Chapter Three

113 9 0
                                    

Silence crept between us.

Ang awkward, to be honest.

Hindi naman kasi ako makapagsalita.

Hindi ko naman kasi kayang sagutin yung mga sinabi mo.

Actually, my heart was about to drop mentally because of you.

Atsaka, halata naman na abala ka sa pagsalo don sa puso ng taong gusto mo.

Kaya saan pa ako lulugar kahit ang laki-laki na ng google map?

Umubo na lang ako ng kaunti para naman may dahilan ako upang maputol yung awkwardness na namumuo sa pagitan natin.

Tumango na lang ako sa'yo bilang pag-acknowledge ko don sa mga sinabi mo sa akin.

Nauna na din akong pumunta sa desk ni Ms. Inocencio kasi kapag ikaw pa yung hinintay ko, baka tuluyan na akong kainin ng sistema mo. Hays.

Naramdaman ko namang sumunod ka lang sa akin at nag-stay lang sa may likuran ko.

Sana kaya mo ding mag-stay nang pang-lifetime sa akin, no?

Kaso hanggang dito lang naman tayo, e.

Baka nga mahaba na yung sampung minuto na manatili ka sa likuran ko—kung saan malapit ka sa akin.

Inayos muna ng professor natin yung salamin niya bago siya tumingin sa ating dalawa.

"First of all, I wanted to let you know that I'm not doing this project for the both of you and your block mates dahil gusto ko lang," she started.

"I'm doing this because one of the founder of this university told us that one of the blocks from CHC111 will compose and perform a song in front of them in quadrangle." She continued.

I just nodded slowly to her to show that I understand all the things she mentioned to us. 

Tumingin yung professor ko sa akin at saka nagsalita. "I know, it's hard for you to do this project because of your situation, Ms. Rivera. But don't worry, I picked Mr. Zobel for you to help you out on this project."

Natanggalan ako ng tinik sa kalooban ko ng marinig ko yon.

Pero sana noon ka pa niya pinili para sa akin, no? 

Para hindi ka na mapunta kung kani-kanino. 

Kaso malabo palang mangyari yon.

As in sobrang labo na mas malabo pa sa plastic labo.  

"Can you guys work on this one?" She asked us. "Ikaw ang magco-compose ng kanta, Ms. Rievera and then you will be the one who will sing in front of them." She continued while she's looking at you and waiting for your response.

I was about to nod but you answered her.

"Sure, I'll do that," you stated. "I'll sing in front even though I'm a tone deaf person as long as hindi babagsak yung grades nung ka-partner ko because of this."

    ━━━━━━    

080518/20:23

Je hebt het einde van de gepubliceerde delen bereikt.

⏰ Laatst bijgewerkt: Aug 05, 2018 ⏰

Voeg dit verhaal toe aan je bibliotheek om op de hoogte gebracht te worden van nieuwe delen!

Silently Loving YouWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu