CHAPTER 1 Sophomore's Crush

6.8K 49 2
                                    

I can't believe that time flies faster.. Grabe, 2nd year high school na ako.. New friends, new life, new acquaintances...

Papasok na ako sa school, first day ngayon, kaya for sure, puro introduction of teachers and classmates lang ang gagawin namin..Hay, excited na ako! Makikita ko na ulit yung mga friends ko! for sure, marami na namang trasferees.. Di ko pa alam kung sinu-sino magiging mga classmates ko.. Shuffle na kasi yung sections namin. Tsk.. Sana naman mga close ko mga classmates ko pa rin ngayon..

Nagtaka ako nung makapasok ako sa gate ng OLLS, (Our Lady of the Lake School) kasi, mga 3o mins. na lang, time na, kakaunti pa lang ang nakikita kong tao.. Papaakyat na sana ako sa building para hanapin ang room ko, nang biglang may tumawag sa akin..

"Aaliyah!!"

Napatingin ako sa likod ko, si Lexie! Ang tangkad niya talaga.. isa siya sa mga closest friends ko dito sa OLLS. Napangiti ako sa kanya..

"Ui, Lexie! Anong section mo?"

Bigla siyang napangunot-noo. Ano kayang problema nito?

"Anu ba yan Aaliyah, anong section agad? Hindi ka man lang ba marunong mangumusta?"

Asus, ayun lang naman pala..

"Sus, ikaw talaga, akala mo naman hindi tayo nagkakatext nung bakasyon.." Napangiti ako sa kanya..

"Eh syempre noh, iba pa rin yung sa personal.. kung makapag-salita ka naman, parang hindi mo ko na-miss!" Nakapa-meywang na siya.. kunwaring nagtatampo..

"Asus, sige na nga.. Musta na? I miss you!" At niyakap ko siya then she hugged me back..

"Naku, ayun..okay naman," Hehe, tignan mo, ganun lang pala gusto niya eh..

"Oh ano na?" For sure, nakalimutan na niya yung tanong ko..

"Huh? Anung ano na?" Oh diba, nakalimutan na nga niya!

"Anong section mo?" Pinandilatan ko siya ng mata..

"Ah, oo nga pala...wait," Binuklat niya yung folder na hawak niya.. at ini-scan un.."Ah, ayun! Section A-2! ikaw"

"A-1 ako, ano ba yan..di tayo magkaklase!" Nalungkot ako,..

"Ikaw kasi, masyado mong tinalinuhan kaya nasa A-1 ka! Haha.." Tsk.. ano ba yan..

"Ganun?! Adik ka talaga.." Napangiti na lang ako sa kanya..

"Okay lang yun..magkatabi lang naman tayo ng room no!" Sabagay..tama siya...

"Oo nga eh.. Haha, kamusta na ka--" Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko, kasi bigla nang nagbell..

"Calling the attention of all students, please proceed to the gathering hall now for some importants matters. Thank You."

Important matters? Naman! Eh Orientation lang naman yun! Hahaha.... Pumunta na ako sa gathering hall..

Luminga-linga ako ara hanapin yung chairs na naka-assign sa section namin.. naglalakad ako sa may aisle nang biglang....

BLAG!!!*

"Ouch!" Napatingin ako sa taong nabangga ko.. napasalampak siya sa sahig..Grabe, ganon ba ko kalaki at napaupo siya?

Nanlaki yung mga mata ko nung makita ko siya.. OMG!

"Miss Labalan, I'm sorry po.. I didn't mean to bump you.. I was looking for m---" Bago ko pa matapos yung sinasabi ko, she cut me..

Nakatayo na pala siya, tinulungan siya ni.... PAUL? OMG! Pakitang gilas na naman! Hmpt!

"Miss Ramosa, i don't need any further explanations.. just make sure that you'll look where you're going!!" Nagtaas siya ng boses, grabe, hindi pa rin siya nagbabago.. isa sa mga terror teachers dito sa OLLS. Math teacher ko siya nung 1st year and siya ang head teacher dito..

Hopeless Love(COMPLETED!!!)Where stories live. Discover now