Chapter Twenty One

1.6K 28 0
                                    

Micah

Kaharap ko ngayon si Noel at si Daddy Luis. Hindi ako makatingin kay dad. Si Noel naman, kahit hindi ko nakikita ay alam kong nakatitig ito sa akin.

Galing sa kusina ay may dala dalang cold compress si mama at iniabot iyon kay Noel. Tumabi sa akin si mama matapos tapikin sa balikat si sir Noel, si Noel na mahal ko.

"Ngayon, magpaliwanag ka Micah. Siya ba ang dahilan? Kung bakit tila patay na bata ka mula ng lumuwas ka pauwi. Ang dahilan kung bakit ka magpapakamatay!?" Alam kong galit na si dad. Ito ang uang beses na nagtaas siya ng boses. Binulungan ako ni mama na sumagot. Hindi ako makatingin sa kanila pero tumango na lang ako. Narinig ko ang pigil na pag-iyak ni mama.

Wala pa ang kapatid ko dahil pinasundo ito ng pinsan ni dad para makalaro ang ibang pinsan nito. Kaya nang pinauwi ni dad si mama ay hindi na ito dumaan sa paaralan ni Claud at dumiretso na pauwi.

"Micah, hindi ko alam na may ganitong side ka. Alam ko na may kinahuhumalingan ka noong minsan na dinalaw kita sa Baguio. Pero hindi ko alam na higit pa sa paghanga ang nadarama mo. Pinaikot mo ang buhay mo sa lalaking iyan! Akala mo siguro hindi ko mapapa-amin ang mga kaibigan mo ano?" Doon na ako nagtaas ng tingin. Hindi ako umaasang pagtatakpan pa nila ako pero isa sa kanila ang alam kong unang bibigay.

"Kinausap ko ang kaibigan mong si Carol. My God Micah! Nagpapakababa ka sa lalaking iyan!?" At dinuro nito si Noel na namamaga pala ang pisngi. Naiiyak na binalingan kong muli sa dad.

"Daddy, I love him." Naiyak na sambit ko. Tila kinakapos ng hininga si daddy Luis. Si mama naman ay hinahagod ang likod ko. Hindi ko pansin na kinakapos pala ako ng paghinga.

"At ikaw, paanong nakapasok ka sa bahay ko? Sa kwarto pa mismo ng dalaga ko!? Ha!? " doon na ako tumayo at hinawaka si dad. Nagpumiglas ito at mukhang balak pang suntukin muli si Noel.

"Micah, napakaraming lalaki sa mundo.. Bakit siya pa? Ha!? Bakit hindi nalang si Albert?-"

"Dad! Don't say that! He's just my friend. I-I love Noel dad. Please. I promise. I won't do the same mistake again."

Kumalma naman si dad. Si mama naman ang kumausap kay Noel.

"Hijo, a-ano ba ang balak mo sa anak namin? Mahal mo ba si Micah?"

"Yes po. Mahal na mahal ko po si Micah. Simula pa ho noon."

"Hah! Mula noon? As far as I know, and I believe I'm right, you were Micah's adviser back in grade school. Did you seduce our daughter!?" Sabat na naman ni daddy Luis. Hinatak ko si dad palabas at hinayaang kausapin ni mama si Noel sa loob.

Nang makalabas kami ay yumakap ako kay dad. Ilang saglit lang ay kumalma na ito at yumakap sa akin pabalik.

"You are my daughter, Micah. Napamahal ka ma sa akin. Kahit hindi ako ang biological father mo, sa puso ko ay anak na kita. At bilang ama mo, labis akong nasasaktan tuwing nakikita kitang parang walang buhay o di kaya'y pilit lang ang mga ngiti mo. Pakiramdam ko nawala ka na sa amin." Huminga ito ng malalim. Tila pinapakalma ang sarili.

"Dad, I learned my lesson. Hindi ako basta bibigay. Pero hindi ko talaga kayang pakawalan pa siya. Bata pa lang ko, crush ko na yun eh.. Please, pagbigyan niyo na ako. Mahal ko si Sir Noel. Daddy, huwag na sana kayong tumutol. I promise to be good. Hindi ko na iwawala ang sarili ko. I promise dad. Please."

Naiiyak na naman ako. Natatakot ako na paglayuin kaming muli, ngayon pang nalaman kong mahal rin pala ako ni Noel.

"Naman Micah! Bakit naman kase sa dinami dami ng mamahalin mo,yun pang lalaking magaling mag-jump into conclussions pa at isa pang torpe. Basta, wala kang gagawin na hindi ko magugustuhan, naiintindihan mo? At hindi kita papayagang sumama sa lalaking iyon. May curfew ka. Okay?" Nangingiting saad ni daddy Luis.

Kulang nalang ay magtatalon ako sa tuwa.

"Be good, if you want me to be good to your man. Let's go inside. Pagbabantaan ko pa ang lalaking iyon." Umakbay si dad sa akin at ako naman ay humilig sa balikat niya. Swerte kami ni mama Sarah na nabiyayaan ng Diyos ng mabuting amain at asawa na magmamahal sa aming mag-ina, malaking bonus pa na nagkaroon ako ng kapatid sa katauhan ni Jean Claud.

At sana, sana magkatuluyan na talaga kami ni Noel. Kase kung panaginip lang ang lahat, baka hindi ko na talaga kayanin.

I'm Not A Girl, Anymore.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon