Chapter 4

27 2 0
                                    

Chapter 4

NAGLALAKAD ako sa hallway papuntang classroom nang mabangga ako ng mga nagtatakbuhang varsity players.

"Shit naman." naibulong ko na lang habang pinupulot ang mga nagkalat kong mga gamit. Inaayos ko muna ang nahuhulog kong eyeglasses bago inisa isa ang reports ko na sumabog lang naman.

"Paano na 'to hays! Nadumihan na." kausap ko sa sarili ko habang tinititigan ang report papers ko na nadumihan. Terror pa naman ' yung prof namin sa accounting at sigurado akong hindi niya ito tatanggapin. Wala na akong oras para magpunta sa library dahil nasa kabilang ibayo pa iyon ng campus.

Umupo na lamang ako sa may stone bench at kinagat kagat ko ang aking kuko. Mannerism ko kasi ito kapag kinakabahan o kaya kapag nama'y nasi-stress.

"Aaaaarghhhhh" sigaw ko sabay sabunot sa sarili kong buhok.

"Para kang baliw diyan."

Napalingon ako sa aking gilid dahil sa nagsalitang lalaki. Tinapunan ko siya ng tiger look at inirapan. Hindi ko na lang siya inintindi at pilit tinititigan ang report ko na nadumihan, naluluha na ako sa frustration. Isang oras na lang bago ang accounting class ko. "Shit naman." bulong ko.

"Bakit snob mo ko?" sabi nung lalaki na nakaupo na rin pala sa tabi ko. Sa sobrang bwisit ko sa epal na lalaki nakapameywang akong humarap sa kaniya at akmang sisigawan pero-

"B-bakit ba?" mahina kong sabi dahil ayaw kong mahalata niya na na-mersmerize ako sa ganda ng mga mata niya, well hindi lang 'yun. To be honest, gwapo pala siya.

Biglang nagseryoso ang kaniyang ekspresyon, ni hindi ko pa rin maalis-alis ang titig ko sa kaniya. Shet nakakahiya pero feeling ko magnet kaming dalawa. Nasira ang moment nang humagalpak siya ng tawa.

Namula ako sa kahihiyan at nagtakip ng mukha. Nakakainis kaya sinigawan ko siya "Tangina mo!"

He acted like he was shocked on my words. "Woah! Intense."

Sumimangot ako at inayos ang aking mga gamit. Napatingin ako sa wristwatch ko at 20 minutes na lang klase ko na! Fucking shit!

Hindi na ako nagpaalam at tumakbo na ako paalis. "Wait, Rein!" sigaw niya pero hindi ko na siya nilingon pa.

Teka, paano niya nalaman pangalan ko? Nevermind.

TULALA ako at pilit ina-absorb ang kaniyang sinabi. Naiiyak ako sa hindi maipaliwanag na emosyon. Takot, pagkalito at galit. Hindi ko alam kung ano uunahin kong maramdaman.

"Please, Rein. Let's talk about us." hawak niya sa aking dalawang kamay. Ni hindi ko man lang napansin na nakalapit na pala siya.

"Wala ng tayo, Ronin. Wala na! You hurt me like there was no tomorrow. Until now, I'm still hurting! Bakit ba ang gago mo ha?" I shouted my lungs out. Napigtal na ngayon ang natitira kong pagtitimpi. Wala na akong pakialam kung umiyak ako sa kaniyang harapan.

His expression softened. He tried to hug me but I pushed him with all of my remaining strength. Dahil pagdating sa kaniya, wala akong lakas para makausad. Wala na.

"I'm sorry Rein kung nasaktan kita. I am just blinded with my feelings to her."

Umiling na lang ako. Ayoko na magsalita. Nasasaktan ako dahil hanggang ngayon ang tanga ko pa rin. Ang tanga ko dahil ako pa mismo ang lumapit dito sa banging magpapahamak sa'kin.

Humakbang ako paatras,patuloy na umiiling. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong hindi sang ayunan-ang paghingi niya ba ng tawad o ang pagiging manhid niya.

"Please, pinagsisisihan ko 'yung pag-iwan ko sa' yo. Ikaw ang mahal ko hindi pala siya. Nagkamali ako, masyado lang pala akong naawa sa kaniya."

Lalong bumuhos ang aking mga luha. "Shit naman Ronin! Ano 'yan trial and error ha? Hindi mo alam kung sino kaya nanghula ka ng sagot ganun?"

Nanghihina ako. Gusto ko ng umalis dito pero hindi ko maintindihan ang puso ko. May sumibol na kaunting pag-asa sa aking puso dahil ako pala ang mahal niya. Pero bakit ngayon lang?

Tila nabasa niya ang aking ekspresyon at agad siyang lumakad patungo sa'kin at ako ay kaniyang...niyakap nang mahigpit. Kumalabog pa lalo ang puso ko.

"I know I'm late. I still love you Rein. Nung araw na nag apply ka dito sa kompanya ko, grabeng tuwa ang aking naramdaman. Binigyan mo ako ng pag-asa muli. I'm really sorry okay. Please?"

Pinahid ko ang aking mga luha at hindi pa rin siya bumibitaw sa yakap. Hindi ko siya magawang yakapin pabalik. Gusto kong maramdaman niya kung ano 'yung naramdaman ko noong niyakap ko siya noong mga panahong lumisan siya.

Nang mapansin niyang wala akong balak gumanti ng yakap at magsalita, siya na mismo ang kumalas.

Huminga ako nang malalim. "What do you want?" tanong ko.

I saw glimmer in his eyes.

"I want us back Rein." he smiled.

Humakbang ako pero para hindi lumayo kundi para mas mapalapit pa sa kaniya.
Naging awkward ang ngiti niya dahil sa biglang paglapit ko.

I smirked and I lean in to kiss him. Nagulat siya sa ginawa ko at hindi nakabawi kaagad. Kinabahan ako kaya naman aatras na sana ako nang pinalalim niya pa ang halik na sinimulan ko. Saglit lamang iyon pero ibang klase ang epekto sa'kin. Hindi ko iyon pinahalata at agad kong tinigasan ang aking ekspresyon.

I stepped back and hold the door handle to go out. But before that, I throw a glance at him and said "You want us back? Sad to say I don't do comebacks..."

"But Rein, the kiss." confusion is evident on his face.

"... I repeat I don't do comebacks. If you want to be with me again, let's leave what we had today and yesterday. Let's be strangers and for this time, we should write the better version of the story."

------*

The Heartbroken HeartbreakerWhere stories live. Discover now