TABOO 34

89.1K 1.4K 142
                                    

“Letting go means to come to the realization that some people are part of your history but not part of your destiny….”

 

PART THIRTY FOUR

 

Yika’s POV

 

*bumukas ang pinto*

Nagkatitigan kami ni Damon..

“anong ginagawa mo dyan..?” he asked…

Bakit ako nandito..?

Bakit nga ba..?

Actually hindi ko rin alam….

Para kong tanga na naghihintay sa paglabas nya.. kahit alam ko na may kalampungan syang iba..

Yung mga paa ko kasi hindi ko maihakbang..

Hanggat maaari ayokong magalit sa kanya… Kailangan ko ding magpanggap na ‘MANHID’ para kahit harap harapan na akong nasasaktan.. ‘Kunwari hindi ko nararamdaman…’

“Uhmmm ano kasi-----“ nag isip ako ng madadahilan pero kapag sinusubukan kong tumingin sa mga mata nya bumabalik pa rin ang mga eksena kanina..

“Hon let’s go na…” that’s Vanessa.. kumapit pa sya sa braso ni Damon..

Ayan na naman.. para na namang hiniwa ang puso ko..

Akala ko noon sa mga cheesy pocketbooks lang ang mga ganitong description pero kapag ikaw na ang nakakaranas sobrang sakit pala..

“We have to go yika…” nagmamadali si Damon.. Mukhang awkward  din sya sa sitwasyon..

Dahil nakaawang ang pinto nasilip ko na hindi pala nila nagalaw ang mga pagkain na nasa tray..

“wait…h--hindi ba muna kayo kakain..?” Baliw ka talaga yika..! nagawa mo pang mag alala sa kanila..

 “nope.. sa labas na kami kakain.. ihahatid ko lang si Vanessa…”

“uh okay…”

“Let’s go…” he gently smiles at the girl… Magkahugpong pa ang kanilang mga kamay habang papaalis…

~~~~~~~#####~~~~~~~

Simula ng magbalik si Damon.. I expect na magiging maayos na ang lahat..

Pero mali pala…

I don’t know naging isa na kasi syang ladiesman..

Ibat ibang babae ang laging kasama nya..

Minsan nga nahuli pa namin sila nila Jade at Sofia sa parking lot ng isang mall..

TABOO [FIN]Where stories live. Discover now