Chapter Sixteen

1.6K 25 0
                                    

Noel

She came to me with that huge smile she used to show me. The smile that is more like a  grin. Kumalas ako sa pagkakayakap niya. Nabasa na ang suot kong polo.

"Sir Noel. Will you? I mean, are you willing to take my heart?" She asked.

If this happened a year before, I might take her hands and accept her with a big heart.

Pero marami na akong nalaman tungkol sa kanya. At lahat ng iyon ay nakasira ng faith ko para mahalin siya.

Unang una ay ang malaking ipinagbago niya. Hindi na siya yung batang hinangaan ko noon. Yung batang babae na napakabait. Ngayon ay pakawalang babae na ito.

Maging ang mga kaibigan nito ay mga kakaiba. Masyado silang liberated. Makakaya ko bang makasama ang mga iyon ng hindi nasusuka sa kanilang ginagawa?

Pangalawa, yung pang-aakit niya sa akin. Who knows how many men she seduced when I was gone. Hindi ko kayang lokohin pa ang sarili ko na ako talaga ang gusto niya. Pinagti-tripan niya lang ako.

Pangatlo ay ang mga lalaki niya. Napagod na ako sa gabi gabing pagsunod sa kanya noon. Kakatigil ko lang siyang sundan at bantayan since last week dahil hindi ko na masikmura ang mga lalaking kinakalantari niya.

At yung huli, nakikipag relasyon siya sa mas matanda sa kanya, ang malala ay may asawa pa ang pinatulan niya.

I know I was wrong to wish before that she should have chosen me. I regret that coming to my mind.

Never did I make her my optional soon-to-be lover. But she likes to flirt a lot with different men, to show her body around. And it seems like she enjoys the attention of older men.

I won't let her make me one of those men she seeks.

"What kind of prank is this miss Salazar? You're humiliating me. Please find your way out of the University. I'm a busy person. Please leave me alone. I don't even like you." I said.

There were gasps all around us.

Nasasaktan ako dahil may natitira pang pagmamahal para sa babae sa puso ko. Pero nananaig na ang rasyonal na parte ng isip ko.

Hindi ako magiging sugar daddy ni Micah. No way.











Micah

"Let's go. " I told my friends.

We are soaking wet. My heart aches.

Akala ko nung malaman kong kapatid niya pala si miss Rose ay okay na. Hindi pala.

Matagal na akong umasa na magawa ko ito. Sana ay hindi ako nagpakatanga. Hindi niya daw ako gusto. Kinahihiya niya ako.

"Are you sure? Gusto mo abangan namin yan mamaya pag-uwi?" Tanong ni Carlo.

Umiling lang ako. "Proceed na tayo sa escape plan ko guys. Thank you sa lahat. Tara na?" Nginitian ko sila.

Nagyakapan kami. Matapos iyon ay sumakay na kami sa nakaparadang owner jeep na pagmamay-ari ni Neo.

Minsan langnkmi makumpleto. Pero mukhang ito na ang huli. Nakangiting isinandal ko ang aking ulo sa balikat ni Gina.




Nung isang buwan pa nakaempake lahat ng gamit ko.  Kaya ang ginawa namin ay ang mag-inuman sa apartment ko. Bukas ng tanghali ang uwi ko sa Lumar. Ikakasal na rin kase ang best friend kong si Gladys.

Nagkantahan kami, nagpakalasing bukod kay Jessang buntis. Nagkaiyakan. Maingay kami pero masaya...

Mukhang naghalo ang mga kinain ko at ang alak na ininom ko.

Pupunta sana ako sa cr kaso na-jebs si Joseph.

Tumakbo ako palabas at sa laundry area nagsuka.

Imbis na pumasok muli ay napagpasyahan kong magpahangin muna. Maaliwalas ang kalangitan. Maraming bituin at nagliliwanag ang kabilang bundok sa ilaw ng mga kabahayan. Ito ang mami-miss ko dito sa Dreamland. At mami-miss ko din ang buong Baguio City.

Nakarinig ako ng tikhim mula s kabilang apartment. Si Noel.

"Baka pwede namang manahimik kayo. Nakakabulabog ang ingay niyo, may klase pa ako bukas." Sabi niya ng masama ang tingin sa akin.

Pinigilan kong lumuha at tumango nalang. Nagmamadali akong pumasok.

"Guys, tama na. Please? Let's move to other place or sa bar tayo. Huh?" At tuluyan na akong napaiyak. Yinakap naman ako ni Carol at Jessa. Pinatahan at napagpasyahang mananahimik nalang kami.

Kinabukasan ay magkakasalo kaming lahat mag-umagahan at nung tanghalian ay inihatid nila ako sa terminal ng bus. Yung mga gamit ko ay nakatakdang hakutin ng truck ni Neo sa isang araw.

Nagkaiyakan kami bago pa ako sumakay ng bus.

Hindi ko kayang magpaalam sa kanila ng ganito kaya pinilit ko lang na magpakatatag. Nung makaalis na ang bus patungong Maynila ay nabuo na ang desisyon ko. Tanggap ko na sa sarili ko.

Mami-miss ko silang lahat. Lalo na si Noel. Siya lng ang laman ng puso't isipan ko. Kung hindi ko siya nakitang muli,siguro ay hindi ako napamahal sa kanya ng ganito kalalim.

Nang makarating ako sa Maynila ay hindi ako sumakay ng bus na patungo sa Lumar City.

Dumiretso ako sa isang cheap na motel matapos bumili ng maraming beer at doon nag-inom ng nag-inom. Nilunod ko ang sarili ko sa alak.

Nung halos hindi ko na maimulat ang mga mata ko ay hinagilap ko ang aking shoulder bag at kinuha yung lagayan ng sleeping pills na reseta sa akin ng doctor ko noong may insomia ako.

Sobrang sakit ng mga sinabi niya. Sobrang nadurog ang puso ko. Wala akong ibang hiniling kundi ang mapatingin siya sa akin at mahalin ako. Kahit anong gawin ko,kahit subukan kong ibaling sa iba ang paningin at atensyon ko, siya parin at siya lang ang laman ng puso't isipan ko.

Mamamatay na nga lang ko ay siya parin ang isinisigaw ko.

"Noel! Bakit!! Bakit ikaw pa!"

Nahagulhol ako. Nanginginig na ibinuhos ko ang laman ng bottle sa kamay ko. Yung iba ay nahulog sa sahig. Isinubo ko ang laman ng palad ko at ipinangtulak ng gamot ang natitirang alak sa beer in-can na hawak ko.








Bago pa ako bumagsak sa sahig ay nakita ko pa ang pagbukas ng pintuan ng kwartong tinitigilan ko.

I'm Not A Girl, Anymore.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon