CHAPTER 17

432 8 0
                                    

CHAPTER 17

 

NAKABALIK na sila mama galing sa pamimili. Ang ingay-ingay ng dalawa. Nag-aaway kung sino ang gagawa ng maja de blanca. Abot sa silid ko ang kaingayan ng mga bruha. Hindi ba nila alam na natutulog ang kapatid namin. Sasapakin ko na talaga ang mga babaeng 'yon.

Dahan-dahan kong inalis ang kamay ni ate sa pagkakayakap sa akin. Pinalitan ko iyon ng malambot na unan.

Lumabas ako ng kwarto at sa kusina na dumiretso. Gaya ng sabi ko kanina. Sinapak ko talaga silang dalawa ng malakas sa braso. Nagsalubong ang kilay nilang dalawa at hinimas-himas ang brasong sinapak ko.

“Ang ingay-ingay ninyo. Natutulog si ate Glenda.”

“Abot hanggang do'n ang boses namin?” tanong ni Grace.

“Ay hindi! Papagalitan ko ba kayo kung hindi ko naririnig ang boses niyo? Nag-aaway sa paggawa ng maja de blanca. Babaw niyo 'ha.”

“Sorry na nga.” sabay nilang wika.

“Nasaan si mama at papa?” bulong na tanong ko sa kanila.

“Nasa labas at bakit ka ba bumubulong?” ani Grace.

“Samahan niyo ko mamaya sa bahay nila Dale, 8pm. Okay?”

“Anong gagawin natin doon?” si Gwenyth na naman ang nagtatanong at medyo malakas ang boses niya.

Pinalo ko siya ng mahina sa braso. “Pwedeng pakihinaan boses mo?”

“Sorry ulit.” aniya.

“May importante akong sasabihin pero hindi pwedeng sabay tayo pupunta doon. Ako ang mauuna, kayo na ang mag-usap kong sino ang susunod basta 8pm kailangan nandoon na kayo.,”

Tumango silang dalawa. Sa tingin ko ay naiintindihan nila ang ibig kong sabihin. Sana nga.

Kinahapunan nagpaalam ako sa kanila papa na aalis muna pero hindi ko sinabi kung saan. Salamat naman at wala na silang maraming tanong. Noon kasi hindi nila ako pinapayagan na umalis ng bahay na 'di nila alam kung saan ang aking destinasyon. Minsan nga ipinapasama pa nila si ate o kahit na sino sa mga kapatid ko pero kadalasan ay ipinagtatanggol ako ni ate Glenda.

Nasa labas na ako ng bahay ni Dale. Kanina ko pa siya hinihintay. Ang sabi niya kasi kanina sa text ay makakarating siya before 7 pm ngunit lagpas seven na at wala pa rin siya

Tinext at tinawagan ko rin siya pero walang sagot. Ano na kaya ang nangyari sa isang 'yon? Baka naaliw sa party kaya hindi makakauwi. Kapag siya hindi dumating ng eight aalis na ako. Ang daming lamok dito sa labas.

Uupo na sana ako nang makarinig ng pagtawag sa pangalan ko. Finally, he's here. Tumayo ako para salabungin siya nang bigla lang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Napatigil ako sa paghahakabang at hinawakan dibdib ko.

Si Dale na ang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. I hugged him back. I missed him kahit isang araw lang kaming hindi nagkita.

“So anong problema at ipinabalik mo ko dito kaagad? Namiss mo ko noh?”

“Hindi kita ipinabalik dito. Ang sabi ko sa'yo usap tayo bukas. At hindi kita namiss.” usal ko.

Umakbay na lang siya sa akin at pinisil pisngi ko.

“Akala ko may problema ka kaya napauwi ako agad to comfort you.”

Tumahimik na lang ako hanggang makapasok kami ng bahay. Umupo ako sa sofa at tumabi siya sa akin. Napabuntong-hininga muna ako ng tatlong beses at humarap sa kanya.

We are NEVER meant to Be (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora