CHAPTER 6 (Closer or Closure?)

711 30 2
                                    

VICE's POV

"HEY BABY! Are you still here? May problema ba?" Bigla akong naalarma. Shit! Sa sobrang kalasingan ko kagabi nadala ko itong babae na to sa condo ko.

"Sorry, i think you have to go... damn! Ano na ba ulit pangalan niya? Was it Jasmin? Jamayca? Hayy bakit hindi ko matandaan pangalan niya..
May importante nga pala akong lakad ngayon. Hope you understand." Agad ko namang inalis ung kamay niyang nakayakap sakin.

"But why? Ni hindi pa nga tayo nagsisimula. Tinulugan mo lang ako kagabi. Tapos ngayon gusto mo na ako pauwiin. Malambing na sabi niya. No way, i have to get a taste of you first. I missed you so much baby." Sabay haplos niya sa mukha ko.

Pinilit ko naman siyang pagbigyan pero bakit ganun? Ayaw ng sistema ko?
Nakakapagtaka naman ata? Kung dati sa mga ganitong pangyayari ay nakakarami ako at wala akong pinapalagpas pero bakit ganito ngayon?

Ni hindi man lang ako mabuhayan ng dugo? Pero hindi pwede kailangan ko na talaga siyang paalisin baka mamaya magpumilit pa ito mapahiya lang. at tsaka kailangan ko munang mapagisa ngayon.

"I'm so sorry honey, wala talaga akong gana ngayon. Maybe next time? I'm going to call you up some other time.okay?"

Agad naman akong tumayo sa kama at bilis bilis na pumunta ng cr at inilock ko agad. Naramdaman ko naman na nagdadabog ito at isinara ng malakas ang pintuan. Umalis na kaya?

Binuksan ko naman agad ang pinto at sumilip muna bago lumabas baka mamaya anjan pa. Pero mukhang wala naman na ata?

Nagpunta ako sa salas at naglagay ng alak sa baso. Gusto kong makalimot, gusto kong marelax!
Dahil ba kay jaki, ang bagong asawa mo? Hayyyyy!!!! Bakit ba ganito!

You've been a stupid fool, Vice. How did you ever fall for jaki's trap? How?!!! Damn that conniving bitch!

Fvck! Nakakasira ng ulo. Para akong tangang kinakausap ko ang sarili ko sa harap ng salamin! Bigla ko nalang nasabunutan ang buhok ko.

That bitch was able to set me up pretty well this time! Kahit sa hangin ay hindi ko na inisip na magkakaroon ako ulit ng asawa, ng 'instant asawa' at ung magaling pa na babae na un talaga.

Bakit mo ba nagawa sakin to dad? Hindi kita maintindihan. Bakit naglagay ka pa ng kondisyon bago makuha ni amira ang mana niya? At bakit sa dinamidami ng babae na ipapakasal mo sakin ay si jaki pa talaga. Ni minsan nga hindi ko naisip na pakasalan un ei.

Asawa. Hah! Nakakapanibago na salita. Matagal ko ng kinalimutan. Sa totoo lang wala na talaga ako balak na magpakasal pa ulit. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit nagpapakasal ang dalawang tao kung sa huli naman ay maghihiwalay?

Dibale panandalian lang naman ang lahat ng ito. Six months lang vice, six months kaya mo yan. Tiisin mo nalang wag mo nalang pansinin. Para kay amira nalang ang isipin mo.

Wala naman dapat magbago ei katulad pa rin ng dati ang nadagdag lang ngayon ay nagkaroon ka ng 'instant wife' just like all instant in this world, needed to be discarded after use.

Instant wife mo lang si jaki dahil sa kinakailangan mong magpakasal. Magkaiba lang sila ni ana ng dahilan,ok?

Speaking of ana "my dearest fucking ex-wife" nagkakilala kami noon sa amerika. Nagkaroon kasi si papa ng negosyo dati sa amerika at ako ang naatasan na mamahala dun. At sinuwerte naman dahil mabilis nag boom ang negosyo. I was on top before when suddenly i had to do some drastic change in my bachelor status.

Hindi ko inaasahan na nabuntis ko pala si ana at tila bay para akong aso na natali sa isang kasal. Ang masakit ay isa si ana sa mga kaibigan kong 'friends with benefit' ang akala ko dati ay nagkakaunawaan kami sa bagay na iyon at wala akong balak mag seryoso sa babae. Dahil nga sa nangyari sa tatay ko na niloko ng nanay ko ay hindi talaga ako naniniwala sa salitang 'pagmamahal' at kung ano man ang kinalaman doon.

IF YOU'RE NOT THE ONEWhere stories live. Discover now