Chapter 31: The Introductory Party

28.5K 435 12
                                    

Athena's POV

Nakatingin lang ako sa function hall na pagaganapan ng Introductory Party ko bilang pinuno ng BPS. Kitang-kita ko ang pagiging abala ng lahat sa hall.

Maya-maya lang ay magsisidatingan na ang mga bisita at magaganap na ang pangyayaring magtatakda sa kapalaran ng dalawang grupo.

Bago kami makarating dito, inayos ko muna ang lahat ng dapat ayusin para maging matagumpay ang gabing ito.

Hindi lang para sa akin at sa BPS. Ang lahat ng ito ay para na rin sa ikapapayapa ng buong Nine Flowers at ng mga bumubuo sa mga grupo namin.

FLASHBACK
A few hours ago sa BPS Headquarters

Pinatawag ko ang lahat ng miyembro ng BPS para sa isang mahalagang pagpupulong. Hindi sila sanay na nagpapatawag ako ng meeting pero kinailangan ko tong gawin para masigurong magiging maayos ang lahat para bukas.

"Gusto kong maghanda kayo ng mga armas para bukas." Saad ko sa kanila.

Napakunot ang noo nilang lahat.

"Bakit pinuno? Sigurado naman kaming magiging ligtas ang pagtitipon bukas. Bakit kailangan pa naming magdala ng armas?" Takang tanong ni Krizza.

"Mabuti na yung sigurado tayo. Ayokong magpakasiguro dahil mamaya malusutan tayo." Tinignan ko ang mga miyembro ng grupo na nagdadalang-tao. "Yung mga buntis diyan ay hindi maaring dumalo sa nasabing pagtitipon."

Nagkatinginan sa isa't-isa ang mga babae.

Hindi ko naman maiwasang pangaralan ang sarili ko sa isip ko. Ang lakas ng loob kong pagbawalan ang mga buntis pero isa ako sa mga buntis sa grupo.

"Ynares, gusto kong maghanda ka ng emergency escape plan. Kailangan ko yun mamaya sa huling meeting na gaganapin sa kwarto sa function hall ng venue." Tumango naman si Ynares.

"Amarie, gusto kong gawan mo ng paraan na makapasok ang zodiacs sa venue nang hindi nahahalata ng mga bisita." Napakunot ang noo ni Amarie.

"Pero pinuno, kilala ng lahat ang miyembro ng Nine Flowers. Mahihirapan akong papasukin silang lahat." Naisip ko na rin yan pero alam kong magagawan niya ng paraan iyon.

"Kaya mo yan Amarie. May tiwala ako sayo." Binalingan ko ng tingin si Paige. "Paige, gusto kong ihanda mo ang mga sasakyang gagamitin. The faster, the better."

Kitang-kita ko na ang kaguluhan sa mga mukha nila. I am instructing them and yet they don't know what are the real plans.

"Sa iba, manatili kayo sa loob ng function hall at bantayan ang mga preparasyon para sa pagtitipon."

Matapos kong ipaalam sa kanila ang dapat nilang gawin, iniwan ko sila sa conference room.

END OF FLASHBACK

Napabuntong-hininga ako at nilapitan ang side table ng kwartong kinalalagyan ko. Kinuha ko doon ang isang pistol.

Ibinigay ni Andrew sa akin ang baril na ito dahil hindi siya makakarating sa pagtitipong ito dahil may ibang iniutos sa kanya si ZD.

FLASHBACK
One hour after the meeting of BPS

Ang seryosong mukha ni Andrew at ZD ang nadatnan ko sa loob ng King's Cafe. Nakadisguise si Andrew. Nakasuot siya ng isang leather jacket, shades at maong pants.

Hindi ko alam kung disguise pang matatawag yan lalo na at kahit sa malayo, nakikilala ko siya.

Nilapitan ko ang mesa nilang dalawa at agad kong napansin ang pagtaas ng kilay nilang dalawa.

Mr. and Mrs. Gangster BossWhere stories live. Discover now