CHAPTER TWO

9 0 0
                                    

PLANS

------------

Nandito pa ako ngayon sa cafe ni Daryl. Alam kong ilang beses niya na akong sinabhihang 'wag na raw ako magtratrabaho dahil siya na raw ang bubuhay sa 'kin. Kung makapagsalita ang unggoy na 'yon ay akala mo girlfriend o asawa niya ko para buhayin. May plano pa naman akong umalis sa puder niya lalo na't nakapagtapos na rin naman na ako.

After i graduated, pakiramdam ko mas kaya ko na. Mas may lakas na ko ng loob para gawin ang mga bagay-bagay. Isa pa't, ayoko naman umasa lang kay Daryl habang buhay. Lalo na kapag nagkaroon na siya ng sarili niyang pamilya na hindi maitatanggi. Kailangan ko nang tumayo sa mga sarili kong paa at tahakin mag isa ang aking hinaharap.

"Ma'am Aria, pinapatawag daw po kayo ni sir Daryl." ani Kim. Bago lamang siya rito sa cafe at pilit niya akong tinatawag na ma'am dahil kapatid daw ako ng boss niya.

"Ano ka ba, Kim. 'Di ba sabi ko sayo ay wag mo na akong tatawaging ma'am? Pareparehas lang naman tayo ng trabaho dito." tumango na lamang siya sabay kamot sa batok dahil sa hiya.

Ang ilan kasi sa mga bagong waiter, waitress at crew dito ay iniisip na totoong kapatid ako ni Daryl o 'di kaya ay bilang kasintahan. Hindi ko rin naman sila masisisi dahil sa landing taglay ng unggoy ay napagkakamalan na kaming ganoon.

"Sir, pinapatawag niyo raw po ako?" bati ko na agad namang nagpakunot ng noo niya.

"What's with the sir and po?" I rolled my eyes with his question.

"Sir Daryl, nasa trabaho po tayo. Working hours po ito at boss po kita rito. Ginagalang po kita dahil boss kita." Hinatyin mo lang na maka uwi tayo at babatukan kita.

"Tsk. It's not like we have others here. You know what, dito ka nalang ata bumabait sa akin. Kapag working hours."

"Kung gusto mo kong magpakabait sayo ay magtino-tino ka rin kasi. Hindi nakakabawas ng kagwapuhan ang pagtitino Mr. De los Reyes."

"Why is it i really find it so sexy when you call me by my surname?" Malandi ka kasi.

I rolled my eyes again. "Sir, kung pinatawag niyo lang po ako para kakwentuhan ay babalik na po ako sa trabaho." papaalis na ko ng higitin niya aking braso ko.

Bakit ba ang hilig mo manghigit ng braso? Pag ako talaga nabalian, lagot ka sa 'kin!

"It's our birthday next week. Anong plano natin?" tanong niya sabay pulupot ng braso sa aking bewang.

Tsk. Sawa.

Hindi kasi nagkakalayo ang kaarawan namin. Ika-24 ng oktubre ang kaniya at limang araw mula rito ang aking kaarawan naman.

"Ikaw? Ano bang gusto mo?" nagliwanag naman ang mukha niya sa tanong ko. "Dars, kung plano mong paghandaan ang akin ay huwag na. Ayos na sa 'kin 'yong tayo-tayo nalang."

Bumuntong hininga siya. "Fine. As long as I'm with you, that's the greatest gift i would ever had." He kissed my forehead after saying those lines. "Do you want to have a vacation? How about let's go to boracay and celebrate there our birthday?" masaya nitong suhestiyon. "We can do: Island Hoping, Scuba Diving, Kite Surfing and more!"

"Dars... Gastos lang 'yan." I see how disappointed he was when i refuse to his plans. "Fine. Basta ipangako mong ibabawas mo sa sweldo ko ang ilan sa mga gagastusin natin?"

"Bakit ba napakabait mo?" Nang-uto nanaman ang unggoy.

Kailangan ko na rin mag-isip ng ireregalo ko kay Daryl. Nung unang kaarawan niya na kasama ako ay wala akong nairegalo sa kaniya.

Nang mga sumunod naman ay isang set ng mug na puro characters sa star wars. Nalaman ko kasing nangongolekta siya dahil kay Alondra at nang makita namin na lilitaw lamang ang disenyo nito kapag mainit ang inilagay mo rito at kung hindi ay purong itim lamang ito.

Ilan din sa mga nairegalo ko sa kanya ay anklet bracelet. Custumized ito nang bilhin ko dahil nang pumunta kami sa ibang lugar na programa ng aming paaralan.

At ang pinakahuli ay mga damit. Customized din ito ngunit nang malaman ni Daryl ang regalo ko ay ipinilit niyang gawin nalang na brothers shirt daw namin ito at dahil kaarawan niya ay wala na akong nagawa. Tatlong klase ito, ang isa ay jacket na ang kanya ay kulay dark blue at may nakalagay na 'The Boss' ang akin naman ay kulay pink at may nakalagay na 'The Real Boss'.

Ang isa naman ay tee shirt na kulay puti ang akin na may 'I Like His Beard' at itim ang kanya na may nakalagay na 'I Like Her Butt'. Nung una ay pinagalitan ko pa siya dahil sa kabastusan ng naka-imprenta sa kanya ngunit wala rin akong nagawa.

At ang panghuli ay isang seaweed colored tank top sando. Parehas na malaki ang butas nito sa gilid kaya kailangan ko pang mag tube bra kung isusuot ito. May naka imprenta na 'De los Reyes'' sa akin at 'De los Reyes' naman sa kaniya.

Hindi ko alam kung anong kabaliwan ni Daryl nang maisip ang mga 'yon pero kung 'yon ang magpapasaya sa kanya ay willing akong gawin. Alam kong walang laban ang mga iniregalo ko sa kanya kumpara sa mga natatanggap niya sa ibang tao. Kung presyo lang ang basehan ay baka wala pa ako sa katitingting ng mga 'yon. Pero sa tuwing ikukumpara ko rin ang mga ito ay palagi akong pinaalalahanan ni Daryl na kahit ano at magkano pa man ito, basta galing sa akin ay buong puso niyang tatanggapin.

Ngayon ay panibagong problema nanaman ang haharapin ko.

Taon-taon nalang ako namromroblema dahil sayo Mr. De Los Reyes. Sakit ka talaga sa ulo!

Matapos naming pagplanuhan ni Daryl ang magaganap sa kaarawan namin ay bumalik na rin ako sa trabaho.

"Caramel Macchiato for Mr..." hindi ko agad natuloy ang pagbabasa nito dahil agad akong pinamulahan. "Ko." ngunit walang lumapit kaya napilitan akong ulitin na lamang ito. Trabaho Aira! Trabaho! "Caramel Macchiato for Mr. Ko!" may ilang lumingon at ang iba naman ay kinilig. Ano namang nakakakilig don? May umorder ba talaga nito? Ilang beses ko pa itong sinigaw ngunit wala muling lumapit kaya itatawag ko na sana sa manager namin nang may isang lalaki ang lumapit.

"Yes misis ko?" Tanong nito. Nakajacket ito ng dark blue at slacks na black. Nakasoot din ito ng shades habang nakalagay ang hood ng jacket nito at pinapatungan ng cap. Kahit na balot na balot ito ay halata mong may itsura pa rin ito.

"H-here's your order s-sir." bahagya niyang ibinaba ang kaniyang shades sabay kindat sa akin.

Hindi ka nga nagkakamali Aira, he's freaking hot!

"Back off, Dude. She's taken." singit ng lalaking nasa likod nito.

Napasinghap ako ng makita ko sino ito. "M-michael! Anong ginagawa mo rito?" gulat kong tanong.

"Can i talk to you for a while?" he asked that i immediately agreed.

"Para san ba ang gusto mong pag usapan natin?" kuryoso kong tanong.

"Hindi ko alam kung papaano ko ito sisimulan, alam mo naman siguro kung gaano na kami katagal ni Alondra at matagal na rin akong nagpaparinig na gusto ko nang lumagay sa tahimik." I think, i'm getting his point. "Aira, nung una ko siyang makilala ay pinangako ko nang siya lamang ang una at huling babaeng mamahalin ko. Siya lang ang nakapagpasaya sa akin ng ganito. Gusto ko siyang maging ina ng magiging mga anak ko."

Oh my gosh... Is he...

"I'm planning to propose to Alondra. Will you help me with that?" mabilis at halatang kinakabahan niyang tanong.

Agad naman akong kinabahan? Na-excite? Natuwa? Nalungkot? Hindi ko alam kung papaano ko ipapaliwang ito. Pakiramdam ko ako ang yayayain ni Michael magpakasal. Sobrang saya ko para sa kanila.

Ilang taon na rin kasi silang magkasintahan at hindi na ko magkakataka kung gusto na nilang lumagay sa tahimik. Michael is really perfect for Alondra. Alondra is really lucky to have a guy like him.

Pero may sobrang masasaktan sa plano nila. May sobrang mawawasak sa gagawin nila. Kaya kahit anong mangyari ay hindi ko siya iiwan at dadamayan ko siya hanggang sa matanggap at kayanin na niya.

"Y-yeah..." tama ba itong gagawin ko? "S-sure!" bahala na. Parehas silang parte ng buhay ko at hindi ako magpapaka-bias dahil lang sa isa.

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Jan 03, 2019 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

Spark (On-going)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang