CHAPTER ONE

9 1 0
                                    

PROUD BROTHER

----------

Mccazo, Nianna Aria Garcia. Cum Laude. Hearing those words are one of the best moment of my life. Isinabit ni Daryl ang aking medalya na nagsisimbulo na tapos na ang mga paghihirap ko.

Pagkababa namin sa stage ay agad akong binati ng mga taong kasama ko sa buhay.

"Congrats, Aira. You've made it!" Michael said.

"We're so proud of you, Aria." ani Alondra. "C'mon guys. Let's take pictures."

Ginawa nga namin ang sinabi ni Alondra. Una ay ang kaming lahat sumunod ay ang tig iisa nilang pictures kasama ako. Matatapos na sana kami ng humirit pa si Shaira na dapat daw ay marami kaming shots ni Daryl dahil para sa kanya ang lahat ng ito.

Sinunod din namin ang suhestiyon ni Shaira. Una ay ang pormal lang kami ni Daryl ngunit bigyan daw namin ng twist kaya kung ano-ano ang pinaggawa namin.

Merong nakaakbay si Daryl sa akin, Ang pagsuot ni Daryl ng Toga at medalya ko, Merong pareho kaming nakatalikod ngunit nakahawak kami pareho sa bewang ng isat-isa habang nakahalik si Daryl sa aking ulo, at ang pinakahuli ay nakangiti ako ng hanggang tenga habang hawak ang aking medalya at si Daryl naman ay nakangiti rin ng tulad ko ngunit nakahalik sa aking noo habang nakapikit.

"Nakakaproud ka naman, Aria!" naluluhang bati ni Shaira matapos kumuha ng mga litrato. Niyakap ko siya bilang pasasalamat. "Edi mas lalo si sir Daryl, the proud brother of Mccazo, Nianna Aria." ginaya pa niya ang pagsasalita ng emcee kanina.

"Of course." pagmamalaki ni Daryl. "I'm so proud of you, baby." hinapit niya ang aking bewang sabay halik sa aking noo.

Sabay sabay namang naghiyawan ang lahat dahil sa ginawa niya.

"Salamat. Hindi nyo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon and to think that you're all here to support me." Naririto ngayon si Alondra, ang kaniyang boyfriend na si Michael, Shaira at siyempre ang tumulong at tinrato ako na parang isang kapatid: Daryl.

Hindi ko alam kung sapat ba ang salitang salamat para masuklian ang lahat ng kabutihan niya sa akin pero gayun pa man, paulit ulit kong sasabihin ito para ipakita ang aking pasasalamat. "And especially to this man," I clung to his nape. "Thank you. For everything." i looked deeply in his eyes as he is.

"Oh, tama na yan at baka saan pa yan mapunta. Mamaya na ang graduation sex." nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Michael ngunit sinuntok lamang siya ng pabiro ni Daryl.

Sanay na rin kami sa kabastusan ng bunganga niya. Actually, parehas lang sila ni Daryl. Ang pinagkaiba lang ay ayaw niyang naririnig ko ang mga 'yon kaya iniiwasan niya talaga lalo na kapag magkasama kami.

"Asshole!" bulong niya pero rinig na rinig ko naman. "Wag mong dumihan ang utak ni Ria. Baby pa 'yan." tumatawang tugon ni Daryl habang ginugulo ang buhok ko.

"Ano ba! Hindi na 'ko baby kaya tigil-tigilan mo yang pangbebaby mo sa 'kin." pagbabanta ko na 'di niya lamang pinansin.

"But you'll always be my baby." Lilinya na nga lang, lyrics pa.

May ilan pang mga kaklase at kaibigan ko ang nagpalitrato sa 'kin. Isa-isa rin nila akong binati na talagang nagpataba ng aking puso. Papaalis na sana kami ng mapansin naming pinagtutulakan si Lance ng mga barkada niya. Siya naman ang Magna Cum Laude sa amin.

"Hi Lance!" Inabot siya ng tukso sa pagtawag ko sa kaniya. Usap-usapan kasi dati sa room namin ang pagkakagusto raw sa akin ni Lance ngunit hindi ko lamang pinagtuunan pansin 'yon dahil para sa akin ay isang mabuting kaklase at kaibigan lamang siya. Hindi niya rin naman ako sinubukan pormahan o kung ano pa man. Gayun pa man, binibigyan nya rin ako ng regalo kapag may mga okasyon tulad ng birthday ko, valentines o holidays. "Congrats nga pala." pagbati ko.

Spark (On-going)Where stories live. Discover now