Day 7 His Crush

657 24 1
                                    

WELCOME IN

               ≒My Twins World

the world of my twins that I rarely know

The Seventh Day~

She is Faunna and one day she became Ford..............................

______________________________________

______________________________________

~Nile~

Nagising kaming lima ng maaga. Actually its not that early. It was already 7 in the morning. Halos sabay sabay kaming nagising except of Ford. Nagkatinginan kami. Kakaiba talaga si Ford nitong nakaraang araw. Late na naman siyang nagising. Pinagmamasdan namin siya habang yakap yakap pa rin ang mahabang unan niya.

Hehehehe. Siguro iniimagine niya na girlfriend niya yang kayakap niya. Wahahaha.

“Ford is so beautiful kahit natutulog”puna ni Winter.

Beautiful eh.... Its not the right term cause Ford is a boy.

“ Anong beautiful?? its Handsome. H and A and N and D and S and O and M and E.” sabi ni Dhail.

Ngayon lang talaga namin na puna na talaga palang malakas ang appeal ni Ford. Lalo na nitong nakaraang araw na medyo nagiging maingay na siya at nakikipagparticipate na rin sa klase. Last time ay laging nakatingin sa labas ng bintana si Ford at minsan rin nagsasalita. Lalakeng hindi makabasag ng plato.

“ Ang cute cute talaga ni Ford”sabi ni Sai. Habang tinititigan si Ford. Ayos rin tong trip ng isang to. Kung hindi ko lang kilala ang taong to pagkakamalan ko na talagang bading to. Titigan ba naman ng ganun si Ford na akala mo ay interesado at babae ang tinititigan niya. Walang hiya talaga.

“Are you Gay?”tanong ko sa kanya. Malay ko ba at naging bading na pala siya.

“ Me? No way” malakas na sabi niya habang hindi pa rin inaalis ang tingin kay Ford. “Masama bang tingnan si Ford?”

“Hindi naman kasi tingin ang ginagawa mo bro. Pinagnanasaan mo na yata si Ford habang natutulog. Kakaiba na ang tingin mo eh.”sabi sa kanya ni Red.

“Utak niyo yang nag iisip ng kakaiba.”sabi niya kay Red.

Hmm. Siguro nga.

“Gisingin niyo na si Ford.”sabi ko sa kanila. Pinaubaya ko sa kanila ang pag gising kay Ford. Pumunta ako sa kusina para maghanap ng makakain. Nagugutom na kasi ako. Mabilis yata ang metabolism ko sa tiyan.

Wahahaha. Metabolism????

Akalain niyo. May nalalaman pa naman pala ako.

They say I am idiot. In filipino Bobo and in japanese Baka.

Syempre alam ko ang iba't ibang version ng salitang idiot dahil ganun daw ako.

Ang bobo mo talaga Nile.

Ano ba ang laman ng utak mo Nile.

Nile. Napakawalang kwenta talaga ng utak mo.

Sobrang bobo mo talaga Nileny Zero.

Gamitin mo nga yang utak mo.

Youre a hopeless one.

Masakit di ba???? Pero para sakin. Usual na yun at ganun ako. Hahahaha.

My Twins WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon