit sa simpleng pagkanta niya lang.

DNAWhere stories live. Discover now