Two

3.9K 97 0
                                    

A/N

Xielle is pronounced as "shelly"

♥♥♥

Enjoy and Continue Reading

***

Exelle

"Hey," bungad sakin ni Jules nang makita niya akong pumasok sa entrance ng hall. Jules is my friend, and she's an interior designer.

She was a friend of mine since high school like Sam. And like Sam, alam niya kung ano ang naging masaklap na karanasan ko sa buhay years ago. She still looks the same. Porcelain rosy skin and a perfect slim body. A figure of a real goddess. And she really looks like her mother, Aunt Juliean.

"Aunt Juliean! Oh my God, auntie. I missed you," I greet her with a hug habang inaasar. Bigla naman itong napasimangot saka ako kinurot sa braso kaya napaatras ako nang bahagya habang natawa.

"Ano~huh. Masaya ka? Masaya ka?" Sabi niya sabay kurot ulit sakin. "Kamukha ko lang si mama, pero mas maganda ako dun. Ano? Tatawa ka pa?"

"Baliw," sabi ko nalang ng makalayo ako sa kanya. "Oo, masaya ako. Bakit ba?"

Inirapan niya lang ako kaya napatawa nanaman ako sa kanya dahilan para sumabay siya sa pagtawa sa akin. Ganito lang talaga kasi kaming dalawa noon paman. Acting like a teenager of the old days. Tawa lang tawa, kahit na ang dami naming problema sa buhay.

"Seriously, Xielle, I missed you, damn so much." Sabi nya ulit and this time, she's the one who gave me a hug, "we really thought, you'll never coming back."

I smiled.

It feels great when you know that there are still people who were waiting for you to come back. Kahit na lumipas na ang mga panahon, nandito parin sila at naghihintay sakin. I mentally laugh.

They were my friends anyway, kaya ganito sila sakin. At alam ko, na kahit hindi ko sila kaibigan, they will be always at the corner of the surface to welcome me.

"Tch. Ang drama mo naman Jules. Akala mo naman galing ako sa Pluto at di na makakabalik." Asar ko sa kanya nang umatras siya ng kaunti palayo sakin. Natawa lang ito saka ako hinampas.

"Aray huh. Jules, parang di ka naman nagbago eh. Ang hilig mo paring mangurot at manghamapas. Seriously, Jules." Sabi ko lang sa kanya, "Parang ikaw ata ang galing Pluto eh. Nag-freeze yata yung evolution ng mannerism mo. Hampasera ka parin."

"Baliw ka talaga, Xielle. Wala na sa nine planets ng solar system ang Pluto. Paano pa ako makakabalik kung dun ako galling, di ba? Duh, Xiellenna. Duh," sabi niya sakin sabay wave ng buhok niyang kulay tsokolate.

"Malamang dumating ako para iligtas ka."

A masculine voice of a man suddenly appeared behind us, kaya't napalingon kaming pareho sa nagmamay-ari ng boses na iyon. I smiled after seeing a figure of a man that I wouldn't imagine to looks the same.

"Nerdy?" I exclaimed with the thought of, me trying to stop and start to laugh. Napangiti ako ng malapad.

"Hon." Narinig kong sabi ni Jules saka ito nilapitan and cling herself to him. They kissed like they forget that I exist just in front them.

Haist. Love birds.

I was grinning from ear-to-ear nang pansinin ulit ako ni Jules.

"Come on Xielle, hindi siya si Nerdy, tsk. Not anymore." Sabi ni Jules and rolled her eyes.

EX Wife (EXCLUSIVE in GOODNOVEL)Where stories live. Discover now