Done

88 2 0
                                    

"You can create a dare that can be done tomorrow or the next day. It's up to you kung paano mo siya gagawan ng dare. Deal?"
"Deal," sabay na sagot ni Madison at Denisse.
Ang nabunot ni Denisse ay si Madison. Ang nabunot ni Madison ay si Meredith. Ang nabunot ni Meredith ay si Denisse. Nagsimula na ang laro at unang tinuro ng bote si Madison.
"Oh, Madison, you are very lucky tonight. Truth or dare?" Tanong ni Denisse.
"Truth," walang pagdadalawang isip na sagot ni Madison.
"So, Madi, I've been noticing you staring at Javen recently. Do you like him?"
"Yes," nakangiting sagot ni Madison.
Parehas silang napatili ni Meredith dahil sa narinig.
"You know, girl, I think Javen likes you too," kinikilig na sabi ni Maredith.
Itinuloy nila ang laro at sumunod na tinanong si Meredith.
"Meredith, you have so many secrets. Grade 7 pa tayo magkakasama pero minsan ang ilap mo. Hindi ka palakuwento."
"I will ask you the same, of course. Truth or dare?"
"What's your question?" Tanong ni Meredith.
"I'd rather not say it until you choose," nakangiting sabi ni Madison.
"Okay. To make it fun and exciting I choose dare," sagot ni Meredith na deretso ang tingin kay Madison.
"Oh, you're brave, Meredith. On monday, at the flag rising ceremony, you have to lead a song leron leron sinta with matching dance steps. You'll be the star dancer at the morning exercise. Aagahan kong pumasok para makasama ako sa exercise. And you're right. It's going to be fun and exciting. See you there!" Pinipigil niya ang tumawa ng malakas.
Malakas ang naging tawa ni Denisse.
"What? How can be that song suitable for morning exercise?"
"I'm sorry, Meredith, but you have to make a way," nakangising sabi ni Madison.
"I never thought you have this mischievous side, Madison. So let's move on to me?" Agaw atensyon ni Denisse.
Inayos ni Meredith ang sarili bago nagsalita. "Of course, I can do that." Binalingin niya si Denisse. "Truth or dare?"
"Oh my," kunwari napahawak siya sa dibdib. "Am I scared?" Tiningnan niya si Meredith na nakatunghay sa kanya. "I shouldn't be. I think it's more fun to say dare," matapang na sagot ni Denisse.
Napataas ang kilay ni Denisse. "Are you sure?"
"Yes. I am always certain of my thoughts and deeds."
Ngumisi si Denisse. Time for revenge. "On Monday, you have to get Lemuel, the school president, your boyfriend for a day. I'm sure hindi yon tatanggi because he has a huge crush on you. Take a video while kissing him in the lips for thirty seconds. Give it to me on Monday lunch time."
Nakatitig lang si Denisse kay Meredith at hindi alam ang sasabihin. Huli na ng lubusan niyang maintindihan ang sinabi nito. Masyado siyang naging kampante at nagyabang. She should  not have chosen dare. "But... I have a boyfriend."
"Yeah. Can you change your dare, Meri? Alam mo naman na solid sila ni Leo," ani Madison.
"It's too late to back out, dear. Anyway, tayo lang naman ng nakakalam, eh. So you'll be safe."

"DID you cheat on me?" Galit at sakit ang nakikita ni Denisse sa mukha ng boyfriend.
Naiiyak na siya. Anumang oras ay dadapo na ang mga luha niya. Ngayon lang niya nakita si Leo na galit na galit. Gusto niyang pawiin ang sakit at galit sa mata ng binata. "No," aniya sabay iling.
Nanunuri ang mga tingin ni Leo sa kanya. Halatang nauubos na ang pasensya nito. "How could you say no samantalang nasa harap na natin ang ebidensya?"
Hinawakan niya ang binata sa braso para pakalmahin. "It's just a dare. A boyfriend for a day," nakayuko niyang sagot.
Nagsalubong ang mga kilay ni Leo at marahas na tinanggal ang mga kamay niyang nasa braso nito. "Hindi ko akalain na mgagawa mo sakin 'to, Denisse. Magkasama tayong lumaki. Paano mo akong naipagpalit sa simpleng dare?"
"I"m sorry." Nanginginig ang buo niyang katawan at umalpas ang pinipigil niyang mga luha. "Please give me another chance."
"Sana naisip mo yan bago mo ginawa ang gusto nilang ipagawa sa 'yo. Sana naisip mo ko." Pagkasabi niyon ay umalis na ang binata. Naiwan siya sa iaang sulok at patuloy sa pag-iyak.

Not Just A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon