Chapter Two

257 8 3
                                    

Bahagya ka lang na tumango sakanya bilang pagtugon sa mga sinabi niya patungkol sa pairing natin.

Hindi ka man lang nag-abala na hanapin at tingnan kung sino ba yung makakapareha mo.

Pero okay lang kahit medyo masakit.

Sanay naman ako na hindi napapansin. 

Isa pa, magkaiba kasi ang mundo natin, e.

Sa mundo ko, nag-eexist ka.

Sa mundo mo? 

Paniguradong wala ako don kasi malamang may ibang nakatira dyan sa mundo mo.

Napatingin na lang ako sa mga sticky notes na nasa ibabaw ng desk ko kasi alam kong papunta ka na dito sa puwesto mo sa likuran namin.

Ang hirap kasing pigilan yung nararamdaman.

Parang yung pagkakagusto ko sa'yo.

Ang hirap pigilan kahit alam kong wala namang patutunguhan.

Kahit alam kong masasaktan lang naman ako sa ginagawa ko.

Within a few minutes, natapos din yung professor ko about sa pairings na kanina pa binabanggit sa harapan namin.

She continued with the things that we need to do to finish our first project with our partners. 

She told us that we need to compose a song then we also need this to perform sa may quadrangle ng campus.

Actually, karamihan sa mga kaklase ko ay nagreklamo sa pinapagawa niya.

Isa na ako don.

Hindi ko nga alam kung bakit pa siya nagpapa-project ng ganito lalo na't alam niyang hindi ko naman kayang makapag-participate sa mga ganitong bagay kahit gustuhin ko man.

In the end, wala naman kaming choice kundi gawin yung pinagagawa niya.

Estudyante niya lang naman kami, e.

Pagkatapos niyang masabi sa amin yung deadline para don sa kantang gagawin namin ay maaga niya na kaming idinismiss para daw makapag-isip pa kami para sa project.

Agad namang nagpaalam si Rina sa akin kasi tinatawag na din siya ng kapartner niya.

Ngumiti na lang ako sakanya at nagsimulang ipasok yung mga sticky notes ko sa loob ng bag ko. Patayo na sana ako ng bigla tayong tawagin ni Ms. Inocencio.

"Can I talk with the two of you?" She asked.

I suddenly stood up when I heard that you answered her request. 

Paniguradong nagulat ako dahil bigla kang nagsalita sa likuran ko kaya napatayo ako at biglang tumigil yung mundo ko.

Nang bigla mo ding hawakan yung braso ko dahil kamuntik na akong ma-out of balance sa kalagitnaan ng pagtayo ko ng wala sa huwisyo.

I totally forced myself not to startle in front of you after this electricity that runs into my veins when you held my right arm.

Damn, I don't believe in this kind of things pero totoo pala yung kuryenteng nagaganap kapag nasagi ka o nahawakan ka ng taong gusto mo.

Hindi ko alam kung titingin ba ako sa'yo o hindi.

Kasi sa lakas palang ng tibok ng puso ko, hindi ko na alam kung ano ba dapat ang gagawin ko.

Do we need to stay like this?

Me looking at you.

And you, holding my arm?

Napatigil lang naman nung bigla kang magsalita. 

"Mag-ingat ka," then you let go of my right arm. "Mahirap mahulog nang walang sasalo sa'yo."

    ━━━━━━    

072518/1217

Silently Loving YouWhere stories live. Discover now