MPiMH part 34.2 (short update)

5.7K 102 13
                                    

Sorry, ngayon lang ulit ako nakapag update super busy po kasi, 4th year na kasi aketch hahahaXD

pinilit ko syang i-type ngayon kasi may nag-message sa kin sa fb account ko if itutuloy ko pa daw po ba or hindi na, and I say "YES!! Tuloy pa po yun, busy lang talaga ang schedule kaya di makapag update"

so I decided to update this part, pagpasensyahan n'yo na lang po if maikli ito :( 

pinilit ko lang talaga s'ya i-update ngayon T^T 

pero I am typing part 35 tonight para ma-update ko s'ya this week or next week ^__^ 

P.S.

sorry po if may mga wrong type kasi madalian, hahahaXD

at sana magustuhan n'yo po,

POSITIVE AND NEGATIVE COMMENTS are accepted po, promise kahit masakit basahin yung negatives hahahaXD

daldal ko talaga, andaming satsat, basahin n'yo na lang po ^__^ 

~~kazuzukufumika

================================================

MPiMH Part 34.2 (short update) 

*sniffs-sniffs*

Bakit ganun yung amoy? Parang amoy… gamot?

Asan ba ko?

Dahan-dahan akong nagmulat ng mata, at nakita ko ang paligid.

“Ospital? Anong ginagawa ko dito?” dahan-dahan akong naupo mula sa aking pagkakahiga at napalingon-lingon. “Asan na sila?”

“Mhie-mhie!!” patakbong lumapit sa kin si Tintin at agad akong niyakap gumanti rin ako ng yakap sa kanya.

“Oh, bakit ka umiiyak?”

“Kasi akala ko po iiwan mo na ko.”

“Iiwan? Pwedeba yun? Hindi kita iiwan no” pinahid ko gamit ang mga daliri ko ang luha n’ya.

“Kumusta na ang pakiramdam mo?”

“Ikaw pala Ryan,” nag smile lang ako ng bahagya sa kanya ganun din naman sya atsaka naupo sa kama.

“Pinakaba mo kami dun ha! Akala namin matutuluyan ka na,mabuti na lang ginawa ni Mike na ha---ooops. Hehe.” Sabay peace sign n’ya. Ano na naman kaya nililihim nito? “Ano, kumusta na pakiramdam mo?”

Bumuntong-hininga muna ako bago ko s’ya sagutin, “Medyo nanghihina, pero sa tingin ko okay naman”

“Mabuti kung ganon. Aba! Grabe ang pag-aalala sa’yo ng asawa mo kagabi na halos mapaluha na at di malaman ang gagawin dahil baka nga matuluyan ka.”

“S-si Mike pala,… asan na s’ya?”

“Andun pa sa labas kausap yung doctor pero papasok na din yun dito. Labas muna ako tatawagan ko muna si Sarah. Tin, bantayan mo si Mhie-mhie mo ha”

“Opo uncle.” Lumabas na ng  kwarto si Ryan, si Tintin naman naupo sa tabi ko at nilaru-laro yung daliri ko. “Hindi naman po ako iiwan ni Mhie-mhie diba po?”

My Professor is My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon