Kabanata 10

5.1K 159 65
                                    

Kabanata 10

Retreat

Pagkatapos ng birthday party ni Elisha ay lumaban na kami para sa contest. Pinilit ko na huwag alalahanin ang sinabi ni Genesis dahil hindi ko rin alam kung ano ang isasagot ko sa tanong niya.

Kaso nga lang, hindi ko alam kung bakit hindi ako nagalit sa kan'ya noong nanalo siya. Hindi rin ako nagalit nang makita ang paglagay ng medalya sa kan'yang leeg. Kahit pinipilit ko ang sarili na mainis ay hindi naman dumarating

Ang alam ko lang, hindi ako naiinggit sa kan'ya. Natanggap ko ba na mas magaling talaga siya kaysa sa 'kin?

Bumuntong-hininga ako at tinitigan ang batong inuupuan ko kasama si Genesis.

Ilang buwan na ang nakararaan at marami na ang nangyari. My rankings went up and down while Genesis' remained consistent at the top. Pumapangalawa ako at alam ko na ang resulta sa Graduation.

Mula nang lumaban kami ay hindi na rin niya ako kinakausap. Abala na lang siya sa pag-aaral kaya hindi ko na rin siya pinapansin.

"Nagpapa-miss 'yon!" Rafaela said. Wala naman akong binanggit sa kan'ya!

"Where did you got that word, Raf? Matanda ka na ba?" I asked, chewing on my fruit.

She shrugged. "Si Kuya Glaucus kasi sinabi 'yon kay Kuya Zagreus nang umuwi sa bahay noong Linggo. Ginaya ko ang tawag kasi gaya-gaya ako."

I made a face. Napaka-walanghiya talaga nito. Daming alam!

"Ilang araw sila rito?" tanong ko.

Nagkibit-balikat muli siya. "Ewan. Sumusulpot sila na parang kabute. Buti nalang princess ako."

Ngumiwi ako nang hindi masundan ang sinabi niya. Buti na lang princess siya? Anong koneksyon no'n sa pagsulpot nila?

Kinurot ako ni Raf sa braso. Napaaray ako ngunit hindi niya pinansin!

"Slow mo! May fairy godmother ako, sina Kuya Zagreus wala. Disney princess ako na may cute na freckles at kapatid ni Pocahontas. Gets mo?"

Ngumuso ako nang marinig ang fairy godmother at Disney princess. Naalala ko tuloy si Corentin... at tsaka si Genesis. Kahit na ayaw ko ay tinatrato ko na bilang kaibigan si Genesis, pero kahit na gano'n ay rival pa rin ang tingin ko sa kan'ya.

At tsaka, kung papipiliin ako sa pagitan ni Ursula at Genesis, si Genesis ang pipiliin ko!

She harshly poked my cheek. Napaatras ako dahil sa hapdi. Kung gupitan ko kaya ng kuko si Rafaela! Ang haba-haba.

"Bawal nail polish!" sita ko nang makita ang kintab sa kuko. Gumagamit kasi ng clear nail polish si Ate Mika kaya alam ko kung naglagay ng gano'n si Raf.

She crossed her arms and flipped her hair. She dramatically opened her eyes at nag-pose na parang model. Itinukod niya ang siko sa lamesa at inihilig ang baba ng pisngi sa nakakuyom na kamay.

I didn't miss to see how she pointed out her pinky finger na para bang nainom ng tsaa sa England!

Nagtaas baba ang kan'yang kilay. "Princess na ba? Feeling ko princess ako rito sa nail polish e. Nakalagay kasi sa lalagyan 'be a princess' daw. S'yempre hindi lang dapat ikaw princess kasi princess din daw ako ng mga Kuya ko kaya dinaig kita kasi alam kong hindi ka pwede mag-nail polish."

Then she laughed dramatically like an antagonist in some movie. Rafaela sounded like a lunatic with the sinister laugh. Halos kapareha ng tawa ni Ursula kaso mas bagay sa pinsan ko ang gano'ng tawa.

"Isa akong prinsesa! Mas maganda kay Aurora, Snow White, Sleeping Beauty, Belle—"

"Raf, iisa lang si Aurora at Sleeping Beauty," I pointed out with a smirk.

Complexity Of Us (STATION Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon