Chapter 27: The Vault

24.6K 412 11
                                    

Pierce's POV

Isang buwan at mahigit na naming kasama ni Eliza ang kambal. So far hindi naman naiinip ang kambal dala na rin marahil ng video games na nabili namin ni Eliza para lang hindi sila mabore.

Matinding bilin ni Athena na hindi pwedeng buong araw na nasa video games ang anak nila pero anong gagawin ko kung bored na bored na sila dito sa resthouse?

"Tito Pierce." Napalingon ako sa pinto kung nasaan si Niccolo. Inaanak ko siya sa kabarkada kong si Wilson. Umalis ang mga magulang niya at nagpunta abroad at sa akin iniwan ang batang to.

"Bakit Niccolo? May problema ba?" Tanong ko sa bata.

Tinuro niya ang kambal na abalang naglalaro ng xbox sa sala. Anong problema niya sa kambal?

"What's the matter?"

"Ayaw nila akong pasalihin. Lalo na si Avery. She said that I shouldn't get close with her twin. I can't understand why I shouldn't be close with them. Are they mad at me tito?" Medyo naluluhang tugon ni Niccolo.

Naku naman. Ilang araw na bang nakakatikim ng pagsusungit ni Avery itong si Niccolo. Magmula ng dumating tong si Niccolo dito sa amin, palagi na niyang inaaway si Niccolo. Kung hindi ko lang nakilalang masungit si Avery, malamang iisipin kong nagpapapansin yun kay Niccolo.

"No Niccolo. Baka kasi hindi sila sanay na may kaibigan silang lalake. All their lives, parents lang nila ang kasama nila. Just approach them in another way Niccolo." Tumango-tango naman si Niccolo.

"Guys, merienda!" Sigaw ni Eliza na ikinalingon namin ni Niccolo. Patakbong lumapit si Niccolo kay Eliza at nakisalo sa kanila para kumain ng meryenda.

Ganito lang ang buhay namin dito. Araw-araw din kung tawagan nila Andrew at Athena ang mga anak via skype. Chinecheck nila kung maayos ba ang kalagayan ng kambal. Hindi naman kami nagpapabaya ni Eliza sa pag-aalaga sa kanila.

Mahirap na! Baka mapatay kami ng mga magulang nitong mga to. Sayang naman ang lahi namin ni Eliza kung ganun.

"Hindi ka ba magmemerienda Pierce?" Tanong ni Eliza. Hindi ko napansing nakalapit na pala siya sa akin.

Umiling ako. "Busog pa ako. Yung mga bata na lang muna ang pakainin mo."

Bumalik na siya sa loob at dinaluhan ang mga bata. Hindi ko naman maiwasang pagmasdan silang lahat habang abala sila sa pagkain.

"Tita!! Kinuha ni Avery yung tinapay ko!" Sigaw ni Niccolo.

Hindi sumagot si Avery at sa halip ay pinagpatuloy lang ang pagkain ng tinapay na kinuha niya mula sa plato ni Niccolo.

"Avery ..." May halong pagbabanta sa boses ni Eliza. Mukhang handa na siyang pagalitan ito.

Inabot ni Amber ang isang tinapay mula sa plato niya kay Niccolo. "Here oh. Sayo na lang. Wag ka ng masad. Smile ka na." Nakangiting saad ni Amber habang inaabot ang tinapay kay Niccolo.

Nakatulala lang si Niccolo kay Amber habang nakalahad sa kanya ang kamay na may tinapay. Maya-maya napansin ko na ang pamumula ng mukha ni Niccolo.

Anak ng! Kabata-bata pa lumalandi na?

"Thanks A-Amber." Hutang matamis yan! Nauutal pa? Anong akala ng batang to? Binata na siya?

"Your welcome!" Masiglang ganti ni Amber. Malamang walang kamuwang-muwang tong si Amber na may crush sa kanya tong si Niccolo. Kahit naman hindi ko itanong, halata na sa inaanak ko. Tsk.

Nagulat ako ng biglang kagatin ni Avery sa kamay ni Niccolo yung tinapay na binigay ni Amber. Natulala kaming lahat sa ginawa ng batang yun. Ganun ba siya kasabik sa tinapay at pati tinapay ng ibang tao kakainin niya?

Mr. and Mrs. Gangster BossWhere stories live. Discover now