10

102 3 0
                                    

Binalingan ni Leo ang alak sa baso niya na hindi pa nababawasan. "Uminom ka na. Paminsan-minsan lang naman eh."
Nang balingan ni Ivy si Leo ay ngumiti ito sa kanya. Akala ko ba may problema ito? Bakit ngumingiti?  Nalaman niya ang sagot ng makita niya ang mga mata nito. He's drunk. Marami na itong nainom. "Drink with me and let's forget all about our problems. Come on. Just try it."
Nagsalin muli sa baso ang binata. Pinakatitigan niya ang bote at napagtanto niyang kakaunti na ang laman niyon. Itinaas nito ang hawak na baso at ngumiti sa kanya. "Cheers!"
Napilitan siyang hawakan ang baso at nakipag-toss sa kausap. Napangiwi si Ivy ng malasahan ang alak. Mapakla. Mapait.
"Sa una lang 'yan. Masasanay ka rin."
Mabilis na nilagyan ni Leo ng alak ang baso niya ng makapag niya iyon sa mesa. "Cheers for your second shot. Ilabas mo na lahat ng kinikimkim mong sama ng loob. I am ready to listen," masiglang udyok ni Leo sa kanya.
Ilang sandali niyang tinitigan ang laman ng baso habang nag-iisip. Why not? Di naman siguro masama na maranasan niyang uminom ng alak kahit minsan sa buhay niya. Baka sakaling mawala ang kalungkutan na nadarama niya. Itinaas niyang muli ang baso at tumingin sa binata. Ngumiti ito bilang encouragement sa kanya. "Para sa masayang bukas! Magkakatrabaho rin ako!" Sigaw niya at nakipag-toss kay Leo.
"Gusto kong maging proud sa akin si papa," mahinang sabi ni Leo bago tumungga ng alak.
"Akala ko, pagkatapos kong pumasa ng board exam, okay na lahat. Na madali na akong makakahanap ng trabaho. Pero hindi pala. Ayoko ng maging saleslady!"
"Hindi lang ikaw ang may problema sa buhay," wika ni Ivy. Kinuha niya ang nito ng alak at nagsalin sa baso. Iinumin na sama niya iyon ng pigilan siya ng binata.
"Masyadong marami yan. Bawasan mo." Inilapit ni Leo ang sariling baso sa kanya. "Hatiin mo. Isalin mo sa baso ko yung iba."
Hindi namalayan ni Ivy kung makailang baso siya dahil naubos niya ang natirang laman ng bote ng emperador light. Nagsimula na siyang makaramdam ng pananakit ng ulo samantalang si Leo ay tumigil na sa pag-inom. Mapungay ang mga mata nito na nakatunghay sa kanya. Leo smiled again. She smiled back. She doesn't know why but there's something inside her heart told her to smile back at Leo. Magaan ang pakiramdam niyang kasama ito. O baka dahil na sa epekto ng naiinom niya. Hindi niya alam.
Kumuha si Leo ng chichiria at isinubo iyon bago nagsalita. "Alam mo bang mas maganda ka kapag ngumingiti?"
Hindi maiwasan ni Ivy ang mangiti ng dahil sa sinabi ni Leo. Lasing na nga yata siya dahil pinaniniwalaan niya ang sinabi ng kapitbahay niya. "Hmm. I am not fishing for compliments," pahayag niya.
"I know you're not. But it's true. You're beautiful."
Napahagikgik si Ivy. Kay sarap pagmasdan ang nakangiting binata. Itinukod niya ang isang kamay sa mesa at sinalubong ang mga titig ng kaharap. Muli siyang ngumiti at ginamit ang isang kamay upang ilagay sa tainga ang mga buhok. "Thanks," malaki ang ngiting sabi niya.
"You're welcome," Nakangiting tugon ni Leo.
Pinutol ni Leo ang pagkikipagtitigan sa kanya at binalingan ang bote ng alak na wala ng laman. "Paano ba yan?  Wala ka tayong inumin. Inubos mo na."
Nawala ang ngiti niya at tiningnan ang bote. "A-ako ang umubos diyan?" Turo niya sa bote.
"Obviously."
Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa bote at kay Leo. "Grabe. Naubos ko pala."
Tumango si Leo at patuloy ang pagngiti sa kanya. Lasing na yata ito dahil kanina pa napapansin ni Ivy na hindi mapuknat ang mga ngiti nito. Napapansin din niya ang paglipat ng tingin nito sa mga labi niya. "Bakit ka ngumingiti?"
Nakangiting pinagmamasdan niya ang binata. Ito man ay nakangiting nakatingin din sa kanya. "Pumasa na ba ako?"
Bahagyang kumunot ang noo niya. "Ha?"
"I am asking kung pumasa ba ako sa evaluations mo sa akin?" Halatang amused na tanong ni Leo.
Lumuwag ang ngiti niya. "Oo naman."
"Ilan naman ang rating ko out of five?" He chuckled.
Kung out of five, ang ibibigay ko ay perfect! Perfect score ang magiging score mo sa akin. Five stars. Nawala ang ngiti niya ng may maalala. Naloloka ka na ba? Bakit five stars ang ibibigay mo? Madagdagan na naman ang kayabangan niyan, kontra ng kabilang bahagi ng isip niya. Okay. Sige. Babawasan ko.
Tumikhim muna siya bago sumagot. "Kung out of five, ang ibibigay ko ay... Hmmm. Ilan kaya?" Itinuro niya ang mga mata nito. "Maganda ang mga mata ko kaya sige, one point ka diyan." Humagikgik siya. "Sa buhok mong medyo magulo, I give you point eighty five. Ilan na 'yon?"
"One point eighty five,"nakangising turan ng binata.
"Sa ilong, one point. Sa tenga, one point din. Sa lips..." Napatulala, bahagyang nakaangat ang labi ni Ivy na nakatitig sa mga labi ng binata. Shet. Ang ganda ng lips niya. So sexy. So Delicious. Yum yum!  His lips twisted up, forming a sexy smile. Inusog ni Leo ang upuan nito palapit sa kanya. "Alam mo bang may gusto akong gawin ngayon?"
Pasimple niyang inilagay ang isang kamay sa baba para itikom ang bahagyang nakabukas na bibig. "Hindi ko alam. Ano ba 'yon?" Lakas loob na tanong ni Ivy.
"I've changed my mind. Mamaya ko na sasabihin. Gusto ko munang malaman ang buong rating mo sa akin. So, what's your rating on my lips?" Kumibot-kibot ang mga labi nito. Nag-pouty lips ito, sumimangot at muling ngumiti. "So?"
"Okay. Point ninety five para sa lips mo."
Sumimangot si Leo. Bahagyang nagsalubong ang mga kilay. "Saan naman napunta ang point five?"
Nakataas ang isang kilay na sinulyapan niya ang binata. "Bakit? Eh yun nga ang ratings ko. May angal ka?"
"Wala."
Pero kung hahalikan mo ako ay baka sakaling magbago ang isip ko at bibigyan kita ng five stars. "So ilan lahat ang total score?" Tanong ng dalaga.
Kinuha ni Leo ang cell phone at nag-commute. "Four point eight. Okay na rin."
"Ano nga pala ang sasabihin mo?" Tanong ni Ivy.
"Kapag hahalikan ba kita, magiging five ang ratings mo sa akin?" Seryosong tanong ni Leo ngunit hindi nakaligtas sa paningin ni Ivy ang bahagyang amusement sa mga mata nito.
Oh my. Nababasa mo ba ang iniisip ko? Muli niyang sinuri ang facial expression nito. Sa tingin niya, nagkataon lang ba parehong sila ng iniisip. Ngumiti siya. "Tingnan natin."
"Papayag kaya itong magandang dalagang kaharap ko?"
Mahinang tumawa si Ivy ng marinig ang sinabi ni Leo. "Sa tingin mo ba mapapapayag mo ako dahil sa pambobola mo?"
Umiling-iling ang binata. "Oh no. I am not kidding. Nagsasabi ako ng totoo."
Hindi mapigil ni Ivy ang bumungisngis. Tinitigan niya si Leo at ilang beses na kumurap. "Lasing ka lang eh."
"Nope. You are very beautiful." Hinaplos nito ang buhok niya. Pakiramdam ni Ivy ay nagsasabi ng totoo si Leo. O dahil lasing na siya kaya pinaniniwalaan niya ang lahat ng namutawi sa bibig ng binata. Napapikit si Ivy ng maramdaman marahan na haplos ni Leo sa buhok niya. Naamoy niya ang gamit nitong pabango. "Ang sarap namang pakinggan. Paki-ulit nga."
Muling ngumiti si Leo. Rinig ni Ivy na tumawa ang binata. Tumitig ito sa kanya. "You. Are. Beautiful. You're hair is so soft," puno ng emosyon na pahayag ni Leo.

Not Just A KissWhere stories live. Discover now