Chapter 3

29 3 0
                                    

Chapter 3

Hindi ako makatulog. Iniisip ko pa rin ang nangyari kanina. I am so embarassed to the fact na sobra akong naapektuhan sa kanya.

Past is past pero bakit hanggang ngayon ako na lang ang naiwan sa nakaraan?

We had our history. A typical sweet love story. Pero 'yung akala mo na masaya, hindi pala. We broke up ay mali, he broke up with me. Hindi ko lang maintindihan kung bakit tinatawag na relationship ang isang senaryo kung sa huli, isa lang din ang kailangang desisyon para masira o matigil ito.

After five years, heto ako ngayon pilit na pinapaniwala ang sarili ko na naka-move on na ako. Nagtatrabaho lang naman ako sa kompanya ng aking ex-supposed to be fiance.

He is okay as hell.

Ano nga ba ang dapat? Siya 'yung hindi okay o ako ba dapat? What would I expect sa taong nang-iwan sa akin? I shrugged off the thought.

Makatulog na nga lang.

MAAGA akong pumasok kahit na sabado. Wala pang masyadong tao dahil pasado ala sais pa lang ng umaga. Wala akong masyadong gagawin kaya mainam sigurong linisin ko ang aking cubicle ngayon.

Binuksan ko ang drawer na nasa aking gilid at sinimulang alisin ang mga papel.

Pangalawang taon ko pa lang dito sa trabahong ito pero feeling ko 'yung mga kalat kong papel panlimang taon na.

Mga resibo, payslips, unused documents, reject proposals at mga sticky notes ang narito. Inilagay ko lahat ng mga ito sa box. Ilalabas ko na lang siguro ito mamaya.

Inayos ko pa ang iba kong mga gamit sa ibabaw ng aking table at itinapon na rin ang mga maliliit na kahon na puno ng papel.

"Anong meron?"

Napairap na lang ako sa hangin at nilingon ko si Brenna.

"Wala! Naglilinis lang bakit masama?" iginilid ko muna ang box na nilagyan ko ng basura at humarap na nang tuluyan sa kaniya.

"Woah! Easy lang besh! Nagtatanong lang." sabay upo niya sa kaniyang lamesa.

Hindi na ako umimik at pinanood ko lang siya sa pag-eedit ng designs. Interior designer slash architect itong si Brenna.

"Ano sasabihin mo? Naiirita ako kapag tahimik ka diyan."

Bumuntong hininga ako bago hinila ang swivel chair ko para makatabi sa kaniyang puwesto.

"Ano kaya kung mag resign na ko?"

Padabog niyang isinara ang kanyang laptop at binigyan ako ng gaga-ka-ba-talaga look. "Para kang tanga, bestfriend ba talaga kita?"

"Eh.. Kasi ano-"

"Alam mo, ang hirap sa'yo napaka bitter mo pa rin. Hahayaan mo na lang ba na maapektuhan ka niya? I mean be professional Rein. Ang pangit lang kasi na 'yung personal mo o niyong nakaraan ay isasama mo pa dito sa trabaho."

Bigla siyang nag walk out. Gusto ko sana siyang tawagin pero alam kong inis siya.

Pinisil-pisil ko na lang ang aking mga daliri dahil wala akong masabi. Tama siya. Ako lang naman siguro ang parang hindi pa makausad.

KASALUKUYAN kong inaayos ang schedule ni Sir Ronin nang bigla niya akong ipinatawag sa kaniyang opisina. Saglit akong sumilip sa aking salamin at nag-powder.

Lakad takbo akong pumunta sa opisina niya at bumuntong hininga bago pumasok.

"Good morning Sir."

"Good morning." tugon niya nang hindi tumitingin sa'kin dahil abala siya ngayon sa kanyang macbook.

Hindi na ako nagpatumpik pa at agad kong nilagay sa lamesa ang schedule niya para sa buwang ito. Aalis na sana ako nang bigla siyang magsalita.

Bumuntong hininga siya saglit at niluwagan ang kanyang necktie na para bang sakal na sakal na siya.

Napatitig ako sa kanyang umiigting na panga kasabay ng pagkunot ng kaniyang mga makakapal na kilay. "Coffee please."

Hindi na ako tumugon pa at agaran akong lumabas ng kanyang office. Kumakabog ang aking dibdib sa hindi maipaliwanag na kaba. Apektado pa rin talaga ako.

Mabilis din akong natapos at hinatid ko na ang kanyang kape sa opisina. Simpleng instant coffee mix ang aking itinimpla dahil hindi naman siya nagsabi kung anong klaseng kape ba ang kanyang gusto.

Inilapag ko ito sa kanyang harapan. Tumingin muna siya sakin at saka binalingan ang kape.

"Iniiwasan mo ba ako?" tanong niya.

Why so sudden? Bakit niya itatanong pa kung obvious naman? Pagkatapos ng ginawa niya, may gana pa siyang magtanong?.

"Hindi naman po Sir." pagsisinungaling ko.

Isang malalim na buntong hininga na naman ang kanyang ginawa. "Please drop the Sir, Rein."

Hindi ko maiwasang mapairap sa hangin dahil sa kanyang sinabi. Naiinis ako at gusto ko siyang sapakin dahil sa ginagawa niya. Bakit ba kasi ipinipilit niya na casual lang ang turingan dapat?

Sa huli, pinili kong huminahon. Kailangan kong maging maingat sa mga kilos at sasabihin ko. Ayokong malaman niya na may nararamdaman pa rin ako kahit papaano.

"Sir Ronin, as far as my concern, you are my boss and I am your secretary. Why are you keeping insisting removing respect remarks on you. We were not even friends para tawagin kita sa pangalan mo. I am doing my work and--"

"Stop!.." hampas niya sa kanyang lamesa na siyang ikinagulat ko. Nahalata naman niya kaagad ang aking takot. Ngayon ko lamang siya nakitang ganito kagalit. "... sorry Rein but I'm tired of this shits. Tawagin mo ko katulad ng dati, hindi 'yung ganito. Stop torturing me because I can' t take it anymore. Let's talk about us, Rein please."




The Heartbroken HeartbreakerDonde viven las historias. Descúbrelo ahora