SPECIAL CHAPTER 1

1.4K 20 0
                                    

SPECIAL CHAPTER 1

NOTES: Hindi ko na nasabi na may Special Chapter pa pala... Bale tatlo lang sila :)

Abangan!

Magfalshback muna tayo sa eksena kung ano ba talagang nangyari kay Misaki bago bumalik sa Lycothropy Academy

MISAKI AKELDAMA

Binawi nga ng Alpha King ang kanyang sinabi at kung gaano kahirap ang pageensayo namin sa Graodien Theravada ay triple o higit pa ang naranasan namin sa kamay ng Alpha King.

Pagkababa ko ay sinalubong ako ng mga katulong at katiwala na nagtratrabaho sa palasyo. Yumuko sila sakin at sabay sabay nila akong binate na magandang umaga na may ngiti sa mga mukha nila. Tumango nalang ako dahil hindi ko magawang ngumiti sakanila.

Pagpasok ko sa loob ay nakahanda na ang mga pagkain sa lamesa. Nagulat pa nga ako nang makita ko silang naguusap usap lang. Anong oras na kaya? Tapos na kaya silang kumain?

"Oh?! Halika at saluhan mo kaming kumain," utos ng hari sakin. Tumango nalang ako at umupo sa upuan ko. Ahhh... hindi pa sila kumakain.

Seryoso nilang pinaguusapan ang mga nangyari sa bawat kaharian at tahimik lang akong nakikinig sakanila dahil hindi ko na kailangan pang makisali sakanila.

Naglalakad lakad ako sa loob ng palasyo dahil binigyan kami ng hari ng oras para magrelx relax. Tama lang para sakin upang bumaba ang kinain ko. Yung mga kasama ko kasi ay mas piniling magrelax sa kwarto. Gusto ko kasing makalanghap ng sariwang hangin. Narating ko ang haridin at pinagmasdan ang nagagandahang mga bulalaklak.

"Magandang umaga sayo kamahalan..." napalingon ako pakanan nang may bumati sa akin. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sakanya kaya tumango nalang ako at bumaling muli sa mga bulaklak na kumikinang. Nilanghap ko ang simoy ng hangin na nanggagaling sa hardin at pumasok sa loob loob ko. Nakakarelax...

"Mukhang relax na relax ho kayo... kamahalan," tumango naman ako. Paulit ulit ko lang ginawa ang paglanghap sa simoy ng hangin. Sobrang nakakarelax at mawawala ang pagod na nararamdaman ko sa hangin na iyon. May kung anong nagcocomfort sakin kapag niilalanghap ko ang hangin.

K I N A B U K A S A N

Hindi na ko dumeretso sa dining hall kasi nagpahatid ako nang pagkain sa kwarto ko. Sinabi ko na may masakit sakin na alam ko namang hindi bibilhin ni Yuki dahil alam nya hindi ako tinatablan ng sakit sakit na yan.

Kanina pagkatapos kong kumain nagumpisa na akong maglibot libot sa buong palasyo parang ito narin ang regalo ko sa sarili ko dahil kaarawan ko naman ngayon. Wag kayong magalala dahil nagayos na ako bago pa dumating ang pagkain ko. Nasa tapat ako ngayon ng malaking hagdan.

(A/N: yung itsura nang hagdan ay yung parang sa beauty and the beast. Malaki sa gitna tapos may hagdan sa magkabilang gilid.)

Napuntahan ko na ang lahat nang bahagi ng kastilyo pwera nalang sa isang bahagi nang kastilyo. Ang East Wing. Ipinagbabawal daw nang hari ang pumunta ang isang nilalang doon tanging sya lang ang dapat. Dahil nga pasaway at naghahanap ako nang thrill pumunta ako ron nang walang nakakakita.

Pagpasok ko sa bahagi doon ay bumungad agad sakin ang isang masayang family portray. Nilapitan ko iyon at mas lalong tinitignan. Nakita ko ang hari kasama ang kanyang reyna na nakangiti pati narin ang kanilang dalawang anak dahil ang isa ay nakatakip ang mukha.

Kung titignan nasa mid 20's pa lang ang hari at reyna dito at yung prinsipe naman ay nasa 10 or 11 at yung mga prinsesa naman ay mukhang nasa 5 or 6 years old. Tinitignan ko yung mga mukha nila lalo na ang prinsesa Phyrah... may pagkakahawig ito samukha ng reyna pero ang naiba lang ay ang mata nito. Hindi ko naman makita ang mukha nung sinasabi nilang Prinsesa Sapphire dahil may takip ito tanging ang pilak-abo nyang buhol lamang ang nakikita.

THE IMMORTAL ✓Donde viven las historias. Descúbrelo ahora