Kabanata 21

4.1K 109 28
                                    

Kabanata 21

Deny

Ang paglubog ng araw ang siyang nagdikta ng aking pag-uwi. Bitbit ang takot na may pangamba, umuwi ako sa bahay na mabigat ang dibdib. Sinubukan kong umakto na ayos lang ang pakiramdam dahil ayaw ko silang pag-alalahanin.

Humugot ako ng malalim na hininga at pumasok sa loob. Dumiretso ako sa kwarto at doon inisip kung tama ba ang ginawa. Ngunit habang iniisip ko ang sinabi ni Rafaela, patuloy pa rin na bumibigat ang dibdib ko.

I've always believed that guilt should be my driving force—nothing more and nothing less. Paulit-ulit ko ring sinasabi na ayos lang ang aking ginagawa at walang madadamay sa pagtatama ng irasyonalidad. Pilit kong ipinaiintindi sa sarili na hindi dapat ako lalagpas sa kung ano 'mang kamaliang itinakda dahil kung lalagpas pa ro'n ay lalong lalala.

But as much as I always want to act rationally, there will always be a fault at the end of it. It was Rafaela's words that made me believe in it. Ngunit kahit gaano pa siya kagaling magsalita, hindi ko alam kung bakit may pinanghahawakan pa rin ako bukod sa pagsisisi.

Nang maintindihan ko kung ano 'yon ay natakot ako para sa sarili.

If this feeling went overboard, what will happen to me? Will I continuously mask my affection as guilt? My empathy as guilt? My worry as guilt? If I did, will I still be able to repent for my irrationality?

Pilit kong pinaniniwala ang sarili na wala akong kasalanan dito pero bakit ko itinutuloy? Talaga bang desperado akong makasama si Elgene? Na kahit tapos na ang nangyari noon ay pilit kong ibinabalik?

His grades are excellent. He graduated as a Valedictorian. He didn't stop studying and still uses the same family name as before. Sa lahat ng mga 'yon, bakit hindi ko magawa-gawang hayaan siyang mabuhay nang tahimik? Hindi ba't matatahimik din ako kung hahayaan ko na lang siya?

Bakit, Brella? Bakit kumakapit ka pa rin kung ang magiging kapalit nito ay ang kawalan ng rasyonalidad at dignidad mo? Hindi ba't sinabi ni Rafaela na nilalabag ko ang katahimikan niya—ang batas niya? Mas bibigat ang pagiging irasyonal ko kung hindi ko 'to ititigil kaya bakit?

Nalukot ko ang papel na sinusulatan dahil sa kalituhan. Lalong bumigat ang dibdib ko nang hindi ko pinakawalan ang hikbi.

You can do this, Brella. You can do this.

I acted normally when I went down for dinner. The clinking of the glasswares greeted me as soon as I arrived. Ang kabiserang upuan ang inokupa ni Daddy habang sa kaliwa ay si Mommy. Magkatabi naman kami ni Ate Mika sa gilid.

I discreetly studied my father and my mother who looked so lovely. How their souls met and flourished in peace left a bunch of questions for my hoping heart. I wonder, what did they feel before they decided to be together? Are they aware of the aftermath of their chosen actions? What length could their love test their responsibility? Is it enough for them to hold onto each other?

"Izidara..." It is one moment full of silence when my father spoke up. "Nagpunta ka kina Rafaela?"

"Opo," sagot ko. Nagpaalam naman ako kina Mommy kaya wala naming problema.

"Dumadalas," komento ni Daddy at pinagpatuloy ang pagkain.

Nag-iwas ako ng tingin at lumunok. "Hindi naman po."

Katahimikan muli ang bumalot tila pinakikiramdaman ang bawat piyesang nahuhulog sa mesa; hinihintay ang tamang kalas at kabit sa unipormeng hulma.

"May iba ka bang inaalala?"

Nag-angat muli ako ng tingin at napunta sa kanilang mata. Napaawang ang bibig ko dahil sa sinseridad na nakita.

My father—my dear father. Why are you looking so vulnerable in front of your young princess?

Complexity Of Us (STATION Series #2)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz