Chapter 12: Unexpected Workout with Him

8 0 0
                                    


Shy's Point of View

Maaga ako sa gym today kasi schedule ng work out namin this early morning. Though inaantok talaga ako gawa ng mga online classes ko, I'm still one of the early birds. Sabi kasi nila, "early bird catches worm" baka may worm akong mabingwit today. Haha Actually, iba talaga ang trip ko taday. Nararamdaman ko talagang gusto kong mag-ingay. Wala naman akong personality disorder. Pa iba-iba lang talaga ng trip ko everyday. Ay basta! Gusto kong mag-ingay! Yah yah

May naisip ako habang dumadating ang mga team mates ko.

"Morning Shyree! " sigaw ni Seth. "Seth, good morning yun! Hindi MORNING lang. Duh! Alam ko namang morning na" I response with matching rolled eyes. Alam naman niyang acting ko lang yun kasi ganito naman kami dito minsan talaga. Gusto na nga naming mag-audition sa I can see your voice eh. Haha k. waley!

"Ay sos! Ang sabihin mo, wala lang nag good morning sa'yo kaya ka ganyan!" sagot naman niya sa akin habang tumatawa ng nakakaasar. Alam ko na talaga kung saan papaunta ang usapang ito. "Wala kasing lovelife! Wala man lang naggo-godmorning! Lol" asar naman ni May-ann. Natatanaw kong dumating na din si coach. "Hindi na uy! Ipapakilala na sa akin ni coach ang anak niya kaya magkakalovelife na ako!" syempre isang malaking joke yun. Sanay naman na kasi si coach sa ganong joke. Bigla naman silang natahimik, paglingon ko.............. Diyos ko ! Lupa kainin mo na ako !!!!!!! Kasunod pala ni coach si RixeL. "Morning coach !" sabi ko nalang habang papunta doon sa gilid para ilagay ang phone ko sa bag. Si coach lang talaga ang tiningnan ko at linampasan ko lang siya. Patay malisya kuno. As if wala talaga si RixeL at ngumiti pa talaga si coach sa akin. Parang nakakaasar! Da efff talaga! Buti nalang at hindi sila nagtawanan.

RixeL's Point of View

Whats up! I'm RixeL Brynne Verano, 21, fourth year college and a basketball player who stands six feet and an inch. Physically, I'm the one they call "tall, dark and nevermind" humble pala ako. Lol ! May marami-rami pala akong fans at syempre, bashers din. Of couse, these two groups of people really go together. Most of my fans are girls. I don't really know if alam ba talaga nila ang rules ng basketball or they're just into the good looking players. Well, I don't care. After all, family mo lang din naman ang hindi nang-iiwan sa'yo.

Speaking of family, my Dad told me to go with him to work out today. My dad is a volleyball coach by the way and I'm here in the gym with his team. As we enter, I heard people laughing hard. Girls are really loud kahit saan mo ilagay. Nakasunod lang ako kay dad. "Wala kasing lovelife! Wala man lang naggo-godmorning! Lol" tapos they laugh again. "Hindi na uy! Ipapakilala na sa akin ni coach ang anak niya kaya magkakalovelife na ako!" rinig ko naman doon sa girl na nakatalikod na iba ang accent. Tumahimik bigla yung mga team mates niya because nakita nila akong kasunod ni dad. Lumingon yung girl at parang ibinulong sa hangin. Parang ngumiti ng nakakaloko si dad sa kanya at lumingon sa akin. Nahiya 'ata 'yong girl at pumunta doon sa gilid. Nagte-text ata.

Hanggang sa natapos na ang work out session, hindi ko na nakita dito malapit sa aking 'yong girl kanina. Iniiwasan niya talaga ako. Haha Is she really a fan ? Nagpapicture na sa akin 'yong iba tapos siya, ayon lampaki. Now, tell me. Is she really a fan? 

The One That Was PlayedWhere stories live. Discover now