Chapter 1 - How it all began

871 44 45
                                    

Tahimik lang akong nakaupo sa aking silya habang nagsusulat at naghihintay ng bell para maguwian. Eto naman talaga ang ganap ko lagi rito sa school. Hindi ako gano'ng ka-sociable na tao. Medyo hirap akong makipag-kaibigan.


3rd year high school ako ngayon at sa tatlong taon na pamamalagi ko rito ay halos bilang lang sa kamay ko ang mga naging kaibigan ko rito sa room.



Isa na rito ang seatmate ko na si Grace Tan. Half Filipino, half chinese s'ya. May pagka-chinita s'ya at talaga namang napakaputi n'ya. Medyo curly ang buhok n'ya at parehas kami ng height na 5'4.



"Melo! Anong club sasalihan mo?" Tanong n'ya sa'kin.



"Math. You know how I love numbers." Sagot ko, at tumango na lamang s'ya.


Hindi pa pala ako nakakapagpakilala sa inyo. Ako nga pala si Melody Valdez. 15 years old. Chinita ako, at sakto lang ang pangangatawan ko. Straight ang buhok ko na kulot ang bandang dulo. Hindi ko ito kinukulot, natural siya talaga. Alien siguro ako. Hahaha!


"Huy, balita ko may dadalaw na mga alumni rito."

"Naabutan natin sila?"


"Hindi. Batch 2011 or 2012 sila, gaga! Grade 5 or 6 palang tayo no'n." Tatawa-tawang sambit ni Grace kaya napangiti at napailing na lang ako.


*krriiiingggggggggggggggg*



Nagunahan naman ang mga kaklase ko na magsilabasan sa room, samantalang ako ay tahimik na inaayos ang gamit ko. Hinintay ko muna silang magsilabas para naman hindi ako madamay sa naiipit. Parang aagawan ng bigas 'tong mga 'to. 



Nang medyo humupa na ang tao, ay saka na kami lumabas ni Grace ng room. 



"Oh, pa'no? Mauna na ako sa'yo ha? May aasikasuhin pa kasi ako sa club namin." Paalam ni Grace sa'kin kaya ngumiti na lamang ako at tumango. Niyakap n'ya ako at pinagdikit ang mga pisngi namin. "Mwa! See you tomorrow, girl!"



Natawa naman ako habang pinagmasdang umalis si Grace. Napailing na lamang ako, at nagsimula nang maglakad patungo sa Math club para magpalista. 



"Kailangan kong itext si mama na malelate ako ng uwi." Bulong ko sa sarili ko, kaya naman habang naglalakad eh naghalungkat ako sa bag ko para kunin ang cellphone ko. 



Mas'yado akong pre-occupied, kaya naman hindi ko napansin na may babae pala akong makakasalubong. Nagkabanggaan kami ng babae, kaya naman ang hawak n'yang kape ay natapon sa'kin. 



"Ouch!" Sigaw ng babae habang marahang pinapagpag ang kamay n'ya na paniguradong natalsikan ng kape. Siguro'y nanlalagkit s'ya. 

Our Subjective Taleजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें