Larawan

11 1 0
                                    


[Kay sarap balikan ang mga alaala nagdaan sa pamamagitan ng larawan.]

Nang ako'y batang paslit modelo ko ang sarili kong ama. Ang ama ko ay isang mahusay na retratista. Sikat na sikat siya sa aming bayan dahil sa magaganda niyang obra. At iyon ang labis kong ipinapagmalaki sa aking mga kalaro.

Hanggang magdalaga na ako dumating ang isang suliraning sisira sa aming pamilya. Isang babae ang lakas loob na pumasok sa aming bahay at umastang pagmamayari nya ito. Walang nagawa ang aking ina para bang alam nya ang katotohanan. Kahit hindi umimik si mama ay parang alam ko na ang nangyayari.

Iniwan ako ni mama sa kamay ng aking ama at ng kanyang dating asawa. Oo tama kabet lang ang Mama ko at anak ako sa labas. Wala akong nagawa dahil pinangakuan ako ni mama na babalikan nya ako. Pero kahit na ganon ay hindi ako umaasa na babalikan nya ako.

Hindi naging maganda ang naging buhay ko sa kamay ng asawa ni papa lalo na sa dalawang anak nito. Oo ngat mababait sila kapag kaharap ang aming ama. Ngunit malubhang malulupit ito kapag nasa trabaho ang aking ama. Hindi ko magawang magsumbong dahil palalayasin ako dito.

Ilang buwan ang lumipas na hospital si papa. Ako ang pinatigil nila sa pag-aaral upang mabantayan si papa. Sa aming pagsasama sa hospital marami akong natuklasan. Mga bagay na lalong nagpalinaw sa aking isipan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 25, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Beyond True To LifeWhere stories live. Discover now