Chapter 1: Meet Her

32 1 0
                                    

          Hi! I'm Shyree Klea Fuerte, 20 years alive, standing five feet and two inches above the ground and a volleyball player. 

              Physically, I'm a just a typical morena girl with a black straight hair that is two feet long. I am the second of the three daughters of Damien Fuerte and Nettlee Marie Montecino Fuerte. We live in a mountainous barangay in the province of Cebu wherein my father is a barangay captain.

 Isa kami sa mga tinitingalang pamilya sa lugar namin hindi lang dahil sa matagal ng nanungkulan sa barangay ang pamilya naming kundi dahil na rin sa napagtapos kami ng pag-aaral ng magulang naming kahit mahirap lang kami.

Malaki ang agwat ng edad naming ng ate kong si Danica na ngayon ay isa na siayng principal sa elementary school ditto sa amin. Akala naming ay tatanda siyang dalaga sapagkat trenta y dos na siya noong ikasal siya kay kuya Ryle, isang sergeant sa AFP at ngayon nga ay may dalawang taong gulang na silang anak na si Dale. Ako naman ay kakatapos ko lang sa kurso kong Bachelor of Secondary Education major in Mathematics. Samatala, nasa grade eleven naman ang bunso naming si Shamia Marie at inaasahang kukuha rin siya ng Elementary education pagdating ng college. Gusto talaga ng Mama namin na maging guro kaming lahat kaya no choice kami. Hindi naman kasi sa pagmamayabang ay may utak din naman kami, iyong tipong mapapagod ang mga magulang mong pabalik-balik sa stage kada commencement exercises.

Sa aming tatlong magkakapatid, ako ang pinakapandak pero ako naman ang pinakamatlino at pinakamaganda. Echos lang! 

Basta ako talaga iyong iba sa amin. Iba naman kasi ang gusto ko. Gusto kong maging doctor, maging engineer at gusto kong maglaro ng volleyball. Ang labo ko diba? Pero ito ako, tinapos ang kursong ito. Hindi naman kasi madali ang "education lang?". Kung iyong iba ay tinutulugan lang, gumraduate na. Dito, kulang ka na nga sa tulog, hirap ka pang pumasa. Nasa kursong itong ang tinatawag na matira ang matibay. Ito iyong, 35 kayong nag enroll ng first year, 15 nalang kayong aabot ng fourth year. We were pressured by the idea na kung education ka dapat masipag ka, creative ka, magpapass ka ng project before ang deadline at dapat magaling kang speaker. Walang gabing wala kang gagawing visual aids. Walang araw na walang demo teaching or reporting. Sa mga taong iyon, natutunan kong mahalin ang kursong ito kasi sa maniwala kayo at sa hindi; "kung sino lang iyong nagmamahal ng totoo ay siya lang din ang nakakatagal". To graduate is hard and to graduate with flying colors is harder. Kaya to all the students out there ! In order for you to survive, you must love what you do for you to enjoy and feel the happiness while doing it.

The One That Was PlayedWhere stories live. Discover now