Chapter 66: Frozen Bond

115 3 0
                                    

The day after the Assult
Ruins of Shadowlands

Saktong nagising si Corby na nakayakap sa isang kumot. Nanlaki ang mata nya nang napansing wala si Ash sa tabi nya, Kaya agad syang bumangon para hanapin ito.

"Ash?? Ash!!!". Sigaw nya sa buong Shadowland, lahat naman ay abala sa pag aayos ng gamit para sa pagpunta nila sa Sapphira matapos nyang gamutin ang mga sugatang prisoners, mga Royal knights at Fairy knights. Patuloy pa din sya sa pag takbo at pagsigaw, pero hindi pa din nya mahanap si Ash.

Sinalubong sya ng 5 High Tower Prisoners sa pangunguna ni Chris, the Harpy King. "Anong problema, Sir Corby?".

"May maitutulong ba kami?". Sunod ng Minotaur.

"Ou! Ahhm, pag gising ko kasi wala na si Ash sa tabi ko eh, hinahanap ko nga sya, nakita kong ubos na din ang apoy sa Bonfire, kaya baka nagugutom na naman sya kaya sya naghanap ng makakaeng apoy, nag aalala na ko pakiusap kailangan natin syang mahanap bago tayo umalis dito". Nag aalalang sabi ni Corby sa mga kausap nya.

"Maghiwa hiwalay na tayo para mapadali ang pag hahanap natin" sabi ni Chris sa nya masama saka tumingin ulit kay Corby. "Maasahan mo kami dyan, we'll find him".

"Salamat, dito muna ko pupunta sa Ruins baka nagtatago na naman sya doon. Balitaan nyo ako". Nag nod ang lahat saka nag hiwahiwalay.

Muli syang tumakbo sa ruins pero wala ito sa loob. He transformed into "Fire Furr". Para ma attract nya si Ash at para na din gawing ilaw sa madilim na ruins. Nagpatuloy pa sya sa pagpasok sa ruins ng castle hanggang sa may narinig syang tunog ng nahulog na gamit.

Naging alerto sya nang harapin ang pinang galingan ng tunog. "Ash?". Pinakikiramdaman nya kung ito ba talaga si Ash, dahan dahan syang naglalakad palapit sa madilim na sulok.

Dala ng kaba ay nilakasan ni Corby ang apoy sa kamao nya kaya lalong nagliwanag ang silid. Nang biglang sumugod sakanya ang isang Specter!!.

"Fire Fist!!"

Nagbato sya ng apoy na hugis kamao direkta sa Specter na agad din namang naka iwas!. Kaya nagpatuloy sya sa pag atake habang umiiwas din sa mga mahahabang claws nito!. "Grr! Bakit may specter dito! Baka napahamak si Ash!". Patuloy ang kanyang pag atake kahit na tamaan ang ilang mga gamit sa ruins na nagsisimula ng sunog!. Dahil sa pag aalala nya ng husto kay Ash, naisipan nyang umatake ng mas malakas.

Naging apoy ang kanyang dalawang kamay na pinagdikit nya sa harapan to form a circle above! Mula sa kanyang mga kamay ay nabuo ang isang malaking Fire Ball!. Gamit ang buong lakas ay bumwelo sya sa itaas bago tuluyang binato ang malaking Fireball.

"Fire Sphere Launcher!".

Tiyak na tatamaan nya ang specter kaya nakampante si Corby, nang hindi nya inaasahang mahahati sa gitna ang kanyang Fireball! "Whaaaaat!!??". Napuno ng usok ang buong hall kaya nag take ulit sya ng chemical potion to turn into "Air furr!".

He uses his "Gust Blow!" to create a strong gust of air to clear the hall out of smoke. Hanggang sa lumabas ang isang imahe ng lakaki n agad nyang inaninag.

"Sorry for his behavior--". Nanlaki ang mata ni Corby ng marinig nya ang isang pamilyar na boses. "Legendary Chemist, Corby". Tuluyang nawala ang usok kaya nakita nya ang lalaking nagsasalita na nakahawak saknyang sword.

"DEVIAAAAAN!!". Sigaw ni Corby dahil sa excitement na makita ang dating kaibigan.

Oops! Această imagine nu respectă Ghidul de Conținut. Pentru a continua publicarea, te rugăm să înlături imaginea sau să încarci o altă imagine.
Elites (Book 2) : Oath of Darkness Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum