CHAPTER 2 - Meeting the Devil

459 10 14
                                    




A/N: ETO NA YUNG PROMISE KONG UPDATE HEHEHE. READ WELL, LOVES! :)

-----------------------------------


"Melody... what a nice name. Beautiful, just like the owner."


"IHHHHH!!!! ENEBEH!!!!!" Ipit na sigaw ko habang nasa tapat ako ng salamin. Kasalukuyan akong nag-aayos ng sarili dahil papasok ako.



Hindi pa rin ako maka-get over sa nangyari kahapon sa school. Sobrang sweet ni Vince! Panigurado na karamihan sa mga nag-aaral sa school namin no'ng nag-aaral pa siya ay nagkagusto sa kan'ya. Bukod sa ang gwapo niya, talaga namang napakabait at gentleman pa. I mean, kung ikaw ang magiging girlfriend ng nilalang na 'yon, mapapatanong ka nalang sa sarili mo ng "Oh God, what more could I ask for?" Ganern, fren!


Natigil naman ako sa pag-iimagine nang bigla akong batuhin ng kapatid ko na babae ng unan.


"Hoy, ate! Anong oras na oh! Kung ano-ano na namang pinapantasya mo r'yan. Kulang na lang tumulo ang laway mo. Kadiri ka."


"Bastos kang bata ka! Mas matanda ako sa'yo ng tatlong taon!"


"Oo, pero yung ugali mo, parang nasa edad ko lang."


"Ikaw talagang----"


"Kayong dalawa! Mag-aaway na naman kayo! Bumaba na nga kayo ro'n at nang maihatid na kayo ng papa n'yo. Baunin n'yo na lang 'tong mga tinapay na ito, at kainin niyo sa b'yahe. Male-late na naman kayo niyan," singit ng nanay naming habang binibigay sa amin ang tig-dalawang sandwich na ginawa n'ya.


Hinalikan naming magkapatid si mama sa pisngi at saka tumakbo palabas ng bahay.


"ALIS NA PO KAMIIIII!"


"Sige! Mag-ingat kayo!"

-------------------------------------------

Saktong 6:59 ay nakarating kami ng school. Halos lakad-takbo na ang ginawa ko papuntang classroom dahil masungit pa naman ang first subject teacher namin. Ayaw no'n ng late. Pero, siguro sadyang swerte akong tao, dahil pagdating ko sa classroom ay ando'n na ang teacher na tinutukoy ko sa inyo.


"Ms. Valdez. You're late again!" singhal n'ya sa akin.


"Sorry, sir. Traffic po kasi."


"Traffic? Sa'n ka ba nakatira? Sa EDSA? Ang lapit lapit ng bahay mo rito, pero nale-late ka pa rin! Kapag ikaw ay late na naman bukas, mamarkahan ko na ng absent ang attendance mo. Sige na, pasok na!"


"Thank you, sir."


Bago pa man ako maka-upo ay nagsalita na agad ang teacher namin. "Aware naman siguro kayong lahat na magkakaroon kayo ngayon ng mga observers at student teachers, am I right?"


"Yes, sir."


"Good. Mayro'n akong intern this year at isa siyang alumna sa school na 'to. She's the former president of Social Studies Club for 4 straight years, simula no'ng first year pa lang siya. Siguro'y familiar na rin kayo sa itsura niya, kasi lagi niyong nakikita ang mukha niya sa labas ng school, dahil isa s'ya ro'n sa mga nakasabit na tarpaulin sa labas ng school. Model kasi siya ng school natin."


Sabay-sabay naman kaming napalingon magkakaklase sa pintuan nang biglang bumukas ito. Tila gusto kong lumubog sa kinauupuan ko nang mapagtanto ko na ang iniluwa ng pintuan na 'yon ay ang nakabangga sa akin kahapon. Yung babaeng natapunan ng juice.


Yung sinasabi kong maganda... pero, hindi naman kagandahan ang ugali.


Kaya naman pala pamilyar siya no'ng nakita ko siya kahapon kasi puro karamihan sa mga nakapaskil na tarpaulin sa labas ng school ay pagmumukha niya. Natigil ako sa pag-iisip ng kung ano-ano nang magpatuloy na magsalita ang teacher naming sa harapan. "Hindi ko na pala siya kailangan i-describe dahil 'andito na s'ya."


"Waaah pre, ang ganda niya!"

"Shet, ang sexy! Ang kinis, gago!"

"Sus, maputi lang naman 'yan. Paitimin mo 'yan, pangit na s'ya."

"Kakainsecure ang ganda niya, kainis."


At ayan na nga ang samu't saring bulungan ng mga kaklase ko. Parang ngayon lang nakakita ng maganda, e halos araw-araw naman nila akong nakikita. Napangisi na lang ako sa kagagahan na naiisip ko.


Napabalik ang atensyon ko sa harap ng magsalita na ang babaeng pinagkakaguluhan ng lahat. "Good morning sa inyong lahat. My name is Veronica Santiago. Kilala ako rito sa school bilang Veron. I'm pretty sure na kilala na ako ng ilan sa inyo." Tumigil siya saglit at nagulat naman ako nang bigla siyang tumingin sa gawi ko. Hindi ko alam kung ako lang ba pero parang nag-smirk siya nang makita niya ako. Hindi ko na lamang inintindi dahil baka nagkakamali lang ako.


"Katulad nang sinabi ni Sir Romeo, I've been the president of the Social Studies Club since nung first year pa lang ako until 4th year. Now, I am currently studying Secondary Education, Major in Social Studies. Graduating ako kaya OJT ko ito. I'm happy and excited na makapagturo sa inyo. I hope we get along in the future," pagpapatuloy niya.


Nagpalakpakan naman ang mga kaklase kong mga kumag. Napa-ismid na lang ako dahil sa ginawa nila. Mga panggap. Kung 'di lang nila alam, kaya nagpapalakapakan at excited 'yang mga 'yan ay dahil maganda 'yang si Ma'am Veron.


Matapos ang isang oras sa subject ni Sir Romeo ay nagpaalam na silang dalawa ni Ma'am Veron. Laking gulat ko lang dahil imbis na umalis na si Ma'am Veron ay lumakad ito palapit sa akin at saka bumulong, "and so, we meet again... Ms. Valdez." Lumayo siya ng bahagya sa akin para tignan ako sa mata.


Ngumiti ito bigla. Hindi ko alam kung bakit... pero bigla akong kinabahan.

Our Subjective TaleWhere stories live. Discover now