CHAPTER 21 (preparation)

720 27 2
                                    


VICE's POV



Ayan.. ok na.. sigurado matutuwa si jaki dito.

"Sister-dude ang dami namang pagkain dito.. nakakagutom!Tuwang tuwa na sabi ni anne.. kukurot na sana siya sa isda pero agad kong hinapas ung kamay niya. Aray naman!"

"Wag kang masyadong patay gutom anne.. dapat sabay sabay tayo kakain." Inis kong sabi.


"Sorry." Nag peace sign siya. Masyadong atat tong babae na to hindi makapaghintay.


"Pero brad ung totoo ang dami nitong pagkain ha. Naglilihi na ba asawa mo? At umagang umaga ei umaakyat ka ng puno para kumuha ng buko." Pabirong sabi ni vhong.


"Siraulo! Hindi no! Gusto ko lang matikman niyo rin ung mga pagkain dito sa probinsiya."


Tumawa nalang siya tapos nag apir sila ni billy! Kahit kelan talaga mga ungas tong mga kaibigan ko tapos may buraot pa sa pagkain!

"Pero dude first time ko talagang kumaen ng ibang pagkain dito. Ngayon ko lang mata-try!"


"Wala naman masamang tinapay sayo babae ka!" Pabirong sabi ko kay anne. Tuningin siya sakin ng masama.


"Alas sais na pala.. hindi mo sinabi sakin bestie mejo malamig din pala dito. Nagdala sana ako ng jacket." Sabi ni billy habang giniginaw.

"Brad tawagin mo na kaya mag ina mo. Gisingin mo na."

Mag ina? Okay... bakit parang may naramdaman ako sa tiyan ko na hindi ko mawari kung ano. Tumango nalang ako kay vhong. Pero bago ako umalis ay binilinan ko muna si anne!

"Anne, sabay tingin niya sakin. Pigil pigil muna pag may time ha? Tiis gutom muna.. wag kang buraot!"


"Che! Ewan ko sayo!" Sabay irap niya sakin.

Tumalikod na ako sakanila at umalis na. Sana magustuhan ni jaki ung mga pagkain... the fuck! Ano ba tong nararamdaman ko!

Una kong ginising si amira. Mahirap kasing bumangon un kada umaga. Pero buti mabait siya ngayon at sumunod naman agad agad.

"Good morning daddy!"

"Good morning baby, osige na maghilamos kana and mag toothbrush ha? Babalikan kita. Titignan ko lang si tita jaki mo."

"Daddy, Can i call tita jaki, mommy?" Kumunot noo akong tumingin sakanya.

"Why?"


"Kasi sobrang bait po niya sa atin.. inaalagaan din po niya ako at alam ko pong love niya tayo."

Ngumiti ako sakanya At ginulo buhok niya. "Osige na.. puntahan ko muna siya baby ha?"

Tumango nalang si amira at pumunta na ng banyo. Lumabas na rin ako at papunta na sa kwarto ni jaki.

Teka? Bakit parang maingay? May kaaway ba siya? Bigla akong tumakbo sa kwarto namin at nakita kong nananaginip siya at umiiyak! Fuck! Anong nangyari!


"Hey... honey! Hey, wake up!" Tinapik ko ng mahina ang balikat niya. Pero hindi pa rin siya magising kaya niyugyog ko na siya para magising. And at last! Dumilat na siya. Magtatanong pa sana ako pero bigla niya akong niyakap....









At hinalikan!

Nagulat man ako sa ginawa niya ay pinabayaan ko nalang siya hanggang sa bumalik ang huwisyo niya.

IF YOU'RE NOT THE ONEDonde viven las historias. Descúbrelo ahora