The Heartbroken Heartbreaker

129 5 1
                                    

Simula

"Mahal mo ko 'di ba?"

Tumigil siya sa paghakbang, mukhang nabigla sa tanong ko. Hindi ko akalaing banyaga pa rin sa kanya ang tanong na ito.

"Uhm..." nabibitin ako sa pagtugon niya. Alam ko. Oo, matagal ko ng alam ang sagot pero umaasa pa rin ako na sana... magbago ang isasagot niya.

"Mahal mo..."
Shit! Heto na naman ang mga luhang nag-uunahan sa pagtulo. "... pa ba siya?"

Napailing na lang siya at mapait na ngumiti. Hindi ko mawari kung naaawa ba siya sa'kin o naiinis dahil hanggang ngayon umaasa pa rin ako sa kanya.

"Alam mo..." napabuntong hininga na lang siya at humakbang ng tatlong beses...tatlong beses palayo sa akin. "...mahal naman kita."

Nabuhayan ako ng loob. Patakbo akong lumapit sa nakatalikod niyang presensya, gusto  kong mabusog sa matamis niyang tinuran. Mahal niya ko, may mas sasaya pa ba 'dun?

Agad kong sinakop ang mumunting espasyo na namamagitan sa aming dalawa sa pamamagitan ng yakap.

"Mahal kita pero..."

Mabilis ang aking pag-iling bilang pagtutol. Alam ko na, pero bakit ang tanga ko para hindi ko maintindihan. Humigpit ang yakap ko pero kalauna'y niluwangan ko ito at umatras.

"... mas mahal ko siya."

------*

Thank you for reading!

The Heartbroken HeartbreakerWhere stories live. Discover now