Entry #10 - Lalaki pala ang Gusto ko

211 4 2
                                    



"Jackielou, late ka na naman?"

Nilapitan ko siya at mahinang sinuntok ang tiyan.

"'Wag mo kong tatawagin sa pangalang 'yan Nikon."

"Hala! Ang ganda nga ng pangalan mo, pag ako nagkaroon ng anak ganyan din ipapangalan ko." 
sabi niya habang naglalakad kami papasok sa hallway ng eskwelahan.

"Naku 'wag. Kung ayaw mong maging tomboy rin ang anak mo."

"Bakit anong masama roon? Gusto ko ng anak na babae, pero gusto ko rin nang makakalaro ko siya sa basketball."

"Ang lalim ng iniisip mo, pre. Ang bata mo pa, kung ano ano yang pinagsasabi mo!"

-

"Jack, dadaan naman kami sa inyo ni Mon hatid ka na lang namin. Mauna ka na Tisoy, malayo pa bahay niyo eh."Sabi ni Nikon sabay tapik sa balikat ni Tisoy.

"Oo nga, sabay ka na kay Luis." sabi ko naman.

"Uhmm, o sige. Una na ako." sumangayon naman siya

Nagpatuloy na kami sa paglalakad pauwi.

"Jack." Pabulong na sabi niya.

"Oh?"

"Naguluhan ka ba bago ka maging tomboy? Ganap na tomboy ka na ba talaga?"

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. 

"Noong una? Oo, humanga ako sa mga babae at wala akong nararamdaman sa mga lalaki. Sinunod ko lang kung ano ang gusto ko."

"Di na magbabago kahit gawin ko to?"

Hinawakan niya ang kamay ko..

Dahilan para mapatigil ako sa paglalakad at bigla niya akong niyakap.

Ni hindi man lang ako makapagsalita.

Ang mukha ko ay nakalapat sa malapad niyang dibdib. Hindi ako nakagalaw agad.

Pakiramdam ko tumigil ang lahat.

Maliban na lang sa tibok ng puso ko, na napakalas at bilis ng pagtibok.


Para akong nahimasmasan noong maramdaman ko ang dahan dahan na pagtulo ng isang malamig na tubig sa aking mga likod.

At nasundan ng isa pa,

Isa pa,

Isa pa, at isa pa.

Hanggang sa bumubos na ang malamig na ulan. Agad ko siyang tinulak at ibinaling ko yung tingin ko sa dinaraanan namin.

Ano 'to?Eto ba yung tinatawag na Kilig?

"Jack! Hintayin mo ko"

-

Noong isang araw ay pumasok si Tisoy gamit niya 'yung bike niya, kaya ay niyaya niya akong ihahatid niya raw ako.


Paangkas na ako nung bike kaso ay pinigilan ako ni Nikon.

Wattpad Short Story Writing Contest 2014 (WSSWC)Where stories live. Discover now