Chapter 59 - Part 3: His Lies

729 4 0
                                    

Paul's POV
Nakaraan ang ilang araw, nagiging maayos naman si Nelle. Nandito pala ako ngayon sa bahay nila Nelle.
Nag-aayos na kasi siya ng mga papeles.
Para saan? Aalis na kasi ulit siya.
Babalik na sila sa France. Dun na siya magpapa-treatment.
Hindi na kasi kaya ng mga doctor dito na pagalingin siya.
Alam naman natin na mas maganda pa rin talaga ang treating process sa ibang bansa.
Kaya ayun, 1 week na lang, aalis na ulit siya.
Biglang nag-beep yung cellphone ko.
From: Demi
Hoy put*** in* m* nman Paul oh! Lintek ka! ung kaibigan ko ngppkamaty na ng dhil sau! mpapatay kta pag may nangyari kay ali! lintek!!!!! bwisit ka! go to hell! >_<
NAGPAPAKAMATAY?! FCK! O___O!!
Si Aaliyah! Hala! Hindi ito pwede!
Pero baka palabas lang naman ito ni Demi.
Pero hindi naman pwede.
Paglaruan na niya at gawing biro ang lahat, wag lang ang buhay ni Aaliyah!
Anong irereply ko?!
Ang alam nilang lahat, wala na akong gusto kay Aaliyah.
Ang alam nila, wala na akong pakialam sa kanila.
Hindi naman nila siguro pababayaan si Aaliyah diba?
Kaya naman nila yun.
Isa pa, alam kong nandoon si Miggy at Aaron para tulungan siya.
Hindi nila hahayaang may mangyaring masama kay Aaliyah.
To: Demi
the hell i care? edi magpkamatay sia! don't blame me.. di ako ang may ksalanan..don't text me again.
Labag man sa kalooban ko, ayan ang nai-reply ko.
Magalit na sila sa akin.
Alam ko naman ang totoo.
Tatapusin ko lang 'to.
Makaalis lang si Nelle, aayusin ko din ang lahat.
Matatapos din 'to.
Lumipas ang ilang araw, wala na rin akong balita kay Aaliyah.
Kahit si Renzo, galit na rin sa akin.
Lahat sila. Ayaw akong makita o makausap man lang.
Ganoon na talaga ako kasama para sa kanila.
Wala akong magagawa.
Desisyon ko naman ito eh.
Ako lang naman ang dapat sisihin dito.
Ako lang ang may kasalanan.
Ngayon, pinapunta ako ni Mommy sa school.
Para saan?
Mag-eenroll ako.
Dito pa rin ako mag-aaral.
Ayokong lumipat. May mga bagay pa akong dapat ayusin.
Mga bagay na hindi ko kayang mabuhay kapag hindi ko naiayos.
Isang bagay na habang-buhay kong pagsisisihan.
ANG PAKAWALAN SI AALIYAH.
Nung matapos na akong mag-enroll, nagtext na si Nelle sa akin na papunta na rin siya dito.
Ngayon na kasi ang alis niya papuntang France.
Pupunta lang daw siya dito para bayaran yung huling tuition niya.
Remember, nag-aral siya dito?
So ayun.
Nagmadali na ako kasi naghihintay na nga raw siya sa may labas.
Pero sa sobrang pagmamadali ko, may nabunggo ako!
Hindi pader o kung ano.
TAO!
TAONG MAHAL KO! >___<
"So-sorry.. Di ko sinasadya."
Yan lang ang nasabi ko.
Hindi ako makapagsalita nang maayos.
Hindi ko rin siya matitigan.
Umiwas ako ng tingin.
"Pre, mag-ingat ka! Mambabangga ka na lang, yung MASASAKTAN mo pa!"
Biglang may sumulpot sa likod niya.
Tinulungan niyang tumayo si Aaliyah.
Ugh! Nakakainis kasi ako dapat ang gumagawa noon! >.<
"Pre, hindi ko naman sinasadya eh! Kasalanan ko bang tatanga-tanga yang kasama mo? Hindi siya tumitingin sa daan eh!"
"Kahit na! Dapat ikaw na lang ang umiwas! Alam mo namang makakasakit ka eh!"
"Hindi ako ang may kasalanan okay? I already said sorry!"
"Sa tingin mo, okay na yung sorry?!"
"Isn't it?!"
"Yeah right! Suck you dude!"
Bwisit 'tong gagong to ah! Akala mo kung sinong makapagsalita! >.<
Bago pa ako makapagsalita ulit..
*BOGSH!*
Tumalsik ako.
Aish. -____-" Bwisit yun ah!
"Pauuuuuuuuul!"
Nilapitan ako ni Aaliyah.
AY SHIT!
Bakit ba ganito 'tong babaeng 'to?!
Nakakaloko eh!
"Paul! Okay ka lang?!"
"Yeah. Yeah. I'm fine. Stay away from me."
Hindi ko man gustong palayuin siya, alam naman nating may mga tao ring nakapaligid sa kanya na nasasaktan.
Tulad na lang ni Aaron.
Ayun. Tumakbo ang loko!
Tsk. -___-"
Ang sakit ng suntok niya. Gago siya.
Well, hell yeah. I deserve it. Right?
Nung namulat na sa katotohanan si Aaliyah,
ayun. Tumakbo siya para habulin ang loko!
Aist.
Hindi ko alam pero parang nasasaktan ako.
Nagseselos ako!
SHIT! ANO BA YAN! >____<
Lumabas na lang ako ng school para puntahan si Nelle.
Kanina pa 'yun naghihintay e. Aish. -___-"
Paglabas ko.
Anong meron?! FCK!
Si Aaliyah at Nelle!
Mukhang may pinag-uusapan sila.
Oh no!
Hindi dapat sila magkausap!
Tumakbo ako at saka tinawag si Nelle.
"Hey Paul! Nakapag-enroll ka na?"
"Yeah. Kakatapos lang. Pauwi na ako."
"That's great! Pa'no? Kita na lang tayo sa airport!"
"Yeah sige. Nagpaalam ka na ba kina Dad-- Teka, wag tayo dito mag-usap."
Hindi ko tinuloy yung sasabihin ko dapat. Nandito nga pala si Aaliyah. She shouldn't know about this yet.
"Why not?"
"Just.. Just follow me."
"How about Aaliy--"
Ugh! Hinila ko si Nelle papunta sa kotse nila bago pa niya maituloy yung dapat niyang sasabihin.
Hindi pa ito ang tamang panahon para malaman ni Aaliyah ang lahat.

Hopeless Love(COMPLETED!!!)Where stories live. Discover now