Get Together

5K 63 11
                                    

Kanina pa ko dito. Ang tagal naman nila magstart, Sabi nila 3pm. Nandito na ko ng 2:30pm para nasa harap. Pero ang dami na rin palang tao, wala ding kwenta.

Past 3 na, Wala pa rin sila. Hanggang anong oras ba kami magaantay dito? Ang layo pa kaya ng binayahe ko. Ay sus. 

"Ano ba yan Nikka, Ang tagal. Uwi na tayo, Gagabihin tayo eh." Narinig kong sabi ni Bea.

"Saglit na lang, please? if wala pa sila ng 3:30, promise! uuwi na tayo." Sabi ko. Please chicser, Pakibilisan.

First GT ko kasi to, Ang layo ko kaya. From Laguna pa ko. Mahirap bumyahe, no. Para to sa chicser tapos di ko sila makikita? 

Bwisit naman yun.

"Grabity, Gagabihin tayo neto. Tara na, Next gt or bukas ka nalang umattend. Nasa SM Masinag naman sila eh." Sabi ni Camille.

"As If naman makakapunta pa ko sa SM Masinag bukas. Di na kaya ng bulsa ko yun. Pamasahe pa lang, pamatay na." 

Nagsalita na bigla yung girl sa stage. tumayo na ko then lumapit dun. Wala pa yung chicser pero atleast na sisimula na yung event diba?

May dance showdown ata. Naghahanap sila ng mga sasali, at kailangan umakyat sa stage. Dude, Kung makapal lang tong mukha ko eh. 

"Omg, Hala dali Niks, Sumali ka na!" Tinutulak ako ni Camille.

"Ayoko nga. Nakakahiya kaya." Sabi ko.

"Ay gaga, ngayon pa nahiya to. Walang hiyaan dito no. Paano ka mapapansin ng chicser? Dali na." Sabi ni Bea.

Totoo yun pero.. Nakakahiya sumayaw sa stage. Lalo na't wala naman akong kakilala dito sa gt maliban dito sa dalawang to. Yung Tshirt na may autograph. Gustong gusto ko talaga yun. Hayy, Bakit ba ko mahiyain ulit?

Edi ayun, Nagstart na sila ng mga sayaw, Teach me how to dougie daw. Ang galing nila ate. Ayy, Wala akong panama diyan. OP ako. 

Natapos na yun, Nanalo yung isang ate. Binigay na sa kanya yung tshirt. Then nagtanong yung host kung sinong mga galing sa malalayong lugar. Edi super duper taas na ko ng kamay dito, Dahil Malayo talaga ako dude. 

"Ate! Ako!!! Laguna pa ko!!" Sigaw ako ng sigaw, mapapaos na ko.

Pinaakyat ako sa stage with Bea and Camille. Tinanong ni Kuya age namin

"I'm 16" Sabi ni Camille

"14!" Sagot ni Bea

"15 po" Sabi ko with a smile.

"Pinayagan ba kayo ng parents niyo dito?" Tanong niya.

"YES NAMAN!" Sigaw ni Bea.

Then ayun, ang dami na namin sa stage. Kaso di ko rin nakuha yung tshirt. Kasi taga zamboanga si ate. Sila na, Okay. Bumaba na kami. Balik sa dating pwesto. Then biglang nagtakbuhan dun sa likod. Kala ko nandun ang chicser, tumakbo din kami ni Camille. Naiwan si Bea dun. 

Crazy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon